CHAPTER 25: Kidnapped

1.2K 14 0
                                    

Christian's POV

Si Maxine at si Lady ay iisa.

Si Maxine at si Lady ay iisa.

Si Maxine at si Lady ay iisa.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang tungkol dyan. At hanggang ngayon hindi pa rin namin nakikita si Maxine! Ang sakit sakit na nga ng ulo ko kaiisip kahapon pa kung ano ba ang nangyari sa kanya. Tapos naisip ko pa yung mga pagkakapareho nila ni Lady.

Parehas silang dito nakatira sa Batangas. Nung araw na napag-usapan namin ni Lady na dapat magkikita na kami, sinabi niya sa akin na hindi na pala siya pwede at hindi pa muna niya ako makakatext dahil may sasalihan siyang quiz bee at kailangan niyang magreview ng matagal para dun. Nalaman ko naman noon pagkalipas ng mga ilang araw nung biglaang umalis si Luke papuntang Italy, kasali rin pala si Maxine sa History quiz bee at ang engot ko naman dahil inisip ko na baka makakalaban nila si Lady dun sa quiz bee. Yun pala ay iisa lang sila. 

Nung araw din na nasa bahay kami nila Luke nung nanalo siya na SC President, katext ko si Lady noon at nung lumabas ng bahay si Maxine, may katext din siya noon. Kaya pala, dahil ako yung katext niya nung mga oras na iyon.

Naalala ko rin nung unang pagkikita namin ni Maxine. Nakabunggo ko siya noon sa mall dahil parehas kaming nagtetext. Hindi namin alam, kami pala yung magkatext noon.

"Please gawin niyo ang lahat para makita ang anak ko.. Please.." Napalingon ako sa Mommy ni Maxine na ngayon ay kausap yung isa sa mga pulis dito sa police station. Napaiyak na siya dahil sa pag-aalala at nilapitan naman siya ni Mam Leah para icomfort. Kahapon pa kasi nawawala si Maxine..

Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa sakit ng ulo. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon, sobrang bigat. Hindi ko alam kung saan ko mahahanap si Maxine. Bakit kung kailang nalaman ko na na siya at si Lady ay iisa, bakit kung kailang sasabihin ko na na gusto ko siya, nangyari pa to? Napabuntong hininga nalang ako. Tiningnan ko sila Roxanne, Denisse, Kevin, at Neon na nandito rin sa prisinto. Kita sa mga mukha nila na nag-aalala rin sila kay Maxine.

Tumayo na ako agad dahil hindi ko kayang maupo lang dito nang walang ginagawang aksyon. Pinagtanong ko na si Maxine dun sa mga taong dumadaan malapit sa WCA pero kahit isa sa kanila walang nakakita sa kanya.

Kung may kumidnap sa kanya, ang linis naman ng pagkakadukot nila kay Maxine dahil wala man lang naiwang ebidensya o kaya bagay na pwedeng itrace! Saka sino naman ang gagawa nun sa kanya? Wala naman siyang kagalit o kaaway. Yung phone niya na tinawagan ko kahapon, walang sumasagot! Hanggang sa nag-unattended na at hula ko ini-off.

Pero kahit anong mangyari... kahit hanapin ko pa siya sa buong Pilipinas gagawin ko. Pangako Maxine, gagawin ko ang lahat para mahanap ka. Pangako......

Maxine's POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko at naramdaman ko pa ang pagkahilo na parang umiikot yung buong paligid ko.

T-teka, n-nasaan ako? Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa isang abandonadong lugar ako. Madilim sa lugar na 'to at nakakatakot. Lalo pa akong natakot nang makita kong nakatali ang mga kamay at paa ko. Mahigpit ang pagkakatali nito kaya nang gumalaw ako eh naramdaman kong masakit. Napansin ko rin na may takip ang bibig ko at pinagpapawisan na ako dahil walang hangin na pumapasok dito sa lugar na 'to.

N-nasaan ako? A-anong lugar to?

Ayan na, hindi ko na napigilang umiyak. Nasa dulo na ako ng hallway at pababa na ng 5th floor nang biglang may humila sa akin at nagtakip ng bibig ko.

"Mmmmmm!" Nagpumiglas ako pero sobrang higpit ng hawak niya at may hawak pa siyang kutsilyo. T-teka, b-bawal yan d-dito sa school ah! AHHHHH! TULUNGAN NIYO KO!

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon