CHAPTER 20: Hatid-Sundo Thingy

1.5K 17 2
                                    

Maxine's POV

"Good morning my lady."

"Good morning din Mang Lando!"

Today's Monday, another long day na naman sa school. I'm ready to leave kaya sumakay na ko sa kotse. Pinaandar na ni Mang Lando at lumabas na kami ng gate.

"My lady, kilala niyo po ba ung binatang yun?" May tinuro siya dun sa labas.

"Ha? Sino po?" Dahil nakasandal ako sa back seat, di ko agad nakita ung tinuro ni Mang Lando. Sinilip ko naman kung sino yun.

O_____________________O

"Bakit nandito yan?!", dahil sa gulat ko napalakas tuloy ung boses ko.

"Kanina ko pa nga po nakita yan dyan, mukhang may hinihintay kaya tinanong ko sa inyo kung kilala niyo.."

"Pakihinto po muna.." As I said that, tinigil nga nya ung kotse. Binuksan ko agad ung pinto ng kotse at bumaba ako.

"Christian?!" Napalingon siya nung tinawag ko sya. Sa kabilang gate kasi niya pinark ung motor nya, eh dun kami sa isang gate dumaan ni Mang Lando.

"Ang tagal mong lumabas! Kanina pa ko dito!"

"What are you doing here?! At sino naman may sabi sayong hintayin ako?!"

"Diba sabi ko sayo, simula ngayong Monday maghanda ka na ng pang-gas?" So? Ano namang connect nun? Don't tell me? O____O

Bago pa ko makapagsalita uli, bumaba na si Christian sa motor nya at lumapit sa kotse ko. Kinatok nya ung bintana ng driver's seat at binaba yun ni Mang Lando.

"Good morning Sir.", bati ni Mang Lando kay Christian.

"Kayo po yung driver ni Maxine noh?" Hello? Tinanong pa! Di ba obvious? -___-

"Ah, yes Sir."

"Di nya ba sinabi sa inyo na ako na po maghahatid sundo sa kanya simula ngayon?"

WHAT??!! O__________O

"Hey what are you saying?!" Tiningnan ko naman si Mang Lando. "Naku wag po kayong maniwala dito!" Si Christian naman, hinigit ko na palayo dun sa kotse at pabalik sa motor nya. "Ano ba mga sinasabi mo ah?! Baka malate pa ko dahil sayo so babye na!"

Tinalikuran ko na sya at babalik na dapat ako sa kotse pero bigla akong binuhat ni Christian!! Yung parang newlywed couple! >___<

"H-hey! H-hey! I-ibaba mo ko!!" Nagpumiglas ako pero parang hindi sya naapektuhan! Palibhasa magaan lang ako eh! "Sabi ko ibaba mo ko! Naka-uniform ako oh! Duh! Makitaan pa ko dahil sayo!"

Ibinaba nga nya ko pero sa motor na nya! Sinuotan nya ko agad ng helmet. "Sakin ka na kasi sumabay!", sigaw nya. Tapos sumakay na rin agad sya.

"May magagawa pa ba ko?!", sigaw ko din sa kanya. Tiningnan ko naman si Mang Lando. "Mang Lando, I'll explain everything to Mom!"

"Ok po!", sagot nya at tuluyan nang pinaandar ni Christian ung motor. -___-

"Ano na naman ba to?! Bakit may pasundo sundo ka pang nalalaman?!", tanong ko kay Christian.

"Trip ko lang!"

"So pag trip mo, kailangang masunod?!"

"Basta ako na maghahatid sundo sayo simula ngayon! Seryoso ako kanina!" Tss! I have a lot of explaining to do to Mom! I rolled my eyes kahit di nakikita ni Christian at di nalang ako nagsalita.

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon