Maxine's POV
Pagkatapos nya kong hilahin pabalik sa cafe, di ko na alam kung si Christian pa din ba ung kasama ko.. Kasi naman, ibang iba sya ngayon. Nakikipagkwentuhan tapos hindi na sya madalas mang-asar. Naisip ko nga, baka may creature na kinuha ung totoong Christian, kaya ibang-iba tong kasama ko.. O kaya baka doppelganger?! O___O
"O, accepted na ung sorry ko ah.."
"A-ah.. Oo na.." Ang awkward pa din!
"Malapit na rin magdismissal time. Wag na tayong bumalik sa school ngayon.. Tara nalang sa park malapit dito.."
"O-okay.." Tumayo na kami at lumabas ng cafe.
Nang makarating na kami dun sa park, naupo na muna kami dun sa bench. Kaunti lang ang tao na naglilibot dun sa park.
Nang makakita naman kami ng nagtitinda ng ice cream, bumili kami.
"Kumakain ka pala ng dirty ice cream?", tanong ko sa kanya..
"Oo naman!"
"Di kasi halata dahil mukha kang spoiled."
"Tss.. Paborito ko nga to nung bata ako eh.."
O, si Mr. Mean yang kausap ko ah! Diba ibang iba? May sumapi ata dito eh..
Medyo nag-enjoy kami sa paglilibot sa park kaya naman di na namin napansin ang oras. 5:30 na pala, kanina pa dismissal. Naisip ko nga eh, pwede naman palang maging mabait si Christian bakit hindi pa nya noon ginawa. Napangiti nalang ako. :)
"Ano naman nginingiti ngiti mo dyan?", tanong sakin ni Christian habang naglalakad kami pabalik sa school.
"Masama bang ngumiti?"
"Naiinlove ka lang sakin eh.. Haha."
"Ayan ka na naman! Nang-aasar na naman!" Natawa lang sya sakin. -__-
Naglakad na kami pabalik sa school. Nang makarating kami dun, kaunti nalang ang mga estudyante kasi malapit nang mag 6:00. Kinuha na namin ung bag namin sa room. Di ko pa nga pala natawagan si Mang Lando para magpasundo, nasa bag ko kasi ung phone ko.
"Umm.. Maxine, una na pala ko kasi may naghihintay sakin eh.."
"Ahh.. ok.." Nauna na syang bumaba ng HS Building.
Sino naman kaya yung naghihintay sa kanya? Akala ko ba wala syang girlfriend sabi ni Roxanne noon.. Eh girlfriend nga ba yung naghihintay sa kanya?! Hay nako Maxine!
Pumunta na ko sa locker ko para kunin ung iba kong gamit..
"Ang tagal mo naman! San ka ba galing?" May narinig akong nagsalita malapit sa locker room. Sinilip ko kung san nanggaling ung boses.
Si Christian yun ah! May kasamang babae? Hindi ko naman makita kung sino ung girl kasi nakatalikod. Sino kaya yun?
"Nanggaling ako sa cafe eh." Umakbay sya dun sa girl. "Tara na nga.."
"Nagcutting ka na naman? Hay nako Christian!" Naglakad na sila papunta sa grounds at palabas ng school..
May girlfriend talaga sya? Baka secret lang ang relationship nila kaya walang nakakaalam. Hmp..
Teka nga lang, bakit ko ba pinoproblema yun?!
Naglakad na ko papunta sa gate ng school. Dumidilim ata, mukhang uulan ah. Tinawagan ko na agad si Mang Lando para magpasundo. Baka maabutan pa ko ng ulan, wala pa naman akong payong.
BINABASA MO ANG
One Wrong Sent Message (COMPLETE)
Dla nastolatkówPosible bang magkaroon ng bagong love story dahil sa isang wrong sent message? Well, dito sa wattpad oo.. She is a transferee student in West Cambridge Academy. Nagtransfer siya dun because she has a mission. Akala niya magiging okay ang buhay niya...