CHAPTER 11: Jealousy? Strike #2..

1.6K 19 0
                                    

(Author's Note: Ehem.. ehem.. Simula po sa Chapter 10 hanggang sa last chapter ng story na to, "Jealousy? Strike #__" ang title! Buong story po ay walang gagawin si Christian kundi magselos! Haha.. Syempre joke lang! XD)

Maxine's POV

"Bunso andyan na yung sundo mo!", sigaw ni yaya galing sa labas ng room ko.

"Wait lang po! Malapit na kong matapos!"

Saturday ngayon and iniisip niyo kung sino ung sinasabi ni yaya na sundo ko noh?

Pumayag kasi akong sumama sa gig ng Superscripts. Nagmakaawa kasi si Luke eh! Ang sama ko naman kung yun lang eh hindi ko siya mapagbigyan!

Kaya lang wala akong kaclose dun kundi si Luke lang! Sana andun din si Den..

Kinuha ko na ung purse ko at lumabas na ko ng kwarto.

"O ya, asan na po si Luke?", tanong ko kay yaya.

"Dun sya sa labas naghintay.."

"Hala! Bakit hindi po pumasok dito sa loob?" Bumaba na ko at palabas na ng bahay. "Sige po, alis na ko. Bye!"

Pagkalabas ko naman ng gate, nakita ko si Luke na nakasandal dun sa kotse nya at nakatungo..

"Hey bakit hindi ka naman pumasok sa loob?" Napaangat naman ang ulo niya.

O____O ----> ganyan reaction nya

O____o ----> reaction ko..

"Huy! Para kang nakakita ng multo!" Aba tulala to!

"Y-you look pretty.."

O/////O

Fashion style ko naman to ah! I'm wearing plain skyblue 3/4 polo na nakatuck-in sa cream shorts ko, plus the sneakers and ung mahabang necklace na may heart pendant. Then nakaclip ang buhok ko..

"S-sus! Nambola pa to! Tara na nga!" Natawa lang sya.. Binuksan na nya ung pinto ng kotse. Syempre may driver din yan kasi di pa naman sya pwedeng magdrive.

"Di pa ba tayo late? Ikaw? Baka kailangan ka dun..", sabi ko sa kanya nang nakasakay na kami sa loob.

"5:56 palang naman. Magsisimula ang gig ng 6:30.."

Umandar na ang kotse. Nagkwentuhan lang kami ni Luke habang papunta dun sa place.

"Pupunta din ba dun si Den?" Hindi naman kasi ako mahilig pumunta sa mga gig eh. Napilitan lang ako..

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon