CHAPTER 34: The Final Chapter

1.3K 22 5
                                    

Maxine's POV  

Monday na ngayon at nandito ako sa garden ng school. Hinihintay ko si Christian dahil nasa cafeteria siya ngayon at bumibili ng pagkain namin.  

Masaya ako.. Yun ang masasabi ko sa inyo ngayon. I'm happy dahil nakita ko na si Dad.. At masaya rin ako dahil nagkaayos na kami ni Vhia.. Akala ko hindi niya matatanggap ang truth na sister niya ako, pero mali pala ako... Masaya ako para sa kanya dahil natuto na siyang magpakumbaba at narealize na rin niya ang mga nagawa niyang mali..  

"Maxine.." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Vhia.. Nginitian niya ako, kaya ngumiti rin ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinabihan ako sa bench.  

"Maxine, may sasabihin kasi ako sayo.."  

"Ano yun? Tungkol saan?", tanong ko. Tumungo lang siya at saka tumingin uli sa akin.  

"I want to say goodbye to you.. Kasi napagdesisyunan ko nang pumunta sa Italy at dun na ipagpatuloy ang studies ko.."  

"A-ano? B-bakit?" Bakit naman siya biglang aalis? Ngayong nalaman na namin na magkapatid kami?  

"N-nahihiya kasi ako sayo dahil sa mga nagawa ko.. G-gusto ko munang magpakalayo.. Pumayag na rin si Dad sa decision ko, and I hope you too will understand.."  

"S-sayang naman.. Lalo na ngayon na gusto kong makapagbonding tayo nila Daddy.." Napatungo ako. Hinawakan niya naman ang kamay ko.  

"Sana maintindihan mo ako.. Maxine, gusto ko namang maging masaya, at sana mahanap ko ang happiness ko doon.."  

"Kung yun ang decision mo, sige, naiintindihan kita.. Basta mag-iingat ka palagi dun.." I smiled at her.  

"Thank you Maxine.. And sana ikaw rin maging masaya na.." Ngumiti rin siya sa akin. "Ay bago ko pala makalimutan.." May kinuha siya sa bulsa niya. "Ito yung phone mo na kinuha ko noon.. Binabalik ko na sayo."  

Inabot niya sa akin iyon. "Thank you Vhia.."  

She smiled again. "Sige, babalik na muna ako sa room.." Tumayo na siya at naglakad na paalis.  

Tiningnan ko naman yung phone ko. Tinry kong i-open yun, at mabuti bumukas. Nakita ko rin na full charge. Siguro chinarge na ni Vhia bago niya ibalik sa akin.. Nalulungkot tuloy ako dahil aalis siya..  

Nabigla naman ako nang tumunog ang phone ko dahil may tumatawag. May tumatawag agad? Tiningnan ko kung sino at nagulat na naman ako sa nakita ko.  

O_________________O  

S-si JC tumatawag?? H-hindi naman 'to tumatawag noon! Nag-aalangan ako kung iaaccept ko ba yung call dahil nahihiya ako sa kanya.. Dati puro texts lang, pero ngayon tawag na..  

Pero baka naman mangangamusta lang? Hala nahihiya ako! Pero sige na nga! Pinindot ko na yung accept button.  

"Hello? Lady?"  

"H-hi JC.. B-bakit naman napatawag ka?"  

"Nagtataka ka ba ngayon dahil tumawag ako? Nakikita ko ngang parang nahihiya ka eh."  

Nagulat ako. A-ano??  

"N-nakikita mo? P-paano? A-alam mo ba kung nasaan ako? S-saka kilala mo na ako?" Lumingon lingon ako at hinahanap ko siya. Pero paano naman yun mapupunta dito sa school?  

One Wrong Sent Message (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon