Christian's POV
K-kasama nga ni Maxine si Luke.
"Wow! So talagang magkasama nga kayong dalawa?", sabi bigla ni Vhia. Dahil sa pagkagulat ko, hindi na ako nakapagsalita. "Hindi mo ba alam na maraming nag-aalala sayo dito? Lahat sila nahirapan dahil sa paghahanap sayo Maxine.. Yun pala sumama ka lang kay Luke.. Hay nako, nakakaloka ka!"
"Ano bang sinasabi mo? Pwede ba Vhia wag kang plastic? Diba ikaw nga ang may kasalanan kung bakit ako nawala?! Pinakidnap mo ko!"
Napatingin ako kay Vhia dahil sa sinabi ni Maxine.
"Ano?! Christian wag kang maniwala sa sinasabi ng babaeng yan! Diba palagi naman akong nandito sa school? Kaya paano ko naman magagawa yung sinasabi niyan na pinakidnap ko siya?! Nababaliw ka na siguro Maxine! OMG!"
"Wag ka nang magdeny Vhia! Sa ngayon hindi ko pa alam ang plano mo at kung bakit mo yun nagawa.. Pero malalaman ko rin kung ano yun.."
"May nagtext sa akin noon kung nasaang lugar si Maxine kaya ko siya napuntahan.. Ikaw ba ang nagsend nun Vhia?" Si Luke naman ang nagsalita at nagtanong kay Vhia.
"WHAT?! Ano naman yun?! Wala akong alam sa pinagsasasabi niyo! Why?! Do you have any evidence?! Wala kayong karapatang pagbintangan ako kung wala naman kayong ebidensya! Pwede ba, umalis na kayo? GET OUT!"
"Halika na Maxine.. Wag mo nang sayangin ang oras mo sa babaeng yan.." Hinila na ni Luke si Maxine palayo.
Ano yung sinasabi ni Maxine na pinakidnap siya ni Vhia? Posible bang totoo yun?
Natulala ako at hindi na nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nagulat ako nang biglang yumakap sa akin si Vhia habang umiiyak.
"Huhuhu.. Christian wag kang maniniwala sa kanila.. *sob* God knows, hindi ko alam ang sinasabi nila at hindi ko rin naman kayang gawin yun.. Hindi ako masamang tao.. *sob*"
"O sige tahan na... Naniniwala ako sayo.."
Yan nalang ang isinagot ko sa kanya.....
Dahil may naiisip akong plano...
Vhia's POV
Niyakap ko si Christian at umiyak ako.
"Huhuhu.. Christian wag kang maniniwala sa kanila.. *sob* God knows, hindi ko alam ang sinasabi nila at hindi ko rin naman kayang gawin yun.. Hindi ako masamang tao.. *sob*"
"O sige tahan na... Naniniwala ako sayo.."
*evil smile* Nagtatagumpay na talaga ako! Hahahaha! I'M THE BEST ACTRESS EVER!
Una, naniwala si Christian dun sa mga pictures.. Ngayon naman, naniniwala siya sa akin na hindi ko kinidnap si Maxine..
Awww.. I'm so happy! Oh my gosh!
Kawawa ka naman talaga Maxine... *evil smile* Malapit ka nang maglaho sa isip ni Christian.. Hahahaha!
Maxine's POV
Pagkatapos akong hilahin ni Luke palayo sa History room, nagpunta nalang muna kami sa garden at naupo sa isa sa mga benches doon.
"Naiinis ako sa kanya Luke! Bakit kailangan niya pang ideny na hindi siya ang may gawa ng lahat, eh pinuntahan pa nga niya ako noon at kung anu-ano ang sinabi sa akin! Ano ba kasi ang gustong mangyari ni Vhia?! Ano ba kasing binabalak niya?! Bakit kailangan niyang gawin sa akin 'to?!"
BINABASA MO ANG
One Wrong Sent Message (COMPLETE)
Ficção AdolescentePosible bang magkaroon ng bagong love story dahil sa isang wrong sent message? Well, dito sa wattpad oo.. She is a transferee student in West Cambridge Academy. Nagtransfer siya dun because she has a mission. Akala niya magiging okay ang buhay niya...