"Hey!" Inagaw ko agad sa kanila ung phone ko. Pano ba naman kasi, pinakialaman nila at nagbasa pa ng mga messages! Hindi ko pa kasi nadedelete ung inbox ko.
"Sino si JC? Ha?" Parang nang-aasar pang tanong ni Roxanne.
"Wag mong sabihing tatlo na ang lalaki sa buhay mo! Si Kuya, si Chr-----" Bago pa masabi ni Den ung mga pangalan, tinakpan ko na agad ang bibig nya.
"Textmate ko lang si JC.. Sasabihin ko naman sa inyo eh, kaya lang nalaman nyo na.. At bakit nyo nga ba ginalaw ung phone ko?" Nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ni Den.
Hindi naman ako galit sa kanila. Nagulat lang ako kanina nung nakita kong hawak nila ung phone ko.
"Siya eh!", sabi ni Roxanne sabay turo kay Den.
"Mmmmmmmmm! Mmmmmmmm..." - Den
"Ano?!", tanong ko sa kanya. Bigla naman nyang tinanggal ang kamay ko sa bibig nya.
"Eh kasi naman ho, tinakpan nyo ho ung bibig ko! Paano nyo naman ho maiintindihan?" - Den
"Maka 'ho' ka naman! Para kong matanda!"
"Basta nya kinuha ung phone mo eh..", nagsalita uli si Roxanne.
"Ehh.. hehe.. Trip ko lang naman tingnan! Saka.... bestfriends mo naman kami noh!", sabi ni Den.
"Oo nga.. Hindi naman ako galit eh."
"Yung JC ba na yun ang madalas mong katext dati? Nung inaagaw ni Luke ung phone mo?", pagtatanong naman ni Roxanne.
"Ah oo.."
"Gaano katagal mo na syang textmate?", dagdag pa niya.
"Since nung April pa. Nung bakasyon.."
"Ngayon mo lang talaga sinabi samin ah!" - Roxanne
"Hindi pa nga nya balak sabihin ngayon eh! Kung hindi pa natin nabasa ung mga message, hindi natin malalaman!", nagtatampong sabi ni Den.
"It's not a big deal! Textmate ko lang naman yun pero gustung-gusto nyong malaman.."
"Of course! We're your bestfriends pero hindi mo sinasabi sa amin yung mga ganyang bagay.." - Roxanne
"Okay fine. I'm sorry.." I pouted. "Sorry na.."
BINABASA MO ANG
One Wrong Sent Message (COMPLETE)
Roman pour AdolescentsPosible bang magkaroon ng bagong love story dahil sa isang wrong sent message? Well, dito sa wattpad oo.. She is a transferee student in West Cambridge Academy. Nagtransfer siya dun because she has a mission. Akala niya magiging okay ang buhay niya...