Flower 11: Arrival and Declaration

85 1 0
                                    

T H I R D - P E R S O N - P O V

Nakaalis na nga sila Tae Joon sa dimensyon kung saan sila nag-ensayo. Hindi pa rin maalis sa isipan niya sa kung anong sinabi sa kanya ni Jia Li. Hindi siya naniniwala sa mga demonyo noon pero nang umamin si Jia Li, saka lang siya naniwala. Jia Li is a living proof.

"Tae Joon, magpahinga ka na muna. Ang dami mo pang benda sa katawan." Sambit ni Jia Li.

"Ayokong nakahiga lang ako sa dorm." Mababa niyang tugon.

"Aiya. Don't push yourself too hard. Nando'n naman sila Kyuhyun para asikasuhin ang mga kailangan mong asikasuhin."

Hindi na siya nakipagtalo pa saka dumiretso sa kanyang kwarto sa dorm. Ang natitira niyang lakas ay ginamit niya para sa spell na lagi niyang ginagamit, ang Ensconce Spell. Ito ang lagi niyang ginagamit para hindi nila malaman na nando'n siya sa amoy o presensya niya, sanay na siyang gamitin ito kaya madali nalang niyang nagagawa. Iilan lang kase ang nakakakilala sa kanya sa itsura at tanging sa pangalan lamang nila siya kilala kahit na siya ang Student Council President.

"Sigurado ba kayong walang nakakaalam na nakapasok tayo dito?" Bulong ng isang lalaki habang naglalakad siya pabalik sa kanyang kwarto.

"Wala naman. Sigurado ka bang safe tayo dito?" Tanong no'ng isa. Naglakad si Tae Joon sa harap nila at mukhang hindi nila napansin na nando'n siya.

"Akala ko naman kung gano'n kahirap pumasok dito. Tsk. Easy as pie lang naman pala. Walang kwenta mga tao dito." Sambit no'ng isa.

Tama nga sila. Madali 'tong pasukin. Hindi ko rin napansin ang presensya nila kanina pero malas nila kase akong nakahanap sa kanila. "Too bad." I mumbled. Nagulat sila dahil nagsalita ako, saka lang nila ako napansin ng ginawa ko 'yon. Agad na akong nakagawa ng barriers na magiging kulungan nila.

"Shit!" Sigaw no'ng isa habang kinakalampag ang barrier.

Biglang may dalawang pigura ang nagpakita do'n, "Nahanap ko rin kayo." Sambit niya. "Thank you, Tae Joon. This would do." Sambit ni Jia Li saka linagyan ng posas ang kamay no'ng dalawang lalaki gamit ang magic.

"No problem. Magpapahinga lang ako. Balitaan niyo nalang ako." Sambit niya saka dumiretso nan gang tuluyan sa kanyang kwarto.

"Tae Joon." Tawag naman ni Yixing. Lumingon lang si Tae Joon bago pumasok, "May assembly bukas. Lahat ng council pupunta."

"Okay," tipid niyang sagot

"I-ready mo na lahat ng sasabihin mo," aniya saka umalis na sila kasama no'ng mga nahuli.

-

Dumating na nga ang bukas. Assembly na nila at mukhang handang handa naman na si Tae Joon upang iparating sa kanila ang mga gusto niyang mangyari sa academy.

Nakapasok na silang lahat do'n sa assembly hall. Sinimulan ng isang miyembro ng Chevalier, "I think it's time to gather those twelve." Sambit niya kaya napatingin silang lahat sa kanya.

"Those twelve are formidable... do you think we can handle them?" Tanong din ng isa pang miyembro ng Chevalier.

"Tanungin niyo kaya ang isa sa mga tinatawag nila Infamous Twelve para malaman niyo." Singit ni Jia Li na pumangalumbaba roon.

Isang pagtitipon ang nagaganap ngayon. Bawat sangay na bumubuo sa Friestine ay naroroon.

Ang Chevalier, bilang pinakamataas na namumuno, ay binubuo ng pitong miyembro.

Ang Master Council naman ay binubuo ng mga professor.

Ang Gatekeepers Council naman ay binubuo ng mga estudyante na nakatoka sa bawat lugar sa Academy. Binubuo sila ng sampung estudyante at ang bawat numero nila ay katumbas kung gaano sila kalakas.

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon