Flower 5: Found Ya!

114 3 5
                                    

L E E – S O O – J I N

"Zhang Yi—Hoy! Bakit mo naman ginawa 'yon? Kita mong may kausap ako!" Napatikham si Jia Li at nag-pout. Akala mo naman kung inis na inis. Base naman kasi sa mga kinikilos niya, halatang nagpapa-cute lang siya kay Yi Zing o kung sino man 'yon na papalapit sa kinalalagyan namin. Pero ang nakapagtataka dito sa hallway na kinatatayuan namin, kaming tatlo lang ang naririto. Hindi ko rin matanaw 'yong mini-theatre room na sinabi ni Jongin kanina. Napapaisip tuloy ako kung may napuntahan nga ba akong hindi nararapat.

"What are you doing in this floor?" Hinarap kami no'ng labidabs ni Jia Li at para bang pupugutan na niya kami ng ulo dahil sa kasalanang hindi namin alam kung ano. Nakarating na rin siya sa wakas. Enebe! Nalilito ako! Di ko alam kung sino ba ang kinakausap niya sa aming dalawa! Iniabot ko naman sa kanya ang itinapon niyang tsinelas.

"Eh sino bang kausap mo? Siya o ako?" Sagot naman ni Jia kasabay ng pagkuha niya sa tsinelas niya. Ayos 'tong dalawang intsik na to ah, parang aso't pusa! Akala ko ba may something dito? Buti naman at parehas kami ng naisip ni Jia Li. She voiced out my thoughts!

"Kayong dalawa ang kausap ko rito." Sabi niya, seryosong-seryoso. Kung izo-zoom in, talaga nga namang may hitsura si Yixing. Medyo malaki at napaka-well coordinated ng kanyang pigura at professional na professional ang uniporme. He's wearing spectacles at nakasuot ng white robe. Para bang mad scientist na kalalabas lang sa laboratory niya. Iyon nga lang, 0% ang kanyang fashion sense dahil sa tsinelas na suot suot niya.

"A-Ah. Ano kasi, Y-Yixing—" Kako. Sa lahat ng mga taong nakilala ko ngayong araw na ito, sa kanya lang ako kinabahan. Nakakatakot kasi 'yong aura! Sinubukan ko rin siyang amoyin kaso hindi ako sigurado kung anong nilalang nga ba siya o tao.

"Wag mo akong tawaging Yixing, call me Sir." Inayos niya ang frames niya at tinitigan ulit ako. Kaloko! So si Jia lang may karapatang tumawag sa 'yo ng Yixing? Ganoon?

Suplado naman neto. Di naman mukhang teacher! I hissed. Out of consideration, sige na nga, tatawagin na kitang Sir. Kung di ka lang medyo pogi eh!

"Yes, Sir." Sarcastic kong sagot. "Hinahanap ko po kasi 'yong gatekeeper na naka-toka sa akin. Sabi po kasi ng isang estudyanteng pinagtanungan ko, baka raw po may makatulong sa akin kung pupunta ako sa fourth floor."

"Fourth floor?!" React ni Jia. Teka Jia, OA mo naman kung maka-react?! And then both of them started laughing. Anong nakakatawa?! Jusmeyo! OP ako rito! Kanina pa na ganito ang nangyayari! Ugh, ano ba talagang meron na hindi ko alam?!

"Uhm, bakit kayo tumatawa?" Lakas loob kong itinanong. Ano 'to, couple's laugh? Iwanan sa ere? Wala man lang support? Buhay single nga naman oh!

"Well, mukhang naloko ka ata ng pinagtanungan mo, Soo Jin." May bahid pa rin ng tawa ang boses ni Jia Li. This is not getting good.

Ako? Niloko?

Na naman?! Bakit ba lagi nalang!

"H-Ha? Ano bang ibig niyong sabihin?" I crossed my fingers. Please, sana naman hindi na naman ito bunga ng katangahang meron ako!

"This building has only 3 floors and this is the last one." Kim Jongin, Papatayin kita! I clenched my fist. Kung makita ko man 'yong taong 'yon, susuntukin ko talaga siya ng 100 times! Hindi lang, isang libo para hindi na siya makasayaw ulit!

"T-That guy!"

"Oh kalma, baka naman kasi Si Kim Jongin ang pinagtanungan mo. Napakasinungaling kaya ng batang 'yon!" Pagbibiro rin ni Sir Yixing.

"Ah—" P-Paano naman niya nalaman?! At bakit naman ako lolokohin ng machong 'yon?

"Ang floor na ito ay para sa mga teaching staff and the Councils' members lang. And once you enter this floor, you will be trapped. Kaya dapat pasalamatan mo si Jia Li for sensing your presence. Kung hindi, baka walang makakatulong sa 'yo. That's how tight the security is. Teachers won't care if you die." Yixing smirked. Alam ko na kung bakit may tumawag sa pangalan ko. It was a warning that I must not enter this floor.

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon