Flower 0: The Beginning

223 3 2
                                    

A/N: Hello, Hello! Annyeong Annyeong! XD Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa EXO at sa mga bampira, nabuo ang nakakabaliw na fanfic na ito.Sa mga maharot diyang tulad ko, isipin niyo nalang na kayo ang bida rito ha? Siyempre, since kasisimula palang nito, abangan niyo nalang kung paano lalandi yang mga bias ninyo sa susunod na chapters.Bawal maexcite baka sumabog ang ovaries! :3

Anyways, I hope you'll enjoy and support this fanfic.Many thanks kay @Hiranssi dahil sa amazing cover at 'title' Hahahaha. Love lots bh3 xx

Enjoy Reading everyone!

****

"Lola! Lolaaaa!" Halos madulas ako sa sobrang bilis nang pagbaba ko sa hagdan. Paano ba naman kasi, may emergency! Kailangan ko nang tulong niya, as in ASAP na ASAP!

"Lee Soo Jin!" Salubong naman niya sa akin. Hawak-hawak pa niya ang mahiwaga niyang sandok na ginagamit niya para gumawa ng weird potions niya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi mo kailangang isigaw ang pangalan ko. Ano bang kailangan mo sa 'kin? Alam mo na mang ang dami kong ginagawa."

I rolled my eyes, here goes the sermon of my busy grandma.

"Eh kasi naman La, mag-on na 'yong crush ko at 'yong nililigawan niya!"

"Oh, tapos? Iyon lang? Tinawag mo ako para pakinggan ang useless mong kwento?" She was about to walk out pero hinablot ko 'yong braso niya. I won't give in ano! Kailangan kong makumbinsi si Lola kahit papaano!

"Sino ba namang hindi maha-heartbroken at masasayangan do'n, Lola?! Ginawa ko ang lahat para maging magkaklase kami sa lahat ng subjects. Lagi ko pa siyang kasama sa tuwing may vacant kami! Papunta na kami do'n eh! Alam kong konti nalang at mafa-fall na siya sa 'kin! " Papadyak-padyak pa 'kong nagpapaliwanag sa kanya.

I am sooo frustrated!

"Kasalanan mo na 'yon, hindi ka kasi ipinanganak na maganda, apo. Tanggapin mo na... Bruha naman 'tong stalker na 'to."

Aba ang hard! Lola naman eh, di mo na kailangang ipamukha sa akin! Alam ko naman eh! Sumasakit puso ko neto eh! Atsaka bakit nga ba ang SW3G nitong grandma ko? Parang kapatid ko lang kung sumumbat! Anyways, balik tayo sa main point.

"Lola... Tulungan mo 'ko, please?" Sabay ipinakita sa kanya ang aking puppy eyes.

Nag-iba ang kanyang facial expression. "Ni hindi mo nga ako tinutulungan sa trabaho ko rito tapos aasahan mong tutulungan kita?" Tagos sa heart niyang sumbat. This time, dumiretso na si lola sa kusina at iniwan akong dumbfounded sa kinatatayuan ko. An eye for an eye raw!

"Lola naman! Gayuma lang ang kailangan ko. Kaya mo namang gumawa no'n, di ba?" Yup, you got it right. She can create anything and everything.

Sa maniwala man kayo o sa hindi, may bahid ng pagka-supernatural ang pamilya ko. Nasa dugo na kasi namin ang pagiging engkanto. Hindi naman sa monster o kung ano man pero we are magicians. Gumagamit si Lola ng kanyang profound knowledge and skills sa magic para makagawa ng mga gamot at potions para sa mga nangangailangan at mga clients niya.

Karamihan, mga VIP's at kapwa rin naming magicians ang mga suki niya. Minsan naman bampira at werewolves... at kung sino pang nilalang out there. Hay nako, wag na kayong magulat. Talagang maraming klase ng mga mythical and mystical creatures clad in human form dito sa mundo. Malay mo 'yang best friend mo pala eh kapre o white lady.

Si Lola ang current head ng Lee family and sa takdang panahon, ipapamana niya ang nagniningning niyang trono and powers sa kahit na sino mang member ng family. Kaya naman 'yong kuya ko na si Tae Joon, nagte-training na sa malayo-layong kabundukan kasi expected na siya na ang susunod na leader. Mga magulang ko naman, sila ang mga taga-hanap ng kliente at taga-deliver ng mga supplies.

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon