Flower 12: Decision

70 1 0
                                    

L E E - S O O - J I N

Ang nasira lang sa Academy ay 'yong grounds at 'yong assembly hall na pinagdausan no'ng assembly na inudlot ni Ashtar Westfield. Natapos lang 'yon ng nagdeklara sila ng giyera sa 'min at naglaho sila na larang bula.

Napabuntong hininga ako, "Jia, saan ba tayo mag-uusap?" Tanong ko sa kanya.

Naglalakad kase kami palabas ng Academy pero sa rear gate ang daan namin. Sinusundan naman kami nila sir Yixing, Kyuhyun oppa at Tae Joon na umaakay kay Chevalier Shin Ah.

"Sa mansion. Mas safe do'n," aniya. Napansin kong walang ekspresyon ang kanyang mukha.

Napakunot noo ako. Wala naman kase akong nakikitang mansion na malapit sa Academy kaya nagtaka ako. Lumabas kami sa rear gate at bumungad sa 'min ang kalsadang pagkaluwang luwang. Mangilan ngilan lang ang dumaraan do'n dahil mukhang parking lot 'yon ng Academy o ano. Hindi ko alam.

Tumawid kami ro'n saka tumigil sa harap ng isang napakalaki at napakataas na gate. Kung normal na tao lang siguro ang papasok dito, hindi niya mapapansin ang dalawang aso na naroroon at ang enerhiyang bumabalot sa mansion.

"This is...?" Tanong nila Kyuhyun oppa.

"My home," sabay na sabi ni Jia Li at sir Yixing.

"Iyong totoo? Kanino ba talaga 'to?" Intriga ni Kyuhyun oppa.

"Mine. Dito na rin kase nakatira si Yixing," sagot ni Jia Li habang dumadaan kami sa footsteps papunta sa mismong bahay.

Matapos ang ilang lakad, narating namin ang napakalaking bahay. Nakakatakot ang itsura nito pero hindi ko man lang maramdaman ang masamang aura na nanggagaling do'n. Tumapat si Jia Li at kusang bumukas ang pinto.

"Automatic ba talaga lahat dito?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre, bahay ko 'to kaya kilala niya ako." Sagot niya. Inutusan niya sila Tae Joon na ihiga si Shin Ah sa sofa bed do'n.

May kusang mga maid na dumating, "Please tend to her wounds." Utos ni Jia Li.

"Yes, milady." Sagot lang nila saka sinimulan nang gamutin si Shin Ah.

"Sundan mo 'ko, Soo Jin. Yixing, ikaw munang bahala diyan."

"Sige," aniya.

Umakyat kami sa napakalaking hagdan patungo sa taas. Maluwang din doon tulad sa ibaba pero mapapansin ang ilang mga pinto sa dulong bahagi.

Umupo siya sa isang sofa do'n, malapit sa ilang shelves ng libro.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Jia sa 'kin ng makaupo kami.

"Sa tingin ko, hindi coincidence na simula no'ng dumating ako sa Academy--"

"Iniisip mong isa ka sa dahilan ng pagsalakay nila?" Diretsahan niyang tanong sa 'kin na hindi ko na ikinagulat.

Tumango lang ako, "This is too much for a coincidence."

"To be honest, I wanted to keep you here or just send you back home." Salita niya kaya napaawang ang bibig ko. Magsasalita pa sana ako kaso itinikom ko nalang kasunod no'n ang pagyuko ko.

"It's not that I owe your grandmother that much pero kase delikado 'pag mag-isa mo lang lagi. Sorry if I hadn't realized it sooner pero Soo Jin isa ka rin sa mga pakay ng kalaban." Salita niya. Tama nga lahat ng hinala ko na may kinalaman ako do'n. To cut things short, the enemies need me.

"Kung pakay nila ako, bakit gusto akong patayin ni Ashtar?" Tanong ko sa kanya. "Bakit--"

"Sorry, Soo Jin. I cannot answer that," hindi siya nakatingin sa 'kin ng sinabi niya 'yon na ipinagtaka ko. Jia Li always look at me in the eyes when we are talking pero... "Bakit? Jia, may itinatago ka ba sa 'kin?"

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon