Flower 16: Untold Entities

68 1 0
                                    

"Pero bakit? Inaabangan namin 'yong festival eh!" Protesta na halos ng lahat.

Pumaharap ang Headmaster kaya natahimik sila, "If you are gravely injured during the festival and they will attack that would be a disadvantage for us, right?" Tanong niya sa lahat kaya napatigil sila. Hindi naman sila makapagsalita dahil tama naman ang sinabi ng headmaster. Magiging risky ang lahat kapag nangyari 'yon...at alam nilang lahat 'yon.

Pumaharap ulit si Tae Joon saka inilapat ang mikropono sa kanyang bibig. "Secondly, lahat ng uuwi sa kanilang mga lugar ay kailangang nakahanda na bukas ng madaling araw. Alas-tres y media ay dapat nasa tapat na sila ng conference hall para ihatid sila sa kanila. Lahat ng maiiwan ay dapat na pumunta sa assembly ulit bukas sa first gymnasium at 8'o clock sharp. Lahat ng Gatekeepers ay pupunta sa kanilang mga nakatokang lugar. Ang tatlong representatives naman ay magroronda sa buong Friestine."

Nagkaroon ng ingay mula sa mga estudyante. Ang ilan ay nagdedesisyon na kung sila ay uuwi o hindi. Ang mga Class A at Class S student ay hindi na umiimik dahil alam nilang kailangan sila sa labanan.

"It's been ages that we have a war," bulong ni Headmaster Nathaniels.

"Yes. Ayoko rin namang madamay sila pero kailangan nating lumaban kahit anong mangyari," bulong din ni Shin Ah.

Napatingin sila sa mga estudyante. Ayaw man nilang may buhay na ibubuwis kailangan pa rin nilang tanggapin ang mapait na katotohanan.

"Alam kong hindi ko na kailangang sabihin pero lahat ng Class A at Class S ay maiiwan. The Infamous Twelve is here and the Louche will arrive in this academy anytime soon." Dagdag ni Tae Joon.

"So dumating na rin sila, huh?"

"Balita ko may mission sila kaya ilang taon na silang hindi bumabalik dito," sambit ng iba. "They're the one handling the dirty works."

"Yeah, panis ang Infamous Twelve sa kanila." Sambit ng iba.

"Sino 'yong kasapi sa Louche?" Tanong ni Luhan kanila Junmyeon at Minseok.

"Oh, sila 'yong limang laging nasa special missions." Sagot ni Minseok. "Well, 'yong leader nila ang naiwan dito sa Academy. Siya 'yong tumutulong sa 'min sa Student Council."

"What? Sino sa kanila?" Tanong ulit ni Luhan saka tinignan ang pagmumukha ng mga naroroon sa entablado.

"Malalaman mo 'pag nakita mo sila," sagot nalang ni Minseok.

-

Natapos na ang announcements at sinunod naman ng mga estudyante ang mga sinabi. Karamihan sa kanila ay bumalik na sa mga dorms para maghanda na lalo na ang mga uuwi. Mag-isa ngayon si Shin Ah sa kanyang quarters. She's formulating battle plans in her mind pero hindi siya maka-focus. "Kung nandito lang si Xiao at Youngwoong, hindi kami mahihirapan." Bulong niya sa sarili niya.

Napapikit siya habang inaalala ang mga nangyari no'ng nagkaharap sila nila Ashtar but what really intrigued her most ay 'yong biglaang pagsugod niya kay Soo Jin. She's certain that Soo Jin is definitely an important person in this battle. Sinabi pa nga ni Ashtar na meron silang alas. Pero bakit? Isa lang naman siyang tao. Paulit ulit lang 'yong sinasabi ni Shin Ah sa sarili ng maalala niyang may vampiric powers pala si Soo Jin. No. It's not her real power. Hindi vampiric ang nase-sense ko sa kanya--

Napadilat siya ng biglang may raven sa bintana. May nakarolyong papel na nakasabit sa paa nito kaya agad niyang kinuha. Is it him? Iyon ang tanong niya sa sarili niya. It's been years ng huling bumalik siya sa kanila.

Mga simbolo lang naman ang nakasulat sa papel pero mukhang naintindihan naman ni Shin Ah. Sa kanilang lima, bukod kay Kyungsoo, si Youngwoong ang talagang ka-close niya. Ka-close rin naman ni Youngwoong 'yong kapatid ni Jia Li pero pagdating lang sa tactics at battle, other than that lagi nalang silang nagtatalo. Naging normal na rin sa kanila 'yon.

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon