Flower 6 : Mysterious Power

78 3 0
                                    

Hello, this is Hiranxi! Na-proofread ko na 'yong mga last chapter(s) and from this chapter onwards, ako na pong magtutuloy but still under the supervision of the author. Please enjoy reading!

***

WHAT?! Is he serious?! Hindi 'to nakakatuwa! Sa labas kami mag-eexam at lantaran talaga? Hindi ba uso ang privacy dito?!

"T-Teka teka!" Salita ko pero bigla nalang siyang sumugod at hindi man lang ako pinansin. Loko 'to, isnabero!

"Focus, Lee Soo Jin!" Sigaw niya habang sinusuntok suntok niya ako. Buti nalang naiiwasan ko ang mga 'yon dahil nabalot sa kidlat ang kanyang mga kamay. Ilang boltahe kaya 'yon? Buti nalang mabilis ang reflexes ko kung hindi—"Whoa!" Sigaw ko saka iniwasan ang patid niya. Kusang gumalaw ang katawan ko saka sinipa siya sa mukha.

I stopped for a moment. "Huh?" Nagawa ko 'yon? Takang tingin ko sa mga paa ko saka, "I told you to focus!" Sigaw na naman niya. Napansin kong may gasgas na sa mukha niya. Sheesh! Sayang naman! Ang gwapo pa naman niya!

"Newcomer?"

"Ah, siya 'yong bagong student dito."

"Mukhang wala namang binatbat."

"Yeah. Atsaka ano naman kasing laban niya oh. Gatekeeper si Jongdae, isa siya sa mga tinitingala ng mga estudyante." Naririnig kong bulungan nila sa di kalayuan. Eh ano ngayon kung bago ako dito? Ano ngayon kung wala akong binatbat?! Kasalanan ko bang naging bampira ako at mapasok sa napakawalang kwentang eskwelahan na 'to?! Gusto ko ng normal na buhay, hindi ganito! Damn those monkey-looking b_tches!

PAK! Bigla kong nasangga ang kamao ni Jongdae.

"Way to go, Soo Jin!" Sigaw ni Jia Li sa di kalayuan. Walangjong intsik, nanonood pala ng laban—I mean, entrance examination ko. Nakakaloka talaga, lantarang exam. Tinignan ko ulit si Jia Li do'n pero bigla siyang naglaho. Tss! Kahit kailan talaga, susulpot nalang siya sa kung saan.

Nagpatuloy ang laban namin ni Jongdae at puro useless ang mga ginagawa kong atake. Sayang effort. Habang sinasangga ko ang bawat atake niya, nag-iisip na rin ako ng gagawin ko para malaban siya. Nagagalusan ako... nasusugatan ako... at hindi na rin ito agad na nagre-regenerate tulad ng kanina. Pagod na rin ako. Pa'no ko ba matatalo 'tong electric man na 'to?

"Don't give up just yet, Soo Jin-ah! Show me your true power!" Jongdae shouted saka sumugod ulit sa 'kin. Pagod na 'ko... wala na rin akong lakas para lumaban.

Harapan siyang sumugod pero nagulat ako ng bigla siyang nawala sa harap ko. Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko kaya agad akong umikot para tamaan siya. It became a success! Juicecolored! Buti naman at hindi sa mukha— "KYAAAAAA!" Sigaw ko habang lumilipad ako patungo sa mga tao. "UGH!" Tumama ang likod ko sa isang napatigas na bagay. May barrier pala 'yong pinaglalabanan namin.

"Iyon lang ba ang meron ka, Soo Jin?" Tanong niya sa 'kin habang papalapit siya sa 'kin. Ang dalawa niyang kamay ay nababalot pa rin ng electric shocks. Napapamura na 'ko sa isipan ko. Nabanggit ko na rin ata lahat ng pangalan ng santo para lang iligtas ako dito. Wala na eh! Hindi ko na kayang tumayo... hindi ko na kaya!

Soo Jin... believe in yourself and you'll be able do it. Bulong nang isang boses.

"Huh?" Napaangat ako ng ulo at napansin ko ang isang pigura sa harap ko. Napansin kong tuloy tuloy pa ring naglalakad si Jongdae patungo sa 'kin at mukhang hindi nga niya nakikita ang nakikita ko. Is this a... ghost?

Wala na 'kong lakas pa para magawa 'yon. Resistance is futile. Give up ko na. Hinawakan no'ng babae 'yong mukha ko saka itinuro ang noo ko. Ngumiti siya saka, Remember... the you I know is in deep slumber. Naglaho na siya. Naguluhan ako sa sinabi niya. Tumayo ako at napansin kong tumigil si Jongdae.

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon