Flower 13: The Infamous Twelve

68 1 0
                                    

"Seryoso ba talaga si Miss Jia Li?" Tanong ni Luhan.

"Bakit tayo nandito?" Tanong din ni Kris habang nakatingin nang matalim kay Luhan at Junmyeon.

"Kris, 'wag ka namang tumingin ng ganyan sa kanilang dalawa di dahil werewolves sila," si Minseok.

"Hyung, mas kasundo lang talaga kita kaysa sa kanila." Saad naman ni Kris.

"Werewolf naman ako pero bakit hindi mo sila masundo. Kapatid ko si Junmyeon just in case di mo alam."

"What?" Kris said.

Mas lalong naging maingay ang kwartong 'yon.

"Ang ingay niyo!" Sita ni Tao.

"Di dahil GK4 ka, ganyan ka na!" Sigaw naman ni Jongdae na kanina pa naiirita dahil sa nangyayari.

"Ano na naman kaya problema ni Miss Jia Li? Minsan lang siyang mag-meeting ng Class S. Si Kyuhyun hyung lagi ang gumagawa no'n eh." Sabi ni Baekhyun habang nakapangalumbaba.

"Oo nga eh. Napansin kong palaging ang mga--" Hindi na narinig ni Baekhyun ang sumunod na sinabi ni Chanyeol pero nagsasalita pa rin ang higante.

"Eh ano ngayon? Gusto mo nang away? Pagbibigyan kita!" Sigaw naman ni Tao.

"Sige ba! Tignan natin kung sinong mananalo!" Sigaw din ni Jongdae saka tumayo ro'n.

"Pwede ba, guys? Konting katahimikan naman oh! Hindi ko na marinig pinagkukwentuhan namin ni Chanyeol!" Si Baekhyun.

Mas lalo silang nagkagulo. "Kailan ba tayo magkakaintindihan?" Bulong ni Yixing habang pinapanood sila.

"Kapag dumating si Jia Li," anas din ni Kyungsoo na katabi lang niya. Tahimik lang siyang pinapanood 'yong iba.

Lumapit si Sehun sa kanilang dalawa, "Sir Yixing, ano po bang ginagawa natin dito? Ayoko ng atmospera, parang nagpapatayan sila." Tinutukoy niya si Kris at ang dalawang werewolves na kanina pa nagpapalitan ng matatalim na tingin.

"Kapag dumating si Jia Li, maiintindihan mo kung bakit." Iyon na lamang ang nasabi ni Yixing.

"Baekhyun! Ang ingay mo!" Sigaw na ni Minseok dahil pinapagalitan niya 'yong dalawang gatekeeper.

"Kayo!" Sabay turo kay Tao at Jongdae, "Umayos kayo." Salita niya kaya tumigil sila.

"Leave them be, Minseok." Salita naman ni Kyungsoo kaya bigla silang tumahimik lahat.

Ilang minuto pa ang lumipas ng nagbukas ang pinto. Iyon na rin mismo ang bumasag sa katahimikang ginawa ni Kyungsoo.

L E E - S O O - J I N

Pagkapasok ko, nakita ko ang labindalawang lalaki na nakaupo do'n habang nakatingin sa 'min. Kasama ko si Jia Li at Tae Joon.

Napansin kong nagtatanong ang kanilang ekspresyon, kung bakit ako nando'n. Hindi naman ako Class S o kaya naman nasa level nila kaya siguro sila nagtataka.

"Ang tahimik niyo," puna ni Jia Li dahil no'ng nakaraang nag-meeting daw sila para sa events, halos magpatayan na sila. Hindi talaga sila magkasundo.

"They're so loud awhile back," sagot ni Kyungsoo na nakapikit.

"Well," napansin ko ang pagngiti niya.

"May ipapagawa ako sa inyong lahat. Since nagdeklara na nga ang grupo ni Ashtar Westfield no'ng nakaraang pagsugod, meron akong special assignment para sa inyo." Mukhang... eto na nga 'yong sinasabi niyang wala na siyang choice kundi--

"Ano 'yon, Miss Jia Li?" Tanong naman agad ni Baekhyun.

"The group wanted Soo Jin," simpleng sagot lang niya at napansin kong napatigil silang lahat.

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon