Flower 2: Soo Jin the Explorer

181 4 0
                                    

"Okay na po 'yan, ahjussi. Nailagay ko na po lahat ng gamit ko sa loob." Senyas ko sa taxi driver. Pagkatapos ko kasing mag-break kanina, dali-dali akong pumara ng taxi.

"Okay po ma'am. Saan po ba ang punta natin?" Tanong niya. Pagpasok ko sa loob, pansamantalang narindi 'yong kaliwang tenga ko.Paano ba naman, ang lakas lakas ng music ni kuya! Ano bang klaseng tenga mayro'n ang mga bampira?!

"Sa may Friestine Academy lang po." Sagot ko habang hinihimas-himas 'yong tenga ko. I attached my seatbelt at sumandal sa may upuan.

Vampire huh? Siguro nga hindi pa ako nasanay na maging 'angat' kapag may kahalubilo akong 'ordinaryong' tao.

"Ma'am sa Fiesta po ba--Ah."

Matapos nang almost 15 minutes na biyahe, narating namin 'yong Friestine Academy. Ibinaba ni Driver--ahjussi 'yong mga gamit ko at iniabot ko sa kanya 'yong bayad.

"Hmm... So, eto pala ang Friestine Academy, huh? Bakit ang dami naman atang tao?" Ang sabi ni Lola, may common uniform daw na suot ang mga estudyante. Ang pinagtataka ko, bakit lahat sila naka-ordinary?!

"Noona! Bilhan mo 'ko ng ice-cream!" Biglang may kumapit sa 'king batang lalake. May hawak-hawak siyang pulang lobo.

Bakit may bata dito sa Friestine Academy?! At tsaka, kailan pa naging amusement park ang eskwelehan nila Lola?! Naguguluhan ako. Ewan ko kung sino ang nagsisinungaling—Si Lola ba, 'yong bartender ba o 'yong taxi driver... Akala ko nakatakas na ako sa kamalasan! Hindi pa pala!

"Uhm..." I folded my knees para sumakto ang height namin sa isa't isa. "Bago ka ilibre ni noona, mayroon lang sana akong itatanong sa 'yo. Okay lang ba 'yon?"

Um-oo naman siya, masunuring bata. "Dito ba 'yong Friestine Academy?"Ano bang iniisip mo, Soo Jin?! Bakit sa bata ka nagtatanong?! Nagmumukha tuloy akong kidnapper dito!

"Ah! 'yong lobo ko! " Biglang kumalas sa mga palad niya 'yong string ng lobo.

Oh no. Wag...Wag! Napatakip nalang ako sa mukha ko dahil do'n.

"Waaaaaaaaaaaaa!" I'm doomed. Iyak na siya nang iyak.

"T-Teka, wag ka nang umiyak! Ililibre nalang kita ng limang ice cream kapalit ng lobo mo!" Pangungumbinsi ko. Inaamin ko, kailaman hindi ako naging magaling sa pagha-handle ng bata! Pinagtitinginan na kami ng mga tao at nagsimula na silang magbulungan. I hate it! Mas lalong lumakas ang mga bulungang naririnig ko. Nag-activate na naman kasi 'yong walang kwenta kong powers.

Bakit ngayon pa?! Napaluhod ako dahil sa ingay. Please, wag ngayon! Soo Jin kumalma kalang! Puro ingay nalang talaga naririnig ko at bulungan ng mga tao. Wala akong nagawa at halos ibaon ko na ang mga palad ko sa dalawang butas ng tenga ko.

"Tama na! Tama na! Tama na!" I yelled. Walang tigil akong nagsisisigaw dahil parang sasabog na 'yong utak ko sa ingay. Pati 'yong batang kaharap ko ay napatigil sa pag-iyak dahil sa ginawa ko.

Ayoko na, Ayoko na! Hindi na 'ko lalabas sa bahay! Babalik nalang ako at magkukulong! Kahit na nanginginig ako, nagawa ko pa ring makatayo at makalakad kahit na parang umiikot pa rin 'yong mga nakikita ko.

"S-Sorry... H-Hindi ka ata maililibre ni noona ngayon." Kako sa bata. Argh, Gusto kong umiyak! "Ipakuha mo nalang sa iba 'yang lobo mo ha?"

Pinunasan niya 'yong mga natitirang luha niya at tumango. Good. Pwede na 'kong umu—Ouch. Dahil sa nangyari, basag na basag din 'yong lalamunan ko. Hindi ako makapag-salita nang maayos.

"Sige na, puntahan mo na sina appa at eomma mo... Okay lang si noona."

"Sige po... Pero hintayin mo 'ko dito ha, noona?" Huh? May sasabihin pa ata siya sa akin pero di ko naintindihan. Hintayin ba 'yon?

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon