Flower 20: Why?

45 1 0
                                    

L E E - S O O - J I N

Tama nga 'yong sinabi ni Tae Joon. Simula no'ng araw na inihatid niya ako sa dorm, hindi na ulit kami nagkita. Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula no'n. Nakatoka pa rin ang Infamous Twelve sa 'kin.

Ang weird pa rin talaga sa pakiramdam. Para bang laging may nagmamasid sa 'kin, hindi ko naman alam kung sino. Bigla bigla nalang ako manlalamig eh ang init naman ng panahon. I mean, cool lang. Hindi masyadong mainit, hindi rin masyadong malamig. Tsk, sasapakin ko talaga kapag nalaman ko kung sinong gumagawa sa 'kin neto.

"Soo Jin? Okay ka lang? You're being wary of your surroundings." Napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Jongdae. Oo nga pala, siya ang kasama ko ngayon. Sinasamahan ko siyang mag-patrol sa grounds dahil wala naman akong gagawin. Wala ng klase dahil sa pesteng giyera na 'yan. Gustuhin ko mang mag-training wala naman akong sparring partner dahil busy si... Tae Joon. Kamusta na kaya si Tae Joon?

Bigla na naman akong kinilabutan, nagsitayuan talaga lahat ng balahibo ko. "Nanlalamig ako bigla. Goosebumps." Sabi ko nalang. Yinakap ko ang sarili ko.

"So, napansin mo rin pala 'yon?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. He knew?

"May a-alam ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing but I can sense someone looking at us. I'm the strongest among the Gatekeepers kaya masasabi mong nasa level ako nila Taeyeon noona." Mapagmalaki ang kanyang boses.

"Well, malalakas naman talaga kayo eh. Hindi ko itatanggi 'yon." Sabi ko. Napansin ko ang pagngiti niya.

"Mas idol pa rin kita kase nakaya mong tapatan si Ejarel gamit lang ang salita. Though, kinailangan mong sumuko dahil sa mga sinabi niya." Namula ako sa sinabi niya. Akala ko wala nang nakakaalala no'n pero meron pa pala. Hindi pa rin ba sila nakaka-move on? Dalawang linggo ng nakalipas, uy!

Hindi ko siya tinignan at hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Nagkunwari akong hindi ko narinig. Eh lagi nalang kase nilang binabanggit. I know it's cool pero epic fail eh. Kainis!

"Ah!" Sabi bigla ni Jongdae kaya napatigil kaming pareho. Tumingin siya sa kanyang relo at tumingin sa 'kin.

"Soo Jin, kailangan ko na palang umalis. May aayusin pa pala kami," aniya.

Napataas ako ng kilay, "Okay?" Naiintindihan ko naman kase Gatekeeper siya.

"Will you be okay?" Tanong niya sa 'kin sa nag-aalalang tono.

Napangiti ako. Hindi nga pala nila ako iniiwan mag-isa maliban kung nasa dorm ako. "I'll be fine, don't worry." Paninigurado ko.

"Okay, see you! Ingat ka!" Sabi niya saka naging kidlat sa harap ko. Wow. Parang teleportation na rin 'yon, speed of light eh. Mangha kong sabi sa 'king sarili.

Naglakad na ako pabalik sa dorm. Ah, naalala kong mag-isa ko lang sa floor namin ngayon. Hooo! Ghost hunting na ba? Natawa ako sa naisip ko. Gosh, I missed those days sa dati kong school.

Kamusta na kaya 'yong mga kaibigan ko? Hm, kamusta na rin kaya si crush? Well, hindi ko naman na pala kailangan si crush kase mas maraming drop-dead gorgeous creatures dito pero wala naman akong gusto sa kanila.

Heck, ano ba 'tong iniisip ko? Oo, gwapo silang lahat pero wala akong napupusuan. Este, wala pa 'kong napupusuan--bakit nga ba? Is that thought needed to be pondered upon?

"Hey, Soo Jin." Naabutan ko si Kris na nakasandal sa isang puno nang napadaan ako sa harap ng Shin Building.

"Kris," tawag ko sa kanya.

"Wala kang kasama ngayon?" Tanong niya sa 'kin.

"Wala. May aasikasuhin daw kase si Jongdae kaya ako nalang mag-isa ngayon. Eh ikaw? Wala ka bang gagawin?" Tanong ko. Alam naman naming lahat na prinsipe siya.

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon