Flower 8: Council of the Gatekeepers

66 1 0
                                    

O H – S E H U N

"Lee Soo Jin!" Sigaw ni Sir Yixing. "On guards everyone." Utos naman niya kaya agad kaming naalarma.

"Kris hyung... 'tong presensya na 'to..." Sambit ni Chanyeol hyung.

"Yeah, there's no mistaking it. Nakasalubong ko siya no'ng naglalakad ako minsan sa labas." Saad din ni Kris hyung.

"Bakit, sir Yixing?" Sulpot ni Soo Jin sa harap namin habang may hawak na kuneho. Naalarma kami ng biglang may anino sa likod niya. Agad na sana akong aaksyon para ilayo siya pero naipako ako sa kinalalagyan ko.

Shit. Freezing spell! Bulong ni sir Yixing. May binulong na naman siya at biglang nagkabitak-bitak ang mga nasa paligid namin. Sinisira niya 'yong property ng spell.

"Soo Jin-ssi! Get away! Hide!" Sigaw ni Kris hyung habang pinipilit ang katawan niyang igalaw. Kanina pa ako gumagawa ng paraan para makatakas dito at matulungan si Soo Jin pero masyadong malakas 'yong spell. Kahit nga si Sir Yixing, nahihirapan. Paano na 'to?

"May p-problema ba?" Ugh! Soo Jin-ah! Read the atmosphere! Ano ba m-may kalaban sa likod mo!

Biglang nagpumiglas 'yong kuneho at bumitaw sa yakap ni Soo Jin. Saka nalang niya napansin na may tao pala sa likod niya. Nando'n pa rin siya nakatayo. Napansin kong nakayukom ang kamao niya. Pumikit siya saka huminga ng malalim, "Tae Joon!" Sigaw niya. K-Kilala niya si President Tae Joon?

Patuloy na nagkabitak-bitak ang air pressure dahil sa ginagawa ni sir Yixing. Unti-unti na rin kaming nakakagalaw pero nagulat kaming lahat ng may biglang dumating... at hindi nga namin inaasahan na darating siya.

CLING! CLANG! CLANG! Puro mga tunog ng nagbabanggaang mga sandata ang umalingawngaw do'n. Agad namang tumakbo si Soo Jin sa gilid para 'di madamay pa sa labanan.

Sakto rin namang nasira 'yong property ng spell kaya nakagalaw na kami.

"The three of you! Ipunta niyo sa mas ligtas na lugar si Soo Jin!" Utos ni President Tae Joon. "Yixing! Prepare a spell!"

"As you wish!" Sigaw ni sir Yixing.

Agad kong dinaluhan si Soo Jin saka inilahad ang aking kamay. Tumingin muna siya sa 'kin bago niya inabot 'yon. Napansin kong parang namutla siya.

"Kuya!" Tawag niya. H-Ha? Kuya?

"Bisitahin mo naman ako minsan! Ang tagal na nating hindi nagkita! Nami-miss na kita!" Sigaw ni Soo Jin. Napatingin ako kanila hyung at mukhang hindi rin nila alam kung anong nangyayari.

"I will! Umalis ka muna dito! It's too dangerous!" Sagot naman ni President Tae Joon habang nilalabanan 'yong nakapasok sa lugar.

"Tara, Soo Jin-ah. Iwan nalang natin 'to sa kanila." Sambit ni Chanyeol hyung saka umalis na nga kami do'n gamit ang teleportation ni Kris hyung.

-

T H I R D – P E R S O N – P O V

"Tao." Tawag kay Tao ng isang Chevalier na nagsu-supervise sa kanilang mga Gatekeepers. Nando'n din ang kapwa niya mga gatekeepers at inaabangan ang hatol na ipapataw sa kanya.

Hindi naman umiimik si Tao at halata ang lungkot sa kanyang mukha. Alam niya sa sarili niyang hindi siya mapapatawad ng mga higher-ups niya dahil sa naging kapabayaan niya.

"You're still in your position. Hindi ka namin aalisin bilang Gatekeeper." Napaangat siya ng ulo saka maluhang tinignan ang supervisor. Yumuko siya ulit, "Gamsahabnida!" Paulit ulit niyang pasasalamat.

"Pasalamatan mo si Miss Lee Soo Jin. Siya ang nakiusap na sabihing wala kang kasalanan... which is true. I'm sorry if we had to blame it on you. Wala kang kasalanan. Sadyang ikaw lang ang nagamit ng mga intruders para makapasok dito." Sambit ng supervisor kaya napatingin silang lahat sa kanya.

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon