Flower 14: Alliance

71 2 0
                                    

L E E - S O O - J I N

"Buh-bye, Ji Ro. Ingat ka!" Sabi ko habang kinakawayan ang bata.

"Kayo rin!" Sigaw niya saka umalis na nga ang service bus.

Lumingon ako kay Luhan na namimilipit pa rin sa sakit. "Luhan? Okay ka na ba?" Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa sugat niya.

Ipinatong ang niya ang ulo niya sa balikat ko, "Okay lang. Masakit lang 'yong sugat ko."

"Gagaling din 'yan. Matatagalan nga lang." Hinawakan ko ang ulo niya saka ginulo ang kanyang buhok, "Sino ba 'yon at mukhang handa siyang patayin ka?" Tanong ko.

"Werewolf hunter." Sagot niya.

"So that means, bampira 'yon?"

"Hn," sagot lang niya.

Napabuntong hininga ako, "Tara na. Kailangan na nating bumalik sa Friestine." Sabi ko.

Tumayo kami saka inakay ko siya. Thank you sa brute strength na nakuha ko dahil sa dugo ng bampira, madali ko lang naaalalayan si Luhan. Tumalon ako mula puno hanggang puno hanggang sa nakarating kami sa Friestine.

Tinignan ko siya at nakapikit na. Must have been tough to hold on the pain. Isip ko. Inilahad ko ang kamay ko sa gate. Nagbukas ang isang bahagi ng gate at doon kami pumasok.

"Soo Jin?" Sabi ng isang boses.

"Zitao! Patulong ako." Sabi ko saka ako napaupo sa lupa. Dinaluhan naman kami ni Tao na kasalukuyang bantay ngayon do'n kasama ang mga ilang student assistant.

"Anong nangyari kay Luhan hyung?" Tanong niya.

"Medyo napaaway," sabi ko. "Werewolf hunter daw 'yong nakaharap niya."

"May mga galos ka rin. Tara, samahan ko kayo sa clinic." Hindi na 'ko tumanggi pa.

-

"OH MY GOD!" Rinig kong sigaw nang mga ka-dorm ko mula sa lobby namin. Pababa kase ako ng marinig ko silang nagtitilian.

Napakunot noo ako saka lumapit dahil saktong palabas na rin ako ng dorm, papasok na 'ko sa una kong klase eh. Humakbang ako at naramdaman ko ang sakit sa paa ko. Galos lang naman pero bakit ang sakit?

Dumaan ako sa gilid ng entrance ng mapansin ko ang pinagkakaguluhan. Nanlaki ang mga mata ko dahil do'n.

"Hi, Soo Jin!" Tawag niya sa 'kin habang papalapit sa kinatatayuan ko. Napansin ko naman ang mga mata nilang nanlilisik na nakatingin sa 'kin.

"Hello," mahina kong sabi. Bigla akong pinagpawisan ng malamig dahil do'n sa mga bystanders. The heck!

Napansin kong itinagilid ni Baekhyun ang kanyang ulo saka tinignan ako ng may nagtatanong na ekspresyon, "Okay ka lang? May nararamdaman ka bang iba?"

Hindi ko namalayang nagpaurong ako, "Ah, wala naman. Sige, papasok na 'ko." Sabi ko saka umalis na.

"Soo Jin, hintayin mo 'ko!" Rinig kong salita niya pero di ako lumingon kase nanlalamig ako bigla. Sino bang tumititig sa 'kin kaya ganito ang pakiramdam ko?

"Wag mo naman akong iwan, akong nakatoka ngayon na sumama sa 'yo, di ba?" Sabi niya.

Nasapo ko ang aking noo. Oo nga pala! Napag-usapan nga pala namin na babantayan nila ako, utos ni Jia Li. Hindi kase ako makabalik sa 'min kaya kailangan daw may magbantay sa 'kin. Eh hindi ko naman aakalaing sila... At papayag pa sila agad!! Nakagat ko ang ibabang labi ko saka binilisan pa lalo ang lakad papunta sa building namin kahit iika-ika ako.

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon