Flower 22: Cardinal of the Wind

56 1 1
                                    

"Who are you?" Tanong ni Soo Jin habang mahigpit na nakahawak sa mga kamay na yumakap sa kanya. Tumingala siya at tumambad sa kanya ang mapupulang mata.

"Kris!" Tawag niya sa prinsipe. "Akala ko nasa Vampyyri ka."

"Shh, keep quiet and sit still," aniya. May narinig silang lagabog ulit do'n sa loob ng dorm.

"Ano bang meron?" Tanong niya.

Kumalas si Kris sa yakap saka sumandal sa lamesa ni Tae Joon. "Hinahanap ka pa rin nila at sinabi sa 'kin na baka nandito ka raw." Tumingin naman siya kay Tae Joon na mahimbing pa rin na natutulog. "Ang himbing ng tulog niya. Parang ngayon lang siya nakapagpahinga."

"Oo nga eh. Mahirap din 'to para sa kanya," alalang sabi rin ni Soo Jin. Pinawi niya ang luhaan niyang mga mata.

"Nangyari sa 'yo? Why're you crying?" Tanong ni Kris saka hinawakan ang pisngi niya. Nanigas sa kanyang kinauupuan si Soo Jin dahil sa ginawa niya. "Uh, sorry." Binawi rin ni Kris ang kanyang kamay saka napakamot sa kanyang batok.

"Buti nakabalik ako agad. Wala raw nagbabantay sa 'yo eh. Tapos tulog pa siya," turo niya sa presidente.

Tumahimik sila pero binasag 'yon ni Soo Jin, "ayoko nang bumalik sa amin." Sabi niya kaya napatingin si Kris sa kanya. "Mauulit lang 'yong mga nangyari dati... Ayoko nang gano'n." Napatakip siya sa kanyang tenga at tila naging bola dahil sa ginagawa niya.

Hinagod ni Kris ang kanyang likod, "It must have been hard to be the granddaughter of the most powerful mage coming from one of the prominent families." Lumagabog na naman.

"Hey," sabi ng isang boses kaya naalarma sila. Nando'n si Jia Li kaya nagulat sila.

"Naistorbo ko ba kayo? Pasensya ha. Soo Jin, sumama ka sa 'kin. Do'n ka na muna sa mansion. Kris, dito ka na muna kay Tae Joon. H'wag na wag mo siyang gigisingin, basta bantayan mo lang siya."

"Yes, ma'am." Boring naman niyang sagot. Tumango si Jia Li saka hinawakan si Soo Jin. Agad silang nakarating sa mansion ng dalaga.

"Whoa, a-anong meron dito?" Soo Jin asks ng makita ang Chevalier at si Headmaster Nathaniels. Nando'n lahat ng tinawag niya noon maliban kay Tae Joon.

"May kailangan tayong klaruhin sa kanila, Soo Jin." Sabi niya Jia Li habang ipinupunta siya sa kanyang upuan. Pagkaupo niya, agad na nagsalita si Jia Li. "As you all know, kasama siya sa mga nakausap ko dati no'ng bago natin nakaharap si Ejarel." Agad na bumaling ang atensyon nila sa kanya.

"She's Lee Soo Jin, granddaughter of Lee Tae Hee, the great mage of this era." Pagpapakilala niya. Nagbigay galang naman siya sa mga Chevalier. "Kaya ko kayo tinawag dito dahil kailangan nating pag-usapan kung paano ang gagawin natin sa kalagayan niya."

"I really want to know what's so special about her. Bakit siya ang pakay ni Ashtar? Would you tell us?" Tanong ni Kyungsoo.

Napansin niyang nag-iba ang ekspresyon ni Jia Li. "If I knew, I should have said it." Sabi niya. "But..."

"But being involved in all attacks, alam nating pakay talaga siya. Sobra naman kung nagkataon lang 'yon." Si Shin Ah.

"According to reports and hearsays from their part, Ashtar needs you. He's really searching for you and wanted to have you by his side." Salita ni Kyuhyun.

The Vampire's Flower (EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon