Chapter Fourteen: A Night in Haima University
_
Shamaine's POV
_
Time check: 12: 01 AM
Sumilip ako sa hallway mula sa pader na pinagtataguan ko.
( <_< ) Tingin sa kaliwa.
( >_ >) Tingin sa kanan.
( • _ • ) Tingin sa harap.
( ") Tingin sa likod.
Wew. ( -.- ) Walang tao.
Ngunit maya-maya ay nakarinig ako ng ilang mga yabag kaya napasandal ako sa pader na pinagtataguan ko.
At nang tumigil ang mga yabag sa paglalakad ay napapikit ako ng mariin. Lintek! Kung minamalas ka nga naman. Sa likod ko pa sila tumigil! Wooh! Ang malas ko talaga! Leche!
"Pare, nahuli niyo na ba yung high school na yun?,"
"Hindi nga eh. Palagi lang kaming natatakasan! Tsk. May sakabayo ata yun sa bilis nun tumakbo eh!,"
"Tang 'na. Kanina pa tayo paikot-ikot sa building na 'to pero hindi pa natin mahuli-huli yung high school na 'yun! Pambihirang buhay 'to oh!,"
"Pre, kalma lang. Highblood ka masyado."
Tsk. Kung pagod na kasi kayong tumakbo at maghanap. Tumigil na kayo. Matulog na lang sana kayo sa mga dorm niyo. Papakahirap pa kayo eh. Psh.
At maya-maya ay may narinig kaming tunog. Yung tunog ng radyong nawawala-wala ang signal. Pero maya-maya lang ay biglang may nagsalita.
"*Sshh!!!* Si Gary 'to *Sshh!!!* Kami *Sshh!!!* floor! *Sshh!!!*," ang sabi sa teleponong parang radyo na dala-dala ng mga security guards.
"Ano, Gary?! Choppy ka, Pre!," sigaw ng isa sa guard na nasa likuran ko.
"*Sshh!!!* Dalian niyo!!! *Sshh!!!*," ang sigaw sa kabilang linya at pagkatapos ay namatay na.
"Ano raw?," tanong ng isa.
"Ewan ko. Parang pinapapunta niya tayo sa isang floor eh. Para silang may hinahabol o parang sila ang hinahabol," sagot sa kanya ng isa sa kasama.
"Tara na nga. Hanapin na lang natin kung nasa'n sila!," at pagkatapos ng katagang yun ay naglalad na sila sa... Sh't! Sa tabi ko. Kaya dahan-dahan akong naglakad paatras. At maya-maya ay may nakapa ako sa likod ko na malamig at matigas na bagay. Isang pinto? At nang tingnan ko ang likod ko ay kitang-kita ko ang mga lumiliwanang nitong mga pindutan na mga arrow na pataas ↑ at pababa ↓ Teka... Elevator 'to diba? So, ibig sabihin...
"Saang floor natin sila hahanapin?," rinig kong tanong ng isang gwardya habang papalapit sa pwesto ko.
"Sa first na lang ulit tayo tas kapag wala, sa second. Pagsunu-sunurin na lang natin para hindi tayo malito kung saang floor tayo pupunta," sagot sa kanya ng kasama.
Putspa. Anong gagawin ko?!
Pinindot ko ang isang arrow ng elevator habang tumatagaktak ang pawis ko nang dahil sa kaba na baka mahuli ako ng mga guard. Nakakapagod nang tumakbo for Aphrodite's Sake.
BINABASA MO ANG
The Vampire Heirs [DISCONTINUED]
Vampire[DISCONTINUED] Troublemaker, Trashtalker, Pasaway, Gangster wannabe, Maldita, Sadista, Cussing Machine (minsan), at ang pinakahuli ay, Short-tempered. Iyan ang tanging mga salita na kayang i-describe kung sino si Silvery Shamaine Smith. Ngunit ng da...