Chapter Six: Road to Haima University
_
Shamaine's POV
_
"Sigurado ba kayong ito ang daan sa Haima University?," taas-kilay kong tanong.
"Syempre naman. Gwapo ako eh," walang kwentang sagot ni Dyllan kaya sinapok ko siya kahit nagdra-drive pa siya.
"Ayusin mo nga sagot mo kung ayaw mong bangasan kita ulit," inis kong wika kay Dyllan, kaya nagpout lang siya. Isip-bata.
"Malapit na ba tayo?," tanong ko "Uhmm. Konting-tiis na lang, Baby Sis," sagot ni Darylle. Ano ba yan. Halos tatlong-oras na kaming bumabyahe, at wala pa rin kami sa pesteng eskwelahan na yun?! Ano yun?! Nasa Mars?! Kaasar lungs.
By the way, kasalukuyan po kaming bumabyahe para ihatid ako sa bago kong eskwelahan. Nasa driver's seat po si Dyllan samantalang nasa passenger's seat naman po si Darylle at ang anak naman po ni Aphrodite, the Goddess of Beauty, na si Shamaine ay nakaupo naman sa back seat.
And meron nga rin po pala kaming anim na black BMW na convoys. Pinadala yun ni Daddy para daw sa safety. Bale nasa harap yung dalawa at nasa likod naman yung apat. Naks! Feeling ko tuloy ako ang Presidente ng Pilipinas. Pero kung maging Presidente man ako ay siguradong ipapatupad ko ang Batas Militar para masaya. *evil smile*
But enough of imagination. Medyo nagtataka na ako sa kalsadang tinatahak namin ah. Medyo creepy na rin dahil wala na ako masyadong nakikita na mga kabahayan. Mga puno na lang. Wag nilang sabihin na nasa kalagitnaan ng gubat ang school na papasukan ko ha?!
"Malapit na ba tayo?," tanong ko ulit sa kanila. "Oo naman. Malapit na tayo. Mga dalawang oras na byahe na lang—Aray!," daing ni Dyllan. Malapit na tayo? Tas dalawang oras pa?! Ano 'to? Joke?!
"Ayusin mo nga buhay mo, Dyllan kung ayaw mong palabasin kita ng kotse na 'to!," banta ko sa kanya pagkatapos ko siyang bigyan ng isang malupit na bigwas sa bunbunan.
"Parang nagbibiro lang— Aray! Ano ba! Pag tayo naaksidente, mababawasan na ng mga gwapo sa mundo!," litanya ni Dyllan habang hawak ko ang kanyang kanang tenga.
"Pakiusap lang, Dyllan. Wala sa bokabularyo ko ang salitang Joke 'pag kumukulo na ang dugo ko," gigil kong bulong sa kanya at binitawan ang kanyang tenga.
"Brutal ka talaga," nakangusong sabi ni Dyllan kaya tinaasan ko lang sya ng kilay sabay sabing, "Parang ngayon mo lang nalaman eh noh?"
At pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay namayani ang isang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming tatlo. Napagod na ata, sa pakikipagdebate. Then nung tinignan ko ang pwesto ni Darylle ay tahimik lang syang nakikinig sa kanyang headphone. Kaya sumandal na lang ako sa upuan ko at kinuha ang earphones ko.
[Now Playing: Here's to Never Growing Up by Avril Lavigne]
Alam nyo bang paborito ko ang kantang 'to?
Syempre hindi. Hindi naman kayo ako eh.
Pero alam nyo bang dahil din dito ay naaalala ko lahat ng mga kalokohan na pinagagagawa ko sa buhay ko? Marami nga rin ang nagsasabi na bagay lang talaga sa akin ang kantang 'to.
BINABASA MO ANG
The Vampire Heirs [DISCONTINUED]
Vampiros[DISCONTINUED] Troublemaker, Trashtalker, Pasaway, Gangster wannabe, Maldita, Sadista, Cussing Machine (minsan), at ang pinakahuli ay, Short-tempered. Iyan ang tanging mga salita na kayang i-describe kung sino si Silvery Shamaine Smith. Ngunit ng da...
![The Vampire Heirs [DISCONTINUED]](https://img.wattpad.com/cover/35693313-64-k210134.jpg)