Chapter Twenty Nine: Not Now

425 16 2
                                    

Chapter Twenty Nine: Not Now

_

Shamaine's POV

_

Uwian na. Uwian na naman.

Natapos na ang klase pero ni isang beses ay hindi ko pa nakita ang kahit isa sa mga Dukes. Mukhang busy pa rin ang mga ito. Sa House kasi nila nanggaling ang dalawang taong... natagpuang walang buhay kahapon. May their souls rest in peace, by the way.

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nasaksihan. Paulit-ulit kasing inaalala ng utak ko yung itsura ng dalawang babae. Hindi naman kasi ako araw-araw na nakakakita ng patay kaya normal lang naman sigurong magimbal diba?

Habang naglalakad kami nina Lorrie sa hallway para lumabas na ng building ay ganun na lamang ang gulat ko nang halos masubsob ako sa sahig nang may dumamba sa likuran ko. Sa dami nila at bigat ay hindi ko napigilang mapangiwi.

"Warren! Aray!," sigaw ko at isa-isang tinanggal ang mga brasong nakaakbay sakin. Just like the old times huh? Nagtawanan sila.

"Wag ka muna umuwi, Boss! Tambay muna tayo!," ani ni Nicolai.

"Oo nga, Sham!," segunda ni Clark. "Sama na rin kayo Stephan! Matagal-tagal na rin nung huling nagsama-sama tayo eh,"

Napagdesisyunan naming tumambay sa cafeteria. Walang katao-tao maliban sa mga nasa cashier. Perfect. Bumili kami ng snacks and drinks habang nagkwe-kwentuhan. Hanggang sa, napunta ang usapan kung bakit sila umalis ng Haima.

"We left Haima because we were bored," simula ni Warren. "Then we met you. And because of you, we met Stephan and Lorryse..."

Natahimik kami. The atmosphere became serious and a little bit heavy.

"Alam namin simula pa lang na katulad namin si Stephan. Pero hindi namin alam ang tinatago nilang sekreto. Hanggang sa nabalitaan namin yung nangyaring gulo sa pagitan ng superiors ng Blue Lion at Black Serpent..."

"But don't get us wrong, Sham. Hindi kami bumalik dahil kay Lorrie. Bumalik kami dahil sayo. Because we know what you are capable of. You love making troubles. And guess what? Trouble loves you too,"

"Gagø..." ang mahina kong sambit. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Warren o mao-offend.

But then suddenly, we heard a few snickers from behind. Nasa iisang table kasi kami ng Tropang Pochi or Princes of Maroon Eagle Family habang nasa iisang table naman hindi kalayuan ang Gods and Goddesses dahil binabantayan nga nila si Lorrie.

Napalingon kami sa mga Blue Lion Superiors dahil sa narinig. What's their problem? Nagkatinginan kami.

"Talaga ba? Bumalik kayo dahil sa babaeng 'yan? As far as I know,  matalino kayo at tuso. You left the school and made friends with that b'tch who happens to be the best friend of the person we were all looking for. Coincidence? I think not," Napalingon kami sa likod, sa nagsalita. Si Alessandra.

Napakaepal talaga ng babaeng 'to.

Pero... may punto siya, hindi ba? Kung iisipin mong mabuti, sa dinami-dami ng pwede nilang lipatan na school at taong pwedeng kaibiganin, ako pa. But if that's the case, bakit hindi na lang sila dumiretso kay Panpan para makipagkaibigan? Eh si Panpan ang laging kasama ni Lorrie.

"Tsaka huwag niyong sabihing hindi kayo interesado sa dugo ni Lorryse? We're all from the high ranking families. At ang mga angkan niyo ay hindi kasapi sa mga angkang naglilingkod sa pamilya ni Lorryse," si Sylvanna naman ang nagsalita.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon