Chapter Twenty Five: Ball Preparation

410 18 5
                                        

Chapter Twenty Five: Ball Preparation

_

Shamaine's POV

_

"Be my Queen..."

Napabalikwas ako ng bangon at napahilamos ng mukha. I can't sleep. I can't freaking sleep because of that arrogant jerk! Napasabunot ako sa buhok ko. Kanina pa 'yun, ba't hindi ko makalimutan?!

The hell with you, Sham! Hindi mo ba narinig si Matthew kanina? That jerk is just messing with you!

Tsaka ilang beses pa lang kayong nagkita! Baliw ka ba?! Hindi ka nya pwedeng magustuhan at lalong hindi mo sya pwedeng magustuhan dahil ilang beses pa nga lang kayong nagkikita! At isa pa, mahigit isang buwan ka pa lang sa school! Ipasok mo 'yan sa kokote mo! Takte, ang landi mo naman kung nagustuhan mo siya agad?!

I shook my head. "He's just messing with you. He's just messing with you! Tignan mong nangyayari sayo!," And besides, greatest enemy mo siya! Nakalimutan mo na ba kung ga'no siya kaarogante?! Tsaka isa siya sa mga dahilan kung bakit kayo napahamak nung isang linggo!

Mariin akong pumikit. Mahigit isang buwan ka pa lang dito, Sham. Tumigil ka nga. Para kang timang. Patigilin mo sa pagtibok ng mabilis 'yang puso mo. Talandi ka.

Dumilat ako. Maybe I was just attracted to him, to his face? Hindi naman mapagkakailang nabiyayaan ng magandang mukha ang nilalang ng kadiliman na 'yun eh. My Ghad! One month, Sham? Really?! Argh!

"I saw you first..."

Isa pa 'tong si Matthew! Anong he saw me first? Anong una nya akong nakita? Pambihirang lalaking 'yon, pa-mysterious!

Muli akong nahiga sa kama. Pero napaigtad ako nang makaramdam ng kirot sa likuran ko. Ito yung hinagis ako ng taga-Black Serpent kanina sa pader. Bwisit 'yan. Dapat pala dumaan muna ako sa clinic ng school or pumunta sa hospital ng Haima kanina. Napuruhan ata ako.

Dumapa ako at sinubukan muling matulog hanggang sa nakaidlip ako. Nang maalimpungatan ako, nakaramdam ako ng presensya sa likuran ko, sa kama. Unti-unti akong lumingon. Naaninag ko sa dilim ang isang pigura ng babae na nakaupo sa kama ko.

"Sino ka?," ang mahina kong tanong.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya. Bahagya itong nakalapat sa likuran ko. Bahagyang nagliliwanag ang mga kamay niya. She then started to hum. The tune was familiar. Hindi ko alam kung bakit pero muli akong nakatulog. This time, mas malalim na at matagal.

***

Maaga akong nagising. Gising na ako bago pa man ako mapuntahan ni Amirasol para gisingin. Kunot-noo akong nag-inat-inat. Hindi na masakit ang likuran ko. Hindi na rin masakit ang leeg at lalamunan ko.

Uminom ba ako ng pain killer kagabi?

Nagkibit-balikat ako at naghanda sa eskwelahan. Baka uminom ako ng gamot kagabi, hindi ko lang matandaan. Tapos, ang alam ko nanaginip ako eh, parang totoo nga eh, hindi ko lang maalala kung ano 'yun. Haist. Ewan.

Nang makarating kami sa school, napanganga ako sa announcement. Nagising pa naman ako ng maaga. Bwisit 'yan.

"Wala tayong klase sa araw na 'to, mag-a attendance lang then you're off to go," said by the teacher. "Binibigyan kasi ng school ang bawat isa sa inyo ng sapat oras upang makapaghanda sa Acquaintance Ball na magaganap bukas, sa pinakahuling araw ng buwan. So... that's all. Secretary, don't forget the attendance, okay?,"

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon