Chapter Twenty Six: Ain't Perfect Ball

376 21 1
                                    

Chapter Twenty Six: Ain't Perfect Ball

_

Shamaine's POV

_

Wala kaming pasok pero maagang nagising ang karamihan sa mga estudyante para sa Ball mamaya.

Umikot ang mga mata ko. Mamayang gabi pa nga yung Ball! Six in the evening ang start! Atat na atat?! Psh.

Dumako ang mga mata ko sa gown na susuotin ko mamaya. Nasa sofa ko ito. Nasa lamesa ko naman ang purse, accessories at high heels na kasama nito.

I groaned. Eto na. Eto nga ba ang sinasabi ko eh. Tinatamad ako! Wala naman akong makukuha sa ball na 'yan eh. Pero kasi, ready na ang lahat. Gown, purse, accessories, heels. Make up and hair na lang ang kulang.

Naghire nga rin pala kami ng make-up artists at hairdressers mula sa isang sikat na salon at parlor sa HM. Tatlo sa make-up, tatlo rin sa hairdresser. Inuna nila ang Goddesses. Dumating sila mga alas-nuebe ng umaga kaya baka maya-maya pa kami nina Lorrie. Sina Lorrie, Amirasol at Tamara naman, maya-maya narito na ang mga 'yun sa kwarto ko. Dito kasi namin napiling make-up-an.

"Hoy! Maligo ka na! Maya-maya nandito na yung mga 'yun! Itong tamad na 'to oh!," Kinunotan ko ng noo si Lorrie. Badtrip naman 'tong babaeng 'to.

"Mamaya na!,"

"Ngayon na! Isa!,"

"Eto na! Eto na! Tsk!," inis kong sagot.

Kainis naman! Nakakatamad!

So, yun nga. Kahit ayaw ko, nakaligo ako ng wala sa oras. At tama lang si Lorrie. Dahil pagkalabas na pagkalabas ko, dumating na rin sa wakas ang mga make-up artist at hairdressers. Pinauna ko silang tatlo. Halos isang oras siguro ang ginugol ng mga 'yun sa tatlong babae tapos ako na.

"Ang pretty mo naman, Girl! Natural beauty!," bulalas ng baklang make-up artist kahit hindi pa siya nag-uumpisa. Pinigilan ko ang labi ko sa pagngiti. My Ghad, I know right?

"Thanks," tugon ko.

Inismidan ako ni Lorrie. Kaya napatingin ako sa kanya sa salamin at pinanlakihan siya ng mata. Nang-aasar eh.

Nag-umpisa ang bakla sa mukha ko. "Gaya ng sa kaibigan mo, light make up lang i-aapply ko sayo kasi you're already pretty," saad niya. "Teka, magkapatid ba kayo ni Ms. Lorrie? Parang magkahawig kayo eh,"

Napasimangot ako. "Hindi po," sagot ko. Ito na naman tayo sa kung magkapatid ba kami ni Lorrie eh. Simula elementary kasi, lagi na kaming napagkakamalang magkapatid o magkambal dahil magkahawig nga 'raw' kami tapos magka-height pa tapos parehas pa ng kulay ng buhok. Kaya nagpakulay ako pagtungtong ko ng high school eh, dark brown, para maiba yung mukha ko. Pero kapag tumagal ka sa tabi namin, mapapansin mong medyo malayo naman ang mukha namin sa isa't-isa.

"There! So pretty!," bulalas ng bakla. Since tapos na silang lahat, nag-alisan na sila.

Time check: 3:00 PM

Anak ng! Tatlong oras pa! Pambihirang! Buti na lang may aircon! Mahuhulas make-up namin nito eh!

***

Time check: 5:30 PM

Stretch limousine ang sumusundo sa mga estudyante. Sampu hanggang labing lima ang ina-accommodate ng bawat limo, depende sa suot ng babae, kung masyadong bongga o hindi. Limang limo ang nagpapabalik-balik sa mansyon patungo sa school. Ang venue nga pala ng Ball ay sa Function Hall ng Vasilikos Palace. Sobrang laki raw nun kaya kayang i-accommodate lahat ng estudyante.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon