Chapter Twenty One: The Real Penalty
_
Shamaine's POV
_
"TIME'S UP!,"
"Sh't!," I cursed under my breath. We're not yet done! Napapikit ako at napakagat sa labi. Nalintikan na.
"Obviously, you all failed to do your tasks," saad ng team leader ng mga guwardiya atsaka ngumisi. "At dahil do'n... alam nyo naman sigurong may kaakibat itong isa pang parusa, tama ba?,"
Nagkatinginan ang lahat.
"Yes, we all know that. So, ano na? Ano na'ng parusa namin? May hihigit pa ba sa pagkakakulong namin dito sa Dungeon? Huh?," biglang sagot ni Sylvanna sa guwardiya sa sarcastic na paraan.
Bahagya namang napatawa ang guwardiya sa itinugon ni Sylvanna, nang-aasar. "Feisty huh? But let's see how far can your bravery go when you finally taste your next punishment," aniya nito. "Dalhin na 'yang mga 'yan!!!," saad nito at tumalikod sa amin at pagkatapos ay nagsimulang maglakad.
Mabilis namang tumalima ang mga kasama nito at hinawakan ang aming mga braso at pagkatapos ay marahas na kinaladkad kasunod ng leader nila.
"Aray! Dahan-dahan naman po!," bulalas ko dahil halos masubsob na ako.
"Oo nga! Dahan-dahan naman po! Baka magasgasan 'tong napakagwapo kong mukha! Kakasuhan ko talaga kayo pag nangyari yun! Sinasabi ko sa inyo!," pagbabanta ni Panpan sa mga guwardiyang nakahawak sa kanya. Napairap naman ako dahil dun. =_=" Siraulo talaga 'tong tarantadong 'to.
"Manahimik ka na nga lang, Stephan! Natatakot na nga ako dito... nagbibiro ka pa!," singit ni Lorrie.
"What?! Anong nagbibiro, Lorrie?! Seryoso ako! Kakasuhan ko talaga sila pag nabangasan 'tong gwapo kong mukha!," angal ni Panpan.
"Magtigil ka nga, Anderson!," ang biglang pagsingit ni KYO mula sa likod.
"Anlakas ng dala mong hangin eh!," panggagatong naman ni Clydde.
"Oo nga, Stephan! Maghunos dili ka! Nag-uumapaw sa confidence 'yang katawan mo eh. Nahiya naman ako!," sabat ni John Skyler Perez mula rin sa likod.
"Hindi ka namin mareach, Stephan!," obviously, hindi na napigilan ni Matthew na makisawsaw sa kanila.
Napailing na lang ako.
"Huwag mo na lang silang pansinin. Pinapagaan lang nila ang sitwasyon,"
Napalingon ako nang may magsalita sa gilid ko, si Blake Parker, sya pala yung nasa kaliwa ko. At nang silipin ko naman kung sinong nasa kanan ko, si Lance Montemayor, walang emosyong naglalakad ng diretso at hindi alintana ang mga guwardiyang nakahawak sa kanya. At nang maramdaman nyang nakatingin ako sa kanya ay binalingan nya ako. Agad naman akong umiwas ng tingin.
By the way, sina Panpan, Lorrie, at ang Goddesses ay nasa harapan ko. Sina Abo at ang Gods naman ay nasa likuran ko.
"Alam ko...," mahina kong tugon kay Blake.
BINABASA MO ANG
The Vampire Heirs [DISCONTINUED]
Vampire[DISCONTINUED] Troublemaker, Trashtalker, Pasaway, Gangster wannabe, Maldita, Sadista, Cussing Machine (minsan), at ang pinakahuli ay, Short-tempered. Iyan ang tanging mga salita na kayang i-describe kung sino si Silvery Shamaine Smith. Ngunit ng da...
![The Vampire Heirs [DISCONTINUED]](https://img.wattpad.com/cover/35693313-64-k210134.jpg)