Chapter Twenty Eight: Small Confrontation
_
Shamaine's POV
_
The next day.
Maaga kaming umalis sa Blue Lion Mansion. Sumakay kami nina Lorrie sa first batch ng school bus. May pre-exam kasi kami next week dahil next next week na ang tinatawag nilang 'War of the Four Houses'. Magrereview sina Lorrie ngayon sa library. Ayoko sana sumama kasi inaantok pa ako pero nagpumilit si Lorrie. Nagtatampo na raw siya sakin dahil sa ginagawa ko kaya ayun napasama ako ng wala sa oras.
Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa library nang,
"AAAAAHHH!!!,"
Nagulantang kami sa narinig. It was a scream of horror. At parang malapit lang 'yun sa kinaroroonan namin. Tumakbo ang Goddesses sa dulo ng hallway at pagkatapos ay lumiko. Sumunod kami nina Lorrie.
May ilang estudyante na ang naroon. Bahagya kaming nakipagsiksikan ni Lorrie upang makita ng maayos ang pinagkakaguluhan nila. Pero ganun na lamang ang aming pagsisisi nang tuluyan na naming makita kung ano ito.
"So this is what we've been smelling all this time," rinig kong pahayag ni Alessandra. "I thought it was from an animal,"
"Tumawag kayo ng teachers! Bilis!,"
"Yung mga hindi tao, lumayo!,"
Nakita kong nagtakipan ng ilong ang ilang estudyante at lumayo. Marahil mga bampira. Napatingin ako kay Lorrie nang marinig itong naduduwal. Hanggang sa hindi na siya nakatiis at tuluyan nang tumakbo sa pinakamalapit na palikuran.
Bumalik ang tingin ko sa harapan. Dalawang babae. Kapwa sila nakasandal sa mga pader at nakaupo. They were facing each other. There are few books scattered on the ground. Dilat na dilat ang mata ng mga ito. Namumutla. Nanlalamig. Puno ng dugo ang nakalaylay nilang mga leeg. Puno rin ng dugo ang kanilang mga uniporme dahil tila winakwak pa ng bahagya ang leeg ng mga ito.
Napaiwas ako ng tingin. Dumating ang mga teachers at tinaboy kaming mga estudyante. Mabilis na kumalat ang balita.
Hindi na kami tumuloy sa library. Nasa classroom na kami nina Lorrie. Wala ang mga superiors. Wala rin ang mga teachers kaya halos wala kaming naging klase. Nag-iwan lang sila ng mga gawain at umalis.
Hindi natapos simula pa kanina ang bulung-bulungan tungkol sa nangyari.
This is a school of vampires, is that really new?
"It is new, Sham, because that is clearly against the human's and university's law," Napalingon ako kay Abo nang magsalita ito. How did he---
"You said it out loud, okay?," saad niya. Ah. Ganun ba.
"And besides, the President is here. Ang lakas ng loob ng kung sinuman na pumatay gayong narito ang Presidente. Bukod sa hindi naman bilog ang buwan, eclipse o red moon, sapat ang dugong sinusupply sa bawat bampirang narito kaya walang dahilan para pumatay ng mortal,"
"Isa sa mga tungkulin ng superiors na siguraduhing walang rogue o uncontrollable vampire sa Houses nila kaya sigurado akong lahat ng superiors ngayon ay nakikipagpulong sa Royal Government," ani ni Abo.
Nagvibrate ang phone ni Abo. Kinuha niya iyon at tila may binasa.
"Sino 'yan?," tanong ni Lorrie.
BINABASA MO ANG
The Vampire Heirs [DISCONTINUED]
Vampire[DISCONTINUED] Troublemaker, Trashtalker, Pasaway, Gangster wannabe, Maldita, Sadista, Cussing Machine (minsan), at ang pinakahuli ay, Short-tempered. Iyan ang tanging mga salita na kayang i-describe kung sino si Silvery Shamaine Smith. Ngunit ng da...