Chapter Sixteen: Friendship & Alliance

2.2K 105 17
                                    

Chapter Sixteen: Friendship & Alliance

_

Shamaine's POV

_

Nang makasakay na ako ulit sa bus namin ay nakarinig ako ng ilang reklamo. Pa-VIP daw ako at kung anu-ano pa, pero inirapan ko lang sila at bumalik sa pwesto namin kanina ni Lorrie.

At sa buong byahe namin ay nakatingin lang ako sa bintana. Si Lorrie naman ay busy sa pakikipagchikahan sa iba pa naming kahouse-mate na malapit sa kanyang pwesto.

*BOOG*

"Aray. Langya naman oh," ang mahina kong daing nang mauntog ako sa bintana ng bus. Bigla kasing huminto. Nakasandal pa naman ang noo ko sa bintana kaya nangyari yun. Banas.

"Uy, Sham nandito na tayo," ang saad ni Lorrie at tumayo. Pero napaupo syang muli nang biglang magsalita si Kuya Butler Rasper.

"Listen, Ladies. All of you need to be here before 10 or 11: 00 PM because the closing of Haima's Mall or HM is in exactly 12: 00 AM. Got it?," na tinanguan naman ng lahat. At pagkatapos nun ay pinababa na rin kami.

At ng makababa na kami mula sa bus ay namangha kami ni Lorrie sa bumungad samin. Isang malaking fountain na bawat sampung segundo ay nag-iiba ng kulay. May mga benches rin at mga puno.

At ang Mall naman ay nandun pa sa likod ng fountain.

"Huy, Lorrie. Tama na yang pagkamangha mo. Nagugutom na ko," singit ko kay Lorrie dahil busy sya sa pagseselfie na ang background eh yung fountain.

"Panira ka talaga noh?," puna nya kaya binigyan ko sya ng isang sarcastic na ngiti.

At habang naglalakad kami papasok sa Mall ng Haima ay, "Sham, on the way na daw sina Amy at Stephan dito," ang saad ni Lorrie.

"And so?," ang mabilis ko namang tanong. Pake ko ba?

"Ay ang sama. Pinararating ko lang naman na kung pwede, ay hintayin na natin sina Stephan para may kasabay tayo sa pagdi-dinner,"

"Ikaw na lang maghintay sa kanila. Tinatamad akong maghintay," ang paalam ko kay Lorrie at bago pa sya makapagreact ay tumakbo na ko palayo.

At ngayon.

Nasa isang fastfood restaurant ako. Trip ko kasing kumain sa pangmahirap na resto kaya ako nandito.

At kasalukuyan na akong kumakain nang pinaghirapan ko. Lam nyo kung bakit 'pinaghirapan'?

=_=" Well. Pumila lang naman ako ng halos limang minuto. Sinuhulan ko na't lahat-lahat ang mga taong nakapila pero waepek! Putspa. Pag-ako talaga nagpagawa ng fastfood restaurant... Sisiguraduhin kong may waiter at waitress. Hu u ang mga fastfood resto sakin! Kala nila ah? Tsk.

"Mukhang galit na galit ka sa kinakain mo ah?," napapitlag ako ng may maglagay ng tray sa harapan ko kasabay nun ang pag-upo ng taong nagsalita. Medyo nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa taong nakatingin rin sakin. Inaalala ko kasi kung anong pangalan nya, nakalimutan ko kasi. Pero ang alam ko ay kilala ko sya base sa mukha nya.

Uh... "Jin Lockhart nga pala," ang nakangiti nyang sabi at inextend pa ang kamay sa aking harap. Ay oo nga pala.

"Lul," ang nasabi ko na lang. Kaya napakamot sya ng ulo nya gamit ang kamay nyang inextend nya para ata sa shake hand.

The Vampire Heirs [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon