Ngayon lang nakapag-update....dahil sabog si Bear...
^______^V
Chapter 20
*her POV*
Gabi na kami nakauwi sa group study namin sa bahay nila Ange. Kaya katakot takot na sermon ang natamo ko kay lola keso gabi na daw hindi daw yun ang uwi ng matinong dalaga, samantalang nung si J-O ang nag-explain kay lola na magkasama kami, ayon tumahimik na. Parang si J-O ang apo kesa sa akin! Eh mas matino naman ako kesa sa lalaking yun.
Nagpunta na ako sa kwarto para magreview tutal nakapagdiner na ako kina Ange. Sarap pa ng ulam, crispy pata hindi tulad dito sa bahay nilabong itlog, ginisang itlog, piritong itlog at kung anu-anu pang luto ng itlog. Yun nga lang puro kaen ang inatupag ko doon at ang gulo pa noong dalwang bugok kaya hindi ako nakapagreview. Panay din ang tanong nila Ange ng lesson parang hindi nakikinig sa klase. Bahala nga sila. Sa next week pa naman ang exam and yet kunti pa lang ang narereview ko. Wala pa ngang isang subject. Anak ng sibuyas oh.
"Anu yan?"
"AY TOKWA!" Nagulat ako nung biglang nagsalita si J-O sa may likuran ko.
"Bakit ba pasulpot-sulpot ka lag-" napatigil ako sa pagsasalita ng paglingon ko sa kaniya eh mukha niya agad ang nakita ko, at sa sobrang lapit niya as in super close eh hindi ko inaasahan ang nangyari. Kaya tuloy yung tungki ng ilong ko at labi ko eh dumampi sa pisngi niya. (∩__∩)(ε ⊙) ng mga 3seconds lang....oh sige....ng mga 5 seconds pala dahil may after shock pa ako. Nagbaling agad ako ng tingin sa libro kong binabasa. ::>_<:: Naka isa ako hehe. Ang lambot ng pisngi niya!
"Anu bang ginagawa mo sa kwarto ko?" Oo nagpatay malisya ako, kunwari walang nangyari. Deadma lang blah blah blah.
Nakikita ko kahit nakasideview ako eh nakatingin siya sa akin at ang lapad ng ngisi niya. Nata de coco. Pansit lang.. ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang tatalon na yung puso ko. Tapos pakiramdam ko nag-aapoy ang pisngi ko. Hindi ko na din alam kong saan ako tumigil sa pagbabasa. Anu ba naman pakiramdam ito. Hindi na normal ang heartbeat ko. Naglelevel up na yata ang pagkacrush ko sa lalaking ito.
"Tsk ang tawag dun chansing!" Pang-asar na sabi niya. Anu ba yan late reaction. Nakamove-on na nga ako lahat-lahat tapos bigla pa niyang ipapaalala. Kaadwa eh kinikilig ang pwet ko.
"H-hah? Anu yun? May sinasabi ka ba? Hindi ko kasi naindindihan mabagal ang connection." Hindi ko naman talaga intention na mahalikan siya. Accidente lang ang lahat ng nangyari. At saka malay ko bang ganun siya kalapit sa akin. Kita niyo naman diba? Inosente me!
"Tss tanggi pa. Kung gusto mo humalik pagbibigyan naman kita. Hindi yung magnanakaw ka basta-basta. O halik na libre pa." Aya nito habang tinuturo yung pisngi. Napatingin ako sa labi niya sizzling seahorse bakit ba andito itong lalaking to sa kwarto ko. Napagulf ako. Whaaa nagiging active na ang malanding brain cells ko. Oh potato baka mahalay ko tong lalaking ito. Oh tukso please lang lubayan mo ako nag-aaral pa ako! Bata pa ako. Ayoko pang mabuntis.
⊙▽⊙.Hala san galing yun? Ang OA ko masyado.
"K-kapal mo hah!" Syempre pakeme ko lang yun noh. Lahat naman ng babae marunong din mag-inarts eh.
"Sus pakipot ka pa."
"Pwede ba J-O kahit malambot yang pisngi mo-."
"So malambot pala pisngi ko?"
"Argghh! Ikaw kasi lapit ng lapit. Alis na nga nagrereview ako."
"Ipod ka nga magrereview din ako." Bago nakisiksik siya sa inuupuan ko. Lalo tuloy hindi mapakali ang mga lamang-loob ko. Susme kinikilig yata ang intestine ko. Imbis na tulungan ako magreview eh ginugulo pa ako. Kung anu-anu pang tinatanong na walang sense at hindi related sa course namin.
BINABASA MO ANG
That Rude Guy
Teen FictionRoyal Brotherhood Series: 1) JIN OHNEIL "J-O" VERGARA ***