>chapter 18<

68 6 0
                                    



I dedicate this chapter to Autisticgirlicious..^____^V thank sa comment.


***

Pagkapatay ng aking alarm clock bumangon na agad ako. Naabutan ko si Lola sa kusina habang nagluluto ng aming almusal. Parang nawalan ako ng gana pagkakita sa itlog na nakahain. Kunti na lang at pupurgahin na ako kaiitlog. >o<

"Bute gising ka na. Gisingin mo na rin si J-O ng makapag almusal na tayo." Bungad sa akin ni lola pagkakita sa akin.

"Anla kayo na lang lola."

"Aba inuutusan mo ba ako."

"Sabi ko nga masusunod po."

Padabog akong naglakad papuntang kwarto  nung ungas. Pagkabukas ko nung pinto, ayon prenteng-prenteng natutulog harok pa ang pwet.

"Vergara gumising ka na daw." Hindi siya gumalaw or gumising man lang. Aba prinsipe pa yata ang isang ito sa kanila. -_-#

"Mahal na prinsipe gising na po kayo kamahalan blah blah blah." Nung hindi pa rin siya bumangon eh lumapit na ako. Tinapik tapik ko siya sa may braso. Shock yung muscle ang tigas. napagulp ako, busog na ata ako. Hinawakan este tinapik ko ulit.

 Naalimpungatan pa siya sa ginawa ko. Nagmulat siya ng isang mata. Talong nang lolo ko ang cute tas yung buhok niya parang sinabugan ng granada sa sobrang gulo. Gwapo talaga ang gori na ito eh. Walangya din sa mukha ang sakim sinalo lahat ng kagwapuhan.

"Anung tinatawa-tawa mo dyan."

"Napaisip lang ako kung may lahi kang super saiyan."

"Yeah Lolo ko daw sa pwet si Goko."

"Meron bang ganun. Tss niloloko mo lang ako eh bumangon ka na nga dyan batugan."

Inaasahan kong babangon na siya ngunit ayon ang magaling na lalaki at pikit ulet. Bahala ka nga dyan. Nagulat ako nung hinawakan niya ako sa kamay at hilahin papunta sa kaniya.

Bakit ba ang hilig manghila ng lalaking ito?

"Vergara anu na namang pakulo ito." Nakataas na kilay na tanong ko.

"Inaantok pa ako." Sabay dantay sa akin ng kamay at paa. 'DUG DUG DUG'. Ito na naman ang kaba sa dibdib ko. Bwuset may crush na yata ako sa kanya.

de jowk lang. Si Vince lang ang crush ko forever. Period no erase.

"E-edi ma-matulog ka kaya w-wag mo akong idamay."

"Kahit buto-buto ka pwede ka na ding dantayan, kulan ang unan ko oh." Sabay dantay sa akin tas yung muka niya lalo pang isiniksik sa leeg ko. Kinilabutan tuloy ako....Gusto ko man umalis nagfreeze na naman ang buong katawan ko.

'TOK TOK.'

"J-O may kumakatok."

"Shhhh."

'TOK TOK!' Mas malakas na yung katok kesa sa una.

"J-O."

"Hmmm.!

'TOK TOK TOK!"

"May nakatok nga."

mukang na pissed siya sa kakulitan nung nakatok or..... sa akin?

"TANGINIS SINO YANG KATOK NG KATOK TULOG ANG TAO BWISET!" Pagkasabi niya nun sabay higa ulet. Eto na ang chance ko na umalis. Aalis na ako ng bigla niyang idinagan yung kanyang paa at kamay. Hindi niya ba alam na ang laki niyang tao kaya ipit agad ako. Ang lapit-lapit niya na sa akin, hindi na tuloy ako comportable ngayon. Hahalayin niya ba ako. Tagal naman....X﹏X

That Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon