>chapter three<----that intruder part 2

101 10 1
                                    

*Sorry sa mga bad words*

(^____^)/

**Her Point of view*

"Walangya ka! Anung karapatan mong sabihin yung mga kasinungalingan  mo sa lola ko. Bakit ka nagsinungaling sa kanila?" Maiyak-iyak na sabi ko. "At anu yung pananagutan mo! Akalain ng Lola ko may ginawa talaga tayo! Bawiin mo yung sinabi mo! Please!"

"Ayoko."

"Bakit mo ba to ginagawa? May atraso ba ako sayo? Hah? Ni hindi nga kita kilala."

"Trip ko." bored niyang sabi. Habang tinitingnan yung mga gamit ko.

"Ang sama mo! Bawiin mo yun." sabi ko habang hinahatak ang damit niya.

"A-YO-KO!" firm na sagot niya.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Wala naman akong kasalanang ginawa sayo ah, ikaw nga tong pumapasok sa bahay ng may bahay." Ibinaba niya yung hawak na libro at tumingin sa akin, inilapit niya ang mukha sa akin at hinawakan ang baba ko. Inangat niya ang mukha ko...kaya face to face na kami ngayon.

"Well, una kinagat mo ako at isa pa kung sinabi ko ang totoo edi wala akong matutuluyan ngayong gabi at wala akong makakainan, so ginawa ko yun. Thanks to you." sabay wink pa nito. Yuck kadiri.

"Alam mo-"

"Hindi pa-"

""Pwede ba patapusin mo muna ako!"

"K."

"Sa ginawa mong yun nasira na ako sa lola ko."

"So?."

"Hindi mo ba alam na hindi ka tatanggapin sa impyerno, kasi ang sama sama mo! Hudas ka!"

"compliment ba yun Honey." 

"Tsshh...Honey your face!" Tinampal ko yung kamay niyang nakahawak sa mukha ko..Nakakailang eh. Ilang inch na lang ang pagitan ng face namin. (> >)---(< <)

"Don't you dare touch me or else...!" ngumisi siya sa sinabi ko.

"Or else what?" nanghahamong sabi niya.

"You're dead!"

"Bwahahahaha...T-tinatakot o pinapatawa mo ba ako..haha comedian ka rin anu." sabay gulo ng buhok ko..Arrgghh  hindi pa nga ako nagsusuklay tas guguluhin pa niya, kawawa naman ang suklay ko pagnabungi yun. Hirap kayang magsuklay.

Tumalikod na siya sa akin.

"Next time tryharder, hindi kasi effective. Since welcome na ako dito 'Honey' kuha mo ko tubig at pakilabas din nung first aid kit mo." 

Letche hindi pa siya nabulunan habang nakain eh. Feel at home na feel at home.

"Anu ka hilo!" Talagang hihighbloodin ako ng lalaking to...The nerd! Pasalamat siya nagtitimpi pa ako, gawin daw ba akong utusan..Hello house ko toh.

"Hindi mo ako kukuhang tubig? Isusumbong kita kay Grandma-"

"Oo na, oo na." Nagmartsa ako pababa para kumuhang muriatic acid. Hindi ba siya marunong mahiya. Sabagay mukha namang makapal ang mukha ng lalaking yun.

Pagbalik ko sa taas, aba matindi! sosyal ang prinsipe nakaupo sa trono at nakadekwatro pa.

"ayoko sa lahat yung mabagal!."

"Wala kang karapatang magreklamo, bakit bahay mo."

"Dami pang sinabi, akin na nga."

"O eto saksak mo sa ngala ngala mo, malunod ka sana."

That Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon