***
*Her Point of View*
"GOOD MORNING ENURE!!!" Bati sa akin ni Evy at Ange sa may gate ng school.
"M-morning." Matamlay na bati ko sa dalwa. Hay, kunting tulak na lang sa akin at babagsak na ako. Gusto na ding pumikit ng mga mata ko..==____== Inaantok pa talaga ako.
"Anyare sayo sis? Saang patay ka ba galing?"
"Evy, hindi ako pumuntang patay noh." ﹋o﹋V....
"Kung hindi ka pumuntang patay, wag mong sabihing rumaket ka kagabi sa 'heavensss bar' ansabe naman ng eyebag mo." Tsk, gusto ko sanang batukan si Evy sa mga pinagsasabi kaso wala talaga ako energy. Yung feeling na nanlalambot ka na. Yung Heavens Bar is yung madadaanang bar papunta sa plaza. Mayayaman lang naman ang napunta doon.
"Sira ka talaga Evy, panu raraket sa heavens bar si Enure, ni hindi nga yan marunong sumayaw tas tingnan mo naman sa suot pa lang di na yan papasa kasi tinalo pa si Maria Clara sa haba ng palda atsaka hindi eyebag tawag dyan kundi eyemaleta." Ouch, parang wala ako sa harapan ng dalwang to kung makapagsalita ah. Kaibigan ko ba talaga ang mga ito? Ang sarap kasing batukan nila.
"May point ka dun sis Ange. Eh bakit ka ba talaga bangag Enure?"
"Oo nga, okay ka lang ba?"
"Hindi eh, gusto ko ng matulog dahil magdamag akong nag-aral." Yun na lang ang sinabi ko baka pagsinabi ko pa ang dahilan kung bakit ako napuyat eh lalo lang akong asarin ng dalwang ito. chismosa pa man din ang dalwang ito.
"Grabeng aral naman yun pag ikaw naging Magna Cum Laude, ay naku magpapalitsong ipis ako."
"Kadiri ka naman Evy!" Tas tumingin si Ange sa akin "Dapat hindi ka na pumasok."
"Tama, para ka tuloy zombie na naglalakad sa hallway na may kasamang dalwang maganda." tas nag-apir yung dalawa. Inirapan ko lang sila.
"halata ba talaga?"
"Oo sis, buti nga nakilala ka pa namin... kaya kong ako sayo uuwi na ako at magpapahinga para maging maganda tulad namin."
"Di bale na, ayoko magkamark ng absent sa record ko."
"Aysus, dumali na naman ang ulirang studyante ng school na ito. Bahala ka na nga wag mo lang kame sisisihin pag may natakot sa hitsura mong nakadrugs lang ang peg.."
"Ganun? Oh Sige, punta na ako sa room ko." Iniwan ko na yung dalwa sa hallway. Sarap batukan eh, makapanglait naman sila. Maganda kaya ako sabi ni Lola...Hindi lang halata.
Pagpasok ko sa room, itinabing ko yung buhok ko sa mukha ko yung parang si Sadako...wag na kayo magtanong kung bakit...at dahil mukang busy ang mga classmate ko eh walang nakapansin ng existence ko..whaa I'm safe.
Pagkaupo sa asign chair ko, inilabas ko ang mga notes ko....kaso bakit parang nagdodouble ang tingin ko sa mga sulat ko tas parang....
(--〆)---->(~O~)zZ
'Boink! Boink! Boink!'
"Jdghahdbsvhdjdjskn"-_-!
'Boink! Boink! Boink!'
"Anubainaantokpaakhdgsgsidbs" -_-# Tae sinu ba yung sumisipa sa upuan ko? Kitang inaantok pa yung tao.ZZZZZ...sabi nga magbiro ka na sa lasing wag lang sa natutulog!
'Boink! Boink! Boink!' "Hoy sleeping manang, gising na. Tulo laway ka pa diyan yuck ka naman!"
Aisht-_-///..."Anu ba? Kitang ianaantok *hikab* pa ako." ←_← pagtingin ko sa kanan..tss siya lang pala... (_ _)Zzzzzz
BINABASA MO ANG
That Rude Guy
Novela JuvenilRoyal Brotherhood Series: 1) JIN OHNEIL "J-O" VERGARA ***