>Chapter 23<

55 4 2
                                    



.........That rude guy....is my boyfriend (Final)


Nakaupo lang ako sa swing sa may playground na pinag iwanan sa akin ni Mig habang iniintay kung sino man yung inaantay ko. Wala akong idea kung si Superman, Batman, Spiderman, Tuxedo mask or si Naruto ba ang kailangan kong intayin dahil ito daw ang favorite niyang lugar. Playground, anu yun bata?. Kaso anung petsa na, tinubuan na ako ng ugat at lahat-lahat wala pa rin yung iniintay ko. Hindi kaya nakalimutan niya na ako or katulad din siya ni J-O na isang dakilang Bachelor of Architecture Major in DRAWING.

Guavaness! Kung alam ko lang lugar na ito at pabalik sa amin ay kanina pa akong nakauwi.

"Boo!"

"Ay Palaka!" sa gulat ko na-out of balance ako kaya nahulog ako sa swing. Imagine nakadress ako, buti nalang talaga nakashort ako. Pag angat ko ng tingin bigla na lang bumungad sa harapan ko si J-O na nakangiti pa ng wagas. Inilahad niya ang kanyang kamay para tulungan ako makatayo subalit, inirapan ko lang siya at tumayo mag-isa. Buset talaga ang lalaking ito sa buhay ko, ang sakit tuloy ng pwetan ko. Pinagpagan ko yung nadumihan kong damit at nagmartsa na ako paalis ng Playground, subalit pinigilan ako ng magaling na kamote.

"Saan ka pupunta?"

"Kahit saan basta hindi ko makikita yang pag mumukha mo."

"Anu yan? Marunong ka ng mag-inarte? Congrats tao ka na Enure."

"J-O ako ay tigil-tigilan mo. Letche ka wag mo akong kausapin."

"Fine! It's my fault pero dapat ako ang magalit sayo dahil nakipagdate ka kay Mig! At mukhang enjoy na enjoy ka pa. Tsss"

"Hindi naman ako sasama kung dumating ka di ba?" Kainis talaga ang bugok na ito ako pa ang susumbatan.

"Kahit na ako pa rin ang boyfriend mo sa ayaw mo o sa gusto mo. Dapat maging loyal ka sakin dahil ipapaalala ko sayo talo ka sa pustahan natin."

"Pasensya na hah nakalimutan kong may boyfriend kono pala ako na magaling mag-indian."

"Ganun, halika dito."

"Ayaw ko." Bigla na lang siyang lumapit kaya na alarma ako. Tumakbo ako palayo sa kaniya hanggang sa naghabulan na kami sa loob ng playground, pinagtitinginan na nga kami ng mga batang na daan, marahil awasan na sila sa malapit na school doon.

"Kuya J-O, Manang!" Sabay kaming napalingon sa tumawag. Si Binggo na naka uniform at nakabackpack pang bag...Ang cute-cute!

"Binggo."

"Alam niyo ang jologs niyong dalwa. Tingnan niyo hindi makapaglaro ang mga bata dahil nagtatakbuhan kayo sa playground. Dami-daming lugar dyan pa kayo naghaharutan kuya. Ang badoy niyo eh" Minsan napapaisip talaga ako na hindi bata itong si Binggo.

"Haha loko kang bata ka." Sabi ni J-O, habang ginugulo yung buhok ng kapatid. Paniguradong miss niya na ito.

"Totoo naman ah, hinawaan ka ng kabaduyan ni Manang." Napaturo ako sa sarili ko, nananahimik ako dito dinadamay ako ng dalwang bugok na ito. Ang sarap nilang pag-untugin.

Tumingin sila sa akin sabay apir nung dalwa. Nakakabuset man eh ang sarap nilang pag masdan dalwa. Para silang mag-ama na nagkukulitan tapos ako yung ina..Charot. tinapik ko nga ang sarili ko kasi kung anu-anung naiisip kong kalokohan.

"Tara na nga, kain tayo."

"Yown ang gusto ko sayo kuya. Astig ka talaga."

"Hoy Binggo kala mo libre. KKB to."

That Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon