......
*HER POINT OF VIEW*
Nalaman kong nagcut class si Vergara kanina. Sabagay hindi na bago yun. Kung hindi lang talaga magmimidterm exam sa next week eh hindi ako magpapakahirap kumopya ng mga notes para sa kaniya. Pagtinuturuan ko naman eh tinatakasan lang ako. Kailangan pa naman niyang maipasa ang exam kundi ako na naman ang malilintikan kay Dean.
Isa pa may utang na loob ako sa kaniya. Kasi nagsorry sa akin si Dean. Nag heart to heart talk daw sila ni J-O. Knowing J-O, hindi ko talaga inexpect yun. Sayang di ko nakita.
Nalaman ko din na ang lolo ni J-O ang nag iisponsor sa akin para makapag-aral ako. Kasi magkakilala pala ang lola ko at lolo ni J-O. Mukha ngang may nakaraan sila, ang landi nila eh. Hay! Kala ko naman katulad na ako ni 'Judy Abbott na may Daddy Long Legs na isang mysterious benefactor ko.
Siguro nga coincidence ang pagkikita namin. Basta magulo. Marami pa siguro akong hindi alam, lalo na tungkol kay J-O.
Pero hindi ko akalain na rich kid pala si Vergara. Apo siya ng isang may ari ng isang group of company. Grabe hindi halata sa kanya although may itsura siya.....itsurang adik.... dejowk lang. Kala ko kargador lang yun sa palengke. At mukhang walang future. Yun pala nagrebelde siya kaya pinalayas siya sa kanila. Napakapasaway kasi. Sino ba ang hindi maiinis sa kaniya....eh napaka-abnoy.
***
Pagkaawas namin, magkakasabay kami nila Evy at Ange palabas ng gate. Napag-usapan kasi namin na mag-group study sa bahay nila Ange, plus maraming food sa kanilang bahay hindi tulad sa amin bubunihin kaiitlog. Si J-O ang dahilan kung bakit pala napakaraming stock ng itlog sa amin. Mahilig pala siya sa itlog kaya ayon inaaraw araw ang itlog.
"Enure may sundo ka."
"Hah?"(⊙ . ⊙)?
"Yung boylet mong gwaping na mukang gangster na dead na dead ata sayo. Taray kaya galit na galit sayo ang mga babae dito eh." Turo nila sa may gate
"Psshh wala akong boylet noh." Pagtingin ko sa may gate, si Vergara ang nandoon halatang nababagot na kaiintay. Sipa-sipain daw ba yung gate. "At yun dead na dead sa akin wag nga kayong magjowk." Sa totoo lang maraming nagkakagusto sa kanya sa school namin, yun nga lang walang makalapit sa kaniya dahil takot sa kaniya. Actually sa umpisa lang naman siya ganun pero pagclose muna eh mabait na naman...hindi na nangangagat yun nga lang ang sama talaga ng ugali. Normal na yun sa kaniya.
"Oh bakit matalino ka at matalino ulet imposibleng walang magkagusto sa matalinong tulad mo." Sabi ni Evy. Hindi ko alam kong nag-iinis ba siya o pinupuri ako.
"Tapos mabait ka pa at matalino ulet. Ang haba ng hair abot hanggang rooftop." sabay apir nung dalwa.
"Lahoy inaaway niyo na naman ako at wala naman tayong rooftop eh."
"Peace Sis."
Pagdating namin sa may gate, nag angat na ng tingin si J-O.
No reaction yung muka niya pagtingin sa amin. Ako hindi ko alam kung ngingite ako o bubusangot. Yung dalwa naman nasa may likuran ko. Parang magtatagong ewan. Takot ba sila kay J-O.
"Anu, hi!" Nagkunot lang siya ng noo. Napakahirap talagang i-approach ng lalaking ito. Dinaig pa ang pato na nag-iinarte.
"Hindi ako sasabay sayo kaya mauna ka ng umuwi." Sabi ko. Simula kasi ng nakatira na siya sa amin madalas sabay na kami.

BINABASA MO ANG
That Rude Guy
Teen FictionRoyal Brotherhood Series: 1) JIN OHNEIL "J-O" VERGARA ***