***
~dinededicate ko ito sa aking pinakamamahal na pinsang si gelibean at ate sexy abigail desacula.......muah muah muah.....dahil sa inyo sinipag ako magsulat kahit napakaepic ng storya ko....tryinghard maging writer eh...kaya yaan niyo na...hahaha XD~
***
Kanina pa akong gising pero hangang ngayon nakahiga pa rin ako sa kama ni lola.
Nags-spaceout, yung tipong nag iimagine ng alien sa aking harapan at nung napagtanto ko na ang gross naman ng aking iniimagine, nakipagtitigan na lang ako sa aming kisame. Bale matira matibay at partida walang kurap-kurap.
"Hoy tulala ka pa dyang bata ka, maaga pa pasok mo." Bungad agad sa akin ni lola. Well, mamaya ko na siya iintindihin....malapit ng bumigay yung kisame. Actually hindi yung alien na nag aala-Michael Jackson ang dahilan kong bakit ako tulala or yung matibay naming kisameng butas butas.
May naalala kasi ako, yung panaginip ko kagabi. Na isang nonsense, nakakasuka at di kaaya-ayang panaginip. Buset kasing lalaki yun, namasok na sa bahay namin pati ba utak ko pinupulluted na niya. Pinagpapalo ko ang utak ko....Mawala ka na sa utak ko, lalo na yung image ng abs niya..jowk!!!!!!!
"Hindi ka pa ba kikilos? Aba't itong batang to, naloloka na ata. Hoy, Enure sabihin mo lang ng maipasok na agad kita sa mental institution." usisa ni lola.
Kagabi pa ako napapaisip eh, hmmmm parang pamilyar sa akin ang mukha niya....Hindi kaya siya yung tumakas na serial killer na ibinalita kamakailan lang. Pero parang hindi naman....sa itsura niya....GRABE ANG HITSURA!!!
"Aba't talagang!" Nawala ang pagmumuni muni ko ng may tumamang TALONG? sakin at pag tingin ko andun si lola sa mat pinto nakapamewang pa.
"Baket po ba?" Inis na tanong ko...Naistorbo ang pag eechos echos ko eh.
"Anak ka na man ng nanay mong bata ka! kanina pa kitang tinatawag at malalate ka na.!"
"oo na po, highblood eh dadami wrinkles niyo nan."
"Susmaryusep kang bata ka, akin na nga yang talong at ng maipirito ko na...kaw na bata ka dumating lang yung bf mo eh napasarap ang tulog mo, hindi ka pa naglilinis ng bahay. Mag-uusap pa tayo ng masinsinan."
"Aisht..Hindi ko sabi yun BOYFRIEND eh, oh asan na yung lalaking yun? buhay pa ba." bigla akong hinampas ng talong.
"aray lola! bakit na naman?" Hinaplos ko yung brasong hinampas ni lola ng talong.
"wag mo ngang ganunin ang boyfriend mo ke gwapo-gwapo nun aagawin ko siya sayo eh. Tingnan mo sa tigas ng ulo mo naputol yung talong na uulamin mo."
"Wow grabe lola touch ako, salamat sa concern hah." sarcastic na sabi ko.
"Pag nalaman kong pinagtatabuyan mo pa si J-O naku kang bata ka, aagawin ko talaga yun sayo." Asus ito talagang lola ko ke tanda tanda na kumikiri pa. Lande eh! Nakakapagtaka lang, ayaw na ayaw ni lola na magboyfriend ako kahit walang nanliligaw sa akin pero botong-boto siya sa Vergara na yun.
"At kesa makipagtalo ka sa akin, tingnan mo yung oras at malalate ka na."
Pagtingin ko sa aming makalumang wallclock.....WHATTHEHAM......BURGER!!! 24 minutes na lang at magtatime niya....siomai.. I forgot pang morning classes ako ngayon.
Pagkatapos kong gawin ang mga kung anu anu kong ritual tuwing umaga.
Nagmamadali na akong tumakbo at naghaglap ng masasakyan...Tofu naman oh, asan na ba yung mga linsyak na tricycle kong kelan naman kailangan saka walang nadaan.
BINABASA MO ANG
That Rude Guy
Novela JuvenilRoyal Brotherhood Series: 1) JIN OHNEIL "J-O" VERGARA ***