may mga inayos ako simula chapter 1-21..
Thanks sa pagbabasa. ^______^
***
Mag-iilang oras na yata akong nakatayo dito sa may Jollibee downtown plaza, ang init-init tapos naiihi na ako kaninang-kanina pa. Nak ng sinagwelas naman! Pinagtitripan lang yata ako ni J-O eh. Ako naman eto to do effort may pagmamake-over pang nalalaman. Gusto ko na ngang maluha kaso masisira lang ayos ko. Grabe napakapathetic ko. Bwisit ka J-O! Paasa ka. May paboyfriend-boyfriend ka pang nalalaman eh drawing lang yata itong date na ito! Pinagtitripan mulang ako.
Masakit na nga ulo ko tapos may bumangga pa sa akin.
"Sorry Miss." Sabi nung bumangga sa akin. Pagtingin ko sa kaniya.
"Mig?" sabi ko. Eto yung isa sa kafrat ni J-O, tiningnan naman niya ako kaso mukang hindi niya ako namukhaan.
"Si Enure to." Tinuro ko pa yung sarili ko.
"Enure? As in Enure ni J-O." Tsh, kung makapagsabi naman ito kala mo eh pagmamay-ari ako ni J-O. Eh walang kwenta yung lalaking yun.
"Sorry hindi kita nakilala. Ahmm you look awesome." Sabi pa nito ng tiningnan ako mula ulo hanggang paa.. Sus bolero talaga ang isang ito. Sinabi pa nga ni J-O dati sa akin na si Mig daw ang pinakaplayboy sa kanila kaya iwasan ko daw. Parang hindi naman , mukha ngang mabait eh.
"Awesome ka dyan. Baka awesome-ma!"
"Hindi kaya. Seriously ang ganda mo nga, wait-" tapos luminga-linga siya.
"Bakit?"
"baka kasi andyan sa paligid si J-O bigla na lang ako suntukin."
"How I wish andyan nga si J-O."
"Para suntukin ako?" Nakangiting sabi nito.
"Hindi noh, para ako ang sumuntok sa kaniya. Lalaking yun, pinag-antay ako."
"Bakit naman?" Madaldal din pala itong si Mig tulad ni Zico, kaya ayun kinuwento ko sa kaniya ang pag-iindian sa akin ni J-O. Simula nung inaya niya ako hanggang sa nakabangga ko siya. Tendaw eh mag ileven na.
"I see haha, don't worry akong si Poging Mig ang mag-eentertain muna sayo. Well I have idea, lets play a game and you are part of this game." Sabi niya habang nakangiti ng wagas.
"anu namang laro yan?" Parang wala akong tiwala sa ngiti niya, mukhang may evil plan...haha!
"Madali lang ito, mag-eenjoy ka trust me." Tapos nagtaas pa siya ng kamay para magpromise. "At hindi masasayang ang oras mo maniwala ka." Dugtong pa niya.
"Sige na nga, parang desperado ka eh."
"Anu bang laro natin?"
"Hide and seek?" Tiningnan ko siya ng seryoso-ka-ba-look, para kasing nang-iinis eh.
"Haha peace, don't worry hindi ikaw ang taya."
"Eh sinong taya? Ikaw?" Baliw din yata ang nasamahan kong lalaki eh.
"Nope! Hindi ako ang taya sa laro natin." Tas may pakindat-kindat pa siya. "wait tatawagan ko lang ang magiging taya haha." Then inilabas niya yung phone niya at nagdial na ng number. May iba pang kasali? Tsh sabi na eh dapat hindi ko pinatulan ang lalaking ito eh. Baka mapahamak lang ako..... note to myself...beware of J-O and Friends.

BINABASA MO ANG
That Rude Guy
Teen FictionRoyal Brotherhood Series: 1) JIN OHNEIL "J-O" VERGARA ***