chapter 2- highschool friendship???

114 4 1
                                    

Chapter 2

Sweet's POV

Hayyyy... what a year. Ang bilis lumipas ng panahon, parang kahapon lang 1st year palang kami tapos ngayon 2nd year na..

Masaya naman ang taon ko dito sa DLA.. Sa totoo nga niyan nagkaroon na ako ng mga bagong kaibigan.. Sa pagkakaalam ko nga ganun din si Sien. Mukha na nga siyang nag iimprove dahil kung dati masyado siyang independent sakin ngayon hindi na.. Panu ba naman minsan na lang kami magkita, ang huling update ko nga meron daw syang crush ulit.. hihihi

Eto talagang bestfriend ko lumalandi na.. hahahaha..

Masaya ako para sa kanya, akala ko nga di na ulit yun magkakagusto sa iba pagkatapos ng heartbreaking incident na nangyari sa kanya nung elementary kami..

Alam ko iniisip niyo na masyado pa kaming bata nun pero nainlove na agad hahaha.. ewan ko nga dun sa bestfriend ko , kala mo nagkabf na pero crush lang naman yun.. pero nasaktan ng malaman na may iba ng nagugustuhan yung crush niya.. todo pa nga mag emote, isang buong araw ba naman umiyak.. kahit na di talaga siya nagshare sakin nun inalam ko talaga .. aba!!! bestfriend kaya ako..

Buti nga at mukang nagkamove on na siya.. kung dati halos di mo makausap, halos di na nangiti at sobrang tipid magsalita maliban na lang kung kaclose mo siya.. ayun buti naman at nagbago na yun..

Eto ako ngayon 2nd year na.. hinihintay sa loob ng classroom namin si Sien.. grabe nga ang pagsisikap niya mapunta lang sa section ko eh.. akalain mo yun natutung magbukas ng libro hehehe..

Kasama ko nga pala ang mga kaibigan ko at ipapakilala ko siya sa kanila.. sa inyo din naman kaso tinatamad si author kaya mamaya na lang heehehe..

(a/n: aba!!! talagang dinamay ako???)

And speaking of Sien nakikita ko na siya sa labas may kausap na girl.. mukang busy pa kaya mamaya ko na kakausapin .. in the mean time makikinig muna ko tutal may kanya kanyang kwentuhan naman yung mga tao dito..

" uy!! sweetcorn, panu ba yan di na tayo magkaklase section 1 ka at 2 naman ako.. pasensya ka na, pinagplanuhan pa naman natin na sabay tayo makakapunta ng section 1.. *3*" sabi nung girl na kasama ni Sien.. wow sweetcorn?? may tawagan talaga sila, samantalang akong bestfriend.. bhez lang?? Pero ang cute ni Girl ah.. lalo na nung nakapout.. heehe

"Ano ka ba ok lang yun noh.. may breaktime naman eh.. tsaka magkikita pa tayo sa ibang pagkakataon.. hehe ... Oh? malapit na pala magstart yung klase , sige pasok ka na" wow.. laki na talaga pinagbago ni bhez..

"Bulaga!!!" gulat ko sa kanya nung pagpasok ..

"ay butiking palaka!!! Sweet , ikaw pala.. wag ka nga nanggugulat.." abat tinawag talaga akong butiki.. may palaka pa ahh..

"grabe ka ah.. ang pretty ko naman para macompare dun.. oo nga pala ipapakilala kita sa mga friendship ko.." sabi ko kay Sien habang hila hila ko siya papunta sa mga frienship ko..

"sandali.." bigla tuloy ako napahinto dahil sa kanya..

"bakit??? " O.O -----> yan lang naman ang mukha ko ng makita ko yung kakaibang itsura ni Sien.. di ko alam kung naiiyak na sinisipon o natatae eh..

"wag mo sabihing *sniff* nawala lang ako *sniff* sandali.. pinalitan mo *sniff* na ako.." grabe nawala lang ako naging madrama na tong bhezy ko.. at may pa sniff pang nalalaman di naman naiyak..

"Sira!!!" sabi ko sabay batok..

"araayyy.."

"kung ano ano iniisip mo.. ipapakilala ko lang sila sayo para maging friwndship mo na din sila.. and dont worry di sila maarte at malandi.. alam na din nila na your poor at tanggap ka nila.."

pagkatapos ko yun sabihin sa kanya agad na kaming pumunta dun sa kinaroroonan nila..

"Girls... i want you to meet my bestfriend.. Sefryna Sienel Necesario.. "

"Hi!! Its nice to finally meet you.. im Veronica Charlene Castillo.. haha pero Vera nalang for short.. facts about me?? ako ang pinakakikay samin.." grabe kahit kelan talaga ang energetic ni Vera..

"Hay naku.. wag maniwala sa kanya, ako kaya ang pinakakikay dito.. mahilig din pala ako sa mga pink na bagay hehe.. obvious naman kasi halos nakapink na ko bukod sa uniform.. im Xyra Arielle Bustos pero Ariel na lang itawag mo..hehe"

"hindi ah.. ako kaya!!" sabat naman ni Vera.. kahit kelan talaga lagi nagtatalo itong dalawa.. pero magbestfriend yan..

"pwede ba tumigil na nga kayo.. maliit na bagay pinag aawayan.. sorry sa kanila ah.. Im Hale Jeziel Flores, Hale for short.." buti naman at napatigil sila.. sabagay si Hale naman lagi umaawat dyan eh, siya kasi ang ate ng barkada..

"Oo nga.. let me remind you guys na highschool na tayo at di elementary ok?? Im Zhielara Morales nga pala.. you can call me Ara"

"Hi din sa inyo.. Sien na lang pala itawag niyo sakin mas comportable kasi ako dun.. grabe ang cool niyo lahat.. bale kasama na ba ako sa friendship grouo natoh??" grabe nagtanong pa..

"Oo naman!!!" sabay sabay naming sabi..

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon