chapter 13- Ara's Past

70 3 1
                                    

Chapter 13

Sien's POV

Natapos na ang klase namin ngayong umaga.. ibig sabihin breaktime na..

Ito ata ang pinakahihintay ng mga kabarkada ko eh..

"How do I look??" tanong ni Ara sakin

"Ahmm.." di ko pa nasasagot si Ara may nagtanong ulet..

"Ayos lang ba yung polbo o maputi masyado??" tanong ni Vera sakin

"kung ako ang tatanungin sa pa--" at di na naman natapos..

"Magulo ba yung buhok ko o ayos lang??" tanong ni Ariel..

"Ano kasi.."

"ano ba kayo? Di kayo masasagot ni Sien ng maayos niyan kung sabay sabay kayo kung magtanong.. Tsaka di naman sigurado na ngayon sila pupunta dito eh.. Kaya baka masayang lang ang pag aayos niyo.." grabe ate na ate talaga si Hale kahit kelan..

"Suss.. ikaw din naman excited na makita siya eh.." sabi ni Sweet.. eto talaga si Sweet..

"May point din naman si Hale eh.. ang sabi niya pupuntahan niya tayo kapag break time, pero di naman ibig sabihin nun ngayon yun diba?? " paliwanag ko

"Ang KJ mo naman!! " -Vera

"On second thought , totoo naman talaga eh.." hayy.. pumapangalawa din si Ara sa mga mature samin kahit ganyan..

"Edi bahala kayo kung gusto niyo maghintay pero suggest ko lang wag kayo masyado mag expect ah.."

"Wala naman mawawala diba?? "-Ariel

"oo wala.. pero teka habang naghihintay tayo pag usapan natin yung lovelife ni Ara.." haha eto talaga si Sweet dinamay pa si Ara.. Pero gusto ko din malaman..

"oo nga diba crush mo si Gerald simula grade 4 edi apat na taon na.. Anong nangyari??"- Ariel

"hayy.. osege na nga sasagutin ko na yung tanong niyo tutal naman nangako tayo sa isa't isa na no more secrets na.. at let me remind you na 3 years ko lang siya naging crush noh. Tsaka siya yung naging inspiration ko kung bakit ako nagpapayat at naging sexy. Nung elementary days kasi namin ,palagi ako binubully kasi mataba ako pero kahit ganun di ako nagpaapekto at itinuon ko ang atensyon ko sa pag aaral. Pero isang araw, wala si Hale nun at absent kaya wala akong kasama. Nagalit sakin yung iba kong kaklase dahil test namin nun at di ako nagpakopya kaya yung pangbubully na ginawa nila nun iba sa karaniwan nilang ginagawa.. Kung dati puro parinig at tukso lang , noong araw nayun Binato nila ako ng mga itlog at di pa sila nakontento kaya yung balloon na may pintura sa loob binato din nila.. Syempre di pa sila tapos nun yung finale nila, yung paso dun sa bench binato nila sakin sakto naman sa ulo ko.. Nung mga panahon na yun hilong hilo na ko at halos nagdidilim na yung paningin ko hanggang sa nawalan ako ng malay.. Pero naramdaman ko na may bumuhat sakin nun tapos nung nagising ako nasa clinic na ako. Nung medyo bumuti na yung pakiramdam ko pumunta ako sa may mini garden sa likod ng school namin nun walang ibang pumupunta dun dahil may engkanto daw dun kasi kahit walang nag aasikaso dun napapanatili pa rin daw na maganda yung lugar na yun pero sa totoo lang ako lang yung nag aalaga sa mga halaman dun.." -Ara

"Teka lang ang haba ng kwento mo eh, san yung part dun ni Gerald at pagiging crush mo siya?" eto talaga si Sweet may pavkademanding minsan

"Eh kung patapusin muna natin siya noh. Nagmamadali ka naman masyado Sweet eh 2 hours pa yung vacant natin." -Vera

"Sorey.. sige continue hehe.." -Sweet

"ayun.. diba nasa garden na ako, habang nakaupo ako dun may nakita akong bata na nakahiga at takip ng libro yung mukha.. syempre dahil akala ko tulog, kaya nagkwento ako sa tabi niya.. ganun kasi ako pag may dinadamdam kailangan ilabas, eh sakto wala pa si Hale nun.. tapos syempre habang nagkwento ako di ko alam nakikinig pala siya.. kaya ayun nag advice siya sakin na hayaan lang daw sila, dahil sa mundong toh kung may nang aapi may naapi syempre may tagapagligtas din.."-Ara

"Hulaan ko si Gerald na yun diba??" singit ko naman..

"yup, tama ka dyan simula nun naging crush ko na siya.. kahit pa.sabihan na masungit sya ng iba alam ko mabait talaga siya.. hehe" -Ara

=========××××××===========

a/n

yesss.. may fresh update na po.. sana support ulet ^_^

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon