chapter 18- Let's investigate

57 2 0
                                    

a/n: tnx sa pagcomment mo last chapter dahil dyan ikaw ang napili ko para i-dedecate ang chapter na ito.. hope you enjoy^_^

===================================================

chapter 18

Natapos na ang weekend at pasukan na . Wala ang kanilang First period teacher kaya nagkwentuhan nalang ang friendship tungkol dun sa nangyari nung sabado.

" GIrls, musta Sunday niyo? Ako walang nangyari eh, kakaisip dun sa sinabi ni Khray na kilala daw natin yung nagugustuhan niya.. Iniisip ko nga kung isa sa atin o kaklase natin.. nsa dalawa lang yun." excited na sabi ni Vera

"ahh, oo naalala ko nga yun .. Pero guys paalala lang wag muna kayo masyado umasa.." paalala ni Hale

"Alam naman namin yun Hale eh.. Kaya nga ako di masyado nagiging assuming eh.. Para pag nalaman ko na ako nga yun edi masha-shock ako ng bonggang bongga kasi di ako umasa diba hehe.." nasapo nalang ni Hale ang kanyang noo sa sinabi ni Ariel

Agad din naman binatukan ni Sweet si Ariel.." Ilusyonada!! Ako kaya yun noh?" sabi ni Sweet

"Pwede ba girls wag nga kayo mag away dahil lang dyan.. Baka naman niloloko lang tayo ni Khray na kilala natin kung sino yun.. Baka nga may gf na yun at kunwari lang yung sinabi niya na hindi.." Sabi ni Sien

"Khray is not that kind of person Sien, and you have no rights to judge him like that.. Remember siya ang nakipagkaibigan satin remember? Di siya yung tipo na magpapaasa lang.." sandaling huminto sa pagsasalita si Ara ng maalala niya ang patagong ngiti ni Khray kay Sien at di siya maaring magkamali na may ibig sabihin ang ganoong aksyon ni Khray. " Uyy!! Sien diba nasayo pa yung jacket ni Khray? Ibalik mo na kaya sa kanya.."

"Ahmm.. oo dala ko , pero ngayon na talaga?" nag aalangan na sabi ni Sien

"Yup.. Habang may faculty meeting pa ang lahat ng teacher.." - Ara

"Pero diba bawal mag loiter sa corridor malapit sa room ng Rank SPEED, baka naman pagalitan ako dun.." paliwanag ni Sien

"WAg ka mag alala Sien, ako nalang ang mag babalik .." pagpiprisinta ni Sweet

"No Sweet.. Dapat si Sien ang gumawa dahil siya ang humiram dapat siya din ang magbalik.." pagpipilit ni ara

"Osege na nga .. Pero wala bang sasama sakin?" tanong ni Sien

"Wala!!" walang pagdadalawang isip na sabi ni Ara

"Ok" pagkatapos sabihin ni Sien yun ay agad na din siyang lumabas ng room upang pumunta sa room ng Rank Speed

Nang umalis na si SIen agad na nakaisip ng idea si Ara..

"Come on girls. Let's follow Sien.." -Ara

"Teka akala ko ba hahayaan natin mag isa si Sien? Bakit bigla natin siya susundan?" naguguluhang tanong ni Sweet

":Oo nga hahayaan natin siya. Pero susundan lang natin siya dahil may gusto ako patunayan. Gusto ko malaman kung siya yung nagugustuhan ni Khray.." Pagpapaliwanag ni Ara

"wait. wait. wait. Anong sabi mo Ara? Parang nabingi ata ako.. Si Sien? Siya ang nagugustuhan ni Khray?" Nagtatakang tanong ni Vera

"That's impossible !! Alam ni Khray na Lesbian si Sien kaya panigurad turn off na yun noh??" pagtutol ni Ariel sa sinabi ni Ara

"Let me correct you Ariel. . Remember nung sinabi ni Khray na may nagugustuhan na siya? Di niya pa alam na Lesbian si SIen..tsaka ang aam niya NAGING lesbian si Sien that means past na yun" Sabi ni Ara

"Yun na nga ang pinupunto ni Ariel na paniguradong turn off na si Khray nun kung sakali ngang si Sien ang crush ni Khray.." pagsang ayon ni sweet kay Ariel

"Hay!! naku di niyo naman ako naiintindihan eh.. Kaya nga tinitingnan natin kung meron pa rin ba o wala na.." - Ara

"Eh ang tanong Ara, meron nga ba? Tsaka paano mo naman nasabi na meron may proof ka ba?" -Vera

"Hay naku, pinagtutulungan niyo naman ako eh.. Remember sa ating lahat ako yung madaling makapansin kahit maliit na bagay?..Basta ipapakita ko sa inyo.." sabi ni Ara sabay sunod nila kay Sien

====================================

Sien's POV

Ano ba naman itong napasukan ko ? Dapat yata di na lang ako nanghiram kay Khray eh.. yan tuloy dumadaan ako sa punishment na ganito, di kaya sinadya nila toh?

Hindi naman siguro.. Pero baka akala nila magkakaroon na rin ako ng crush kay Khray dahil dito..

NAhhh.. imposible naman yun, edi dagdag kumpitensya yun sa kanila..

Hayy.. nakikita ko na yung room ng Rank SPEED.. 

Silip silip din muna pag may time..

Grabe ang tahimik nila kahit walang teacher tsaka wow, mga bookworm ata lahat ng tao dito eh.. mga piling matatalino lang talaga nakakapasok sa rank na ito special..

* hingang malalim sabay katok sa pinto*

*tok tok*

Buti agad din binuksan at si Khray agad bumungad sakin..

"Ahmm.. Khray ito na pala yung Jacket na hiniram ko nung sabado.. Thank you ulit ah tsaka wag ka mag alala nalabhan ko na yan kaya parang bago ulit.." paliwanag ko

"Ano ka ba ok lang kahit di mo na nilabhan.." nakangiting sabi ni Khray , siguro nga tama si Ara mabait na tao si Khray at sincere siya sa lahat ng ginagawa niya.

" Ahh sige Khray mauna na ako.. Baka matunaw na ako sa titig sakin ng mga kaklase mo. "

"Osege mamaya nalang ulit.."- Khray

"Ah ok.."

------------end of POV---------------

Pagkatapos mag usap nila SIen at Khray, agad na din umalis si Sien. Sinundan naman ng tingin ni Khray si Sien hanggang sa hindi na niya ito tanaw at bumalik na sa kanyang upuan.. Habang ang friendships naman ay nagtatago sa gilid minamasdan ang kilos nila..

"See! I told you.." nakangising sabi ni Ara

"Alam niyo mamaya na natin pag usapan yan, pabalik na si Sien at dapat mauna tayo sa kanya.." Hale

Nagmamadali silang pumunta sa classroom upang maunahan si Sien, ngunit nahuli sila dahil nauna na si Sien..

"UY!! San kayo galing? Binalik ko lamng yung jacket tapos pagbalik ko dito nawala na kayo.." tanong ni Sien

"Ahhmm.. Ano kasi eh, bmili lang muna kami sandali sa canteen.." pagdadahilan ni Vera

"Eh, asan na ung binili niyo?"- Sien

"Ahh wala na kinain na namin.." - Ariel

"Sien mamaya nalang ah, magbebell na kasi bumalik na tayo sa upuan natin.."- Hale

=================================================

a/n

eto na po update ko for today ..

na inspired gumawa eh ahahaha..

hope you like it..^_^ 

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon