Chapter 23- Khray & Sien: Mission Impossible

65 4 2
                                    

Chapter 23


Sweet's POV

Grabe !!! Parang ang daming nanyari .. Hindi ko alam kung ano na gagawin ko , although hindi naman talaga ako ang nakakaexperience ng lahat ng ito pero di ko pa din maiwasan ang maguluhan , masaktan at maghanap ng solution para sa bff ko. Kung kayo din naman diba basta pag may problema ang inyong friend you will do everything para matulungan sya maliban nalang kung di ka tunay na kaibigan..

Pero buti na lang hindi lang ako ang friend niya bwahahaha.. 

Give me a break naman 1 week na ang nakakalipas simula ng heart to heart talk namin ni Sien at kahit na nag advice ako sa kanya ng hindi ko na maalala kung ano man yun dahil dala lang yun ng aking adrenalin rush mapatahan ko lng si Sien gora lang ako sa advice talking ko. Pero this time talaga i will make sure na may patutunguhan na ito.

"FRIENDSHIPS!!!!! " sigaw ko na lang bigla..dala ng aking frustrations.

"Nakakagulat ka  naman Sweet. Anong problema mo?" Sabi ni Vera

"I need help guys. Natutuyo na utak ko kakaisip . Come on brainstorming tayo." -Sweet

"I think I know your problem. About ba kay Sien?" sabi ni Ara

"Huhu.. Ara sabi ko na ba ikaw talaga ang genius ng grupo eh. Kinakabahan tuloy ako baka sa next na pasukan Rank SPEED ka na.." yakap ko Kay Ara.

"Enough na nga about dyan. Miski ako napapansin ko din na tungkol din yan kay Sien." -Tia

"Talaga?"-Vera

"Hay naku, tingnan mo naman yan si Sien, pinag uusapan na natin wala man lang imik.. Ayun oh tulala na naman"-Ariel

"So alam niyo na naman pala guys eh. So help me think.." sabi ko tama naman diba oras na para mag isip.

"I think alam ko na kung ano makakatulong kay Sien." sabi ni Hale

"I think i know what your thinking ."-Ara 

"Ha? ano ba yan wag na nga kayong paligoy ligoy.. Ano ba yun?"

"Sweet, hindi ano kundi SINO?"- Hale

Pagkarinig ko palang ng sino, meron na agad pumasok sa isip ko. Kundi SIYA.

"Kung ganun ano pa ginagawa natin dito, pumunta na tayo sa room ng Rank Speed."

"Wait lang guys. Pano naman si Sien? Iiwan lang natin sya?" nag aalalang sabi ni Ariel.

"Syempre . Wag kayo mag alala, tulala moments lang sya ngayon mamaya matutulog lang yan. Dahil wala na tayong klase at puro clearance na lang aasikasuhin natin kaya ok lang yan." paliwanag ko..

Dali dali kaming pumunta ng room at tanaw na namin ang pinto nila nang bigla kaming harangan ni Jules sa hallway.

"Oooopppsss.. San kayo pupunta?"- Jules

"Gusto lang namin makausap si Khray . Importante lang " paliwanag ko .. panu ba naman para kaming nagpapatintero dito sa hallway ayaw ba naman akong padaanin.

"Hindi pwede.. Siguro next school year na lang.." singit naman ni Daniel

"Hindi din pwede. 1 week na lang at bkasyon na. Kailangan ngayon na. Kung para samin lang ito hindi na kami magpupumilit. Pero para kay Sien kasi ito eh. " pagpupumilit din ni Vera.

"Tama!!! 1 week na naming nakikitang matamlay at tulala si Sien . Hindi na nga niya maasikaso yung clearance niya eh. Sa totoo niyan sinasabay namin sa pag asikaso yung sa kanya . Dave sabihin mo nga sa kanila padaanin  na kami." pagpapaliwanag ni Tia. Nakikita ko talaga ang sincerity kay Tia na pati relationship niya kay Dave ginagamit na niya.

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon