chapter 21- Broken Hearts </3

72 4 2
                                    

Sien's POV

Hayy.. sa wakas nakauwi din.. Pero infairness di ako nakaramdam ng pagod. Ang saya kasi kasama ni Khray eh haha..

Time check 8:30 pm na pala.. Naku patay ako nito kay Mama..

Pagkapasok ko nagulat ako dahil nag aabang pala si Mama sakin at kasama niya si Sweet.

"Sien, anong oras na? Diba, hanggang 4 pm lang ang uwian niyo?" sabi sakin ni mama.. Sabi ko na ba eh..

"pasensya na po, ginawa ko pa po kasi yung project namin sa club.. Pero ayos lang naman po dahil hinatid naman ako ng friend ko.." 

"oo nga napansin ko.. Kay Khray yung Kotse na yun diba?" tanong ni Sweet sakin..

"Ahh oo, sandali lang babae, anong ginagawa mo dito?" 

"Sandali, Khray ? pangalan ng lalaki yun ah.. manliligaw mo ba yun?" tanong ni mama sakin.. grabe naman sila magtanong di ba pwedeng kumain muna ako?

"Ahmm hindi po, Bestfriend po namin siya.. diba Sweet?"

"Eh bakit kailangan ka pa niya ihatid" another tanong na naman ni mama

"kasi nga po gabi na. Tinapos pa po namin yung project tsaka kami nalang po kasi yung natira dun.." paliwanag ko..

"Totoo ba yun Sweet?" 

"Opo tita.. Nitong mga nakaraang araw nagsisipag talaga po si Sien.." 

"Osege.. nagtatanong lang naman.. Halika na Sien at kakain na tayo.. Sumabay ka na din Sweet.."

"Osege po.. Magbibihis lang ako.." agad na kong umakyat sa kwarto upang magbihis.. nagulat naman ako dahil may mga bag akong nakita..

"Hala.. Kanino naman ito?" 

"Sakin yan bhes.. Dito muna ako sa inyo hanggang magtapos ang klase.. "

"Ha? Bakit? Naglayas ka ba? Naku, di ka pwede dito. Kita mo naman ang liit ng kwarto ko siguradong di ka sanay sa ganito.." 

"Ang OA mo naman.. Magbihis ka na nga dyan at naghihintay na si Tita sa baba. "

"Sweet, sinasabi ko lang naman yung katotohanan." sabi ko habang nagbibihis, wala ng hiya hiya lumaki naman kaming magkasama ni Sweet..

"Ano ka ba, ginagawa naman natin ito dati ah.. pag wala sila mama at papa sa bahay diba sa inyo ako nkikitulog? Ano naman pinagkaiba nun ngayon?"

"eh syempre dati, akala ko sanay ka sa hirap, tapos malalaman ko mayaman ka pala.. Nakakahiya naman sayo.."

"Hay nako!! Diba nga sabi ko sayo walang pinagkaiba yung dati sa ngayon.."

"Pero Sweet-- " di ko na natapos yung sinasabi ko dahil binato na ako ni Sweet ng unan..

"Basta dito na ako tapos.. Halika na at nagugutom na ako.." pagkatapos sabihin yun ni Sweet agad na siyang pumunta ng kusina, sumunod nalang ako at baka magalit pa siya sa akin.

----------------------------end--of--POV----------------------------------------------

Third person POV

(Sa bahay nila Khray)

"Uyy Dude" gulat ni Jules kay Khray . " Kanina pa ako nagkukuwento dito parang di ka naman nakikinig."

"Napansin ko din yun Khray. May problema ba?" nag aalalang tanong ni Gerald

"Ikaw itong nag-aaya na pumunta kami dito sa inyo tapos Ikaw pa itong late dumating. Saan ka naman nakakita na mauuna pa sa bahay yung inimbita kaysa sa nag imbita." -Miguel

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon