Chapter 23- Khray & Sien: Mission Impossible (part 2)

24 3 0
                                    

Chapter 23 part 2

Jules' POV

Ako lang ba o parang habang tumatagal nagiging boring na dito sa room. Lahat kasi super busy sa mga requirements nila. Ako pa naman yung tipo na di tumatagal sa ganung place. Simula kasi ng mangyari yun last week naging boring na dito. Panu ba naman kasi si Khray parang naging si Gerald na minsan nagsusuplado na o kaya di namamansin. Kulang nalang maging bookworm eh. Super brokenhearted ata simula ng malaman niya na may bf na si Sien. Mukhang tinamaan nga talaga sya. Hay naku kaya nga ayaw ko mainlove eh.. Hayy, Makaalis na nga dito, ang boring kasi.

"Psstt... Jules san punta mo?" Ito naman maka psst sakin aso ako? Aso!!!

"Lalabas lang Migs. Ang boring dito eh, maghahanap ako ng thrill hahaha.." sabi ko sabay labas ng room..

Bago pa ako makalabas inakbayan ako ni Migs sabay sabi, "Sama ako, maghahanap din ako ng thrill.."

Paglabas na paglabas namin nakita ko na ang thrill na hinahanap ko. 

"Migs, mukhang di na ata natin kailangan hanapin yung thrill , andyan na sila oh paparating na.."

"Anong thrill? " Biglang sulpot nman nung kambal sa likod namin.

Di ko na sila sinagot at diretso lapit na ako sa kanila.

"Oooopppsss.. San kayo pupunta?"- bungad ko sa kanila, panigurado si Khray na naman ang pupuntahan nila dito.

"Gusto lang namin makausap si Khray . Importante lang " sabi ni Sweet ..pero di ko siya hinayaan nagpatintero kami sa hallway hanggang sa nagsalita si Daniel

"Hindi pwede.. Siguro next school year na lang.."

"Hindi din pwede. 1 week na lang at bkasyon na. Kailangan ngayon na. Kung para samin lang ito hindi na kami magpupumilit. Pero para kay Sien kasi ito eh. " pagpupumilit din ni Vera. Hay naku mga babae talaga ang kukulit..

"Tama!!! 1 week na naming nakikitang matamlay at tulala si Sien . Hindi na nga niya maasikaso yung clearance niya eh. Sa totoo niyan sinasabay namin sa pag asikaso yung sa kanya . Dave sabihin mo nga sa kanila padaanin  na kami." pagpapaliwanag ni Tia. Pero parang si Dave ang kinakausap. Pag talaga ito si Dave pumayag...

"Sa tingin ko mga Pre, dapat na natin silang padaanin." Aba napapayag ang loko. Kahit kelan talaga under ito kay Tia

"Pwede ba Dave wag kang pasulsol dyan sa gf mo.. Baka nakakalimutan mo mas nauna mong naging kaibigan si Khray kaysa sa naging gf mo ." -tama Miguel, pagsabihan mo siya!

"Miguel please.. Pagbigyan nio na kami. Sigurado ako na si Khray lang ang makapagbabalik ng ngiti ni Sien." pilit ni Hale

Naku! Mga babae talaga kahit kelan makasarili. Di man lang nila naisip na di lang si Sien ang iniisip kundi si Khray din kaya. Yan ba ang kaibigan?

Naku nakikita ko na ang seryosong mukha ni Gerald ..sa wakas mapapatahimik na din sila.

"Padaanin niyo na sila. " Napantig ang tenga ko sa narinig ko kay Gerald.

Ha??? Tama ba yung narinig ko kinampihan sila ni Gerald? matanong nga toh.

"Ger, Bakit?"

"May point naman sila eh.. Si Khray lang ang makakapagpapangiti kay Sien." 

Totoo ba itong naririnig ko ? Panig sa kanila si Gerald.. ano kaya ang pinakain nila sa kanya?

"Teka lang Ger, kanino ka ba kampi sa kanila o kay Khray?" tanong ni Miguel

"Kay Khray. Bakit di niyo ba naisip kung sino lang din ang makakapagpasaya kay Khray"

Bigla kaming natahimik. Oo nga noh.. bakit kaya di namin naisip yun. Nawala ang katahimikan ng magsalita si Ara.

"Wait lang. I have an idea. Mukhang agree na naman kayo na magkita sila diba? Ganito nalang hindi muna sila magkikita ngayon pero tayo gagawa ng paraan para magkita sila.What do you think?" biglang sabi ni Ara..

Nakakaintriga! Pero I agree with her.

"Ok lang yun sakin . Kaso paano?" tanong ni Sweet

"Madali lang yan. Ganito ang gagawin natin girls.. Invite natin si Sien lumabas tapos ganun din kayo boys. Yung meeting place natin ay iisa. Pero bigla tayong hindi matutuloy on that day kaya ang result silang dalawa lang ang lalabas." -Ara

"Ok yang naisip mo . Payag ako , kaso lang ano ang idadahilan namin."- Miguel

"Kayo na bahala mag isip at kami na din ang bahala dun sa amin basta sa April 1 ang date kasi wala na tayong pasok nun. GroupChat na lang tayo about sa time and place"- Ara

Maganda yung naiisip niya kaso parang ang hirap naman magdahilan kay Khray. Ang talino kaya nun. Kaso baka makalusot malay natin!!.. hihihihi

Makalipas ang ilang araw. Dumating na rin ang paghuhukom ..! Joke!

Naisipan namin na magkita kita nalang sa tagpuan. At dahil katulad ko wala din silang maiisip na dahilan kaya hindi nalang kami nagdahilan.

[Otw na ko!] Nabasa kong text galing kay Khray syempre nagreply na lang ako ng ok.

Ibaba ko na sana yung phone ng bigla itong tumunog.

[Jules, punta ka ba?] Text ni Miguel

[Hindi!] Maikli kong reply.

Aba yung loko tinamad na magtext, tumawag ba naman. Madali ko naman itong sinagot, pero bago pa ko makapagsalita nauna na siya.

"Bakit?"

"Migs anong bakit? Diba nakinig ka naman sa paliwanag ni Ger sa plano."

"Oo nga Jules! At alam ko sabi niya magpapa late lang tayo ng dating, di ibig sabihin nun di na natin siya sisiputin."

"hay naku Migs. Di mo siguro na gets. Wag ka mag alala ipapaliwag ko ito sayo bilang isang mabait na kaibigan."

"Siraulo! Naiintindihan ko noh? Anong tingin mo sakin bobo?"

"Eh yun naman pala eh. Bakit ka pa pupunta?"

"Ikaw ang di ko gets. Maliwanag naman ang sabi ni Ger na pupunta tayo dun pero late na. Syempre dahil sa di na sisisputin si Sien kaya wala tayong choice kundi paglapitin sila. "

"Hahahahaja... Di mo ba kilala si Khray? Alam mo kasi pare. Dapat inuunahan mo na ang sitwasyon. Tingin mo ba pag nakita niya si Sien hahayaan niya pa tayo pumunta dun? Malamang dina. Pustahan pa tayo, magtitext pa yan na di na tayo tuloy."

"Ha? Di talaga kita magets? "

"Basta wait and see. Bye!"

Sabi ko sabay baba ng phone. Di ko na siya pinagsalita. At tama nga ko dahil ilang minuto pa lang ang nakalipas nagtext na si Khray. Malamang grouptext toh.

[Mga pre, something came up. Sa susunod na lang natin ituloy ang lakad natin.]

Hayy.. bakit kaya pinalaki akong genius. Nasabi ko na lang sa sarili ko habang naghahandang magswimming..


------------xxxxxxxxxx-----------------
Author's note:

Salamat po sa suporta, pasensya na super tagal ng update. Akala ko wala ng nagbabasa eh. Comment po kayo ah. Para update agad. Pasensya kung demanding hehehe..kayo kasi inspirasyon ko eh..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon