Chapter 15- weekend na!!! (Sien's POV)

44 3 0
                                    

Sien's POV

"UYY, gising na dyan tanghali na?" anubayan? sino ba yung kumakausap sakin?

"Sien Ano ba?" si mama ba yun? wala naman pasok ngayon, bakit niya ko gigisingin..

"Ma wala po kaming pasok ngayon.." tinatamad kong sabi habang nakapikit pa rin..

"Grabe, wala ka talagang pakelam sa lakad ngayon noh?" ang tining naman ng boses na yun..

Masilip nga

O.- bukas isang mata

-.O bukas kabilang mata

O.O bukas parehas..

"Oh? Sweet ikaw pala, ang aga mo naman mambulabog sa min.."

"Gusto ko lang po sabihin na 8:00 am na po....at 10 am ang usapan natin.. Matagal k pa naman maligo" grabe naman si Sweet..

"Sige na, ito na nga babangon na.." sabi ko habang tinatamad pa din tumayo..

"Whoah!!! Sweet nakabihis ka na agad?"" gulat kong sabi.. di rin siya excited noh?

"Malamang, alangan naman na bagong gising akong pumunta dito sa inyo.. Bilisan mo na nga lang mag ayos.." grabe naman , meron ata si Sweet ngayon masayado masungit..

Makalipas ang ilang sandali tapos na din ako mag ayos, simple lang naman ang damit ko kung ikukumpara kay Sweet.. Sosyal eh..

"UYY, Sien.. Anong oras na? 10 am ang usapan , 9:30 na po.." ang demanding talaga nitong si Sweet

'OO andyan na.."

Agad na akong sumakay sa kotse nila Sweet. Totoo nga ang sabi niya.. Isang mahabang trapik ang naghihintay samin.. Kaya pala nagsusungit ito eh kasi alam niya na male-late kami..

at yun late nga 10:30 na kami nakarating sa mall..

"Asan na sila? Ayan , baka umalis na sila kasi ikaw eh.." Aba manisi raw ba?

"Wag ka nga O.A. dyan teh, txt mo na lang sila.." 

"tinext ko na sila,... oh! eto nagreply na.. sabi nila nasa may 3rd floor daw sila sa may food court.."

"Ha? kumakain na sila?" tanong ko

"Nagtanong ka pa? Halika na nga bilisan na natin.." sabi ni Sweet sabay hila sa akin..

Dahil nga sa sobrang pagmamadali ni Sweet agad niya akong hinila papuntang elevator..

Pinipigilan ko naman siya dahil sobrang puno na.. pero dahil nagpumilit dahil nga daw nagmamadali kami ayun nahila niya rin ako..

at kapag minamalas ka nga naman oh..

Dahil nga pinilit ni Sweet na magkasya kami sa elevator, ayun ang t-shirt ko ang di nagkasya.. Sumabit ito sa may pintuan na naging sanhi ng pagkapunit nito.. Di lang basta punit, kundi sira na..

WARAK ANG LIKOD!!

Parang ni-rape na ako nito eh..

"Shit!!! Kapag ang malas nga naman dumating oh.."

Agad na kami naglakad papuntang cr dahil kahihiyan tong nangyari sakin..

"Bhez, mas malas ata itong nakikita ko.." sabi ni Sweet habang nakatingin sa malayo..

Napatingin din tuloy ako sa tinitingnan niya at nakita ko si Tia at Dave na papunta sa knaroroonan namin..

Agad na akong tinulak ni Sweet sa loob ng cr para di na nila ako makita..Pero rinig ko pa rin yung pag uusap nila..

""Oh? Tia anong ginagawa niyo dito ? Asan na sila?" rinig kong tanong ni Sweet

"Humiwalay kaming dalawa ni Dave kasi may ibang lakad kami hehe,," ang cute talaga ng boses ni Tia kahit kelan..

"Kanina pa nga namin kayo hinihintay eh.. Teka asan si Sien?" naku napansin ata ako kanina ni Dave eh..

"Ahmm, nag cr kasi si Sien hinihintay ko lang.. Sige mauna na kayo sa lakad niyo pupunta na din kami sa may food court.." ang galing talaga magpalusot ni Sweet ..

"Osege.."

Agad na pumasok sa loob si Sweet..

"Naku Sweet Paano na toh? Di naman pwedeng pumunta ako dun ng ganito?"  paawa ko kay Sweet

Sandali lang pupuntahan ko lang sila baka meron silang extrang damit.. Dito ka lanh ah?" ano ba naman itong si Sweet , parang may pupuntahang pa akong iba sa lagay kong toh..

"ok"

Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin si Sweet..

"Ang tagal mo naman, akala ko di mo na ako babalikan eh.."

"Pwede ba naman yun? oh, eto na lang jacket wala silang extrang damit eh.."

"Kanino galing? Akin na nga" sabi ko habang kinukuha kay Sweet , pero ang shungek naman nito.. Binibigay pero ayaw bitawan.. parang alam ko na kung kanino ito ah..

"Pwede sandali lang?" sabi niya habang inaamoy pa yung jacket..

"Akala ko ba ayaw mong ma-late tayo, sa ginagawa mo lalo tayong nagtatagal eh.." sabi ko sa kanya, agad din niyang inabot sakin yung jacket...

"eto naman, gusto ko lang i-cherish eh.."

"Kay Khray itong jacket noh? pakibalik na lang nakakahiya eh.. "

"Eto choosy pa, wag ka na maarte dyan.. kahit masakit sa loob ko na ikaw ang gagamit ng isa sa pag mamay ari ni Khray okay lang kasi kailangan mo talaga eh.." naku!! nag drama na naman ang bestfriend ko..

"Sige , thank you bhez.."

"Wag ka sakin magpasalamat dapat kay Khray kasi sa kanya yang jacket.."

" Oo na.."

pag katapos ko magbihis agad na kaming dumeretso sa kinaroroonan ng barkada..

================xxxxxxxxxxxxxxxx============

A/N

fresh update..

pasensya kong di naka update AGAD..

SA SUSUNOD MAG UPDATE NA AGAD AKO , PERO GUSTO KO COMMENT MUNA KAYO HEHE..

para malaman ko reaction, suggestion at opinion niyo sa gawa ko..

yun lamang po ^_^

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon