Chapter 16- Khray's POV

54 3 2
                                    

a/n: update ko po for today, kahit na po walang nag comment ayos lang may nag vote naman eh. Tsaka dahil na din sa nagmessage sakin na gusto na niya ng update.. I dedicate this to you.. hope u love it.^_^..

===========================================================================

chapter 16

Dahil weekend na, ang pinakahihintay na araw ni Khray agad na siyang bumangon sa kama at nag ayos. Agad na din niyang tinawagan ang barkada.

calling Jules............

"Hello." naghihikab na sabi ng nasa kabilang linya.

"Jules gising na maaga pa tayo mamaya.." masiglang sabi ni Khray

"ayos ka lang Khray , anong oras na ba ?"

dahil sa sinabi ni Jules agad na tumingin sa orasan si Khray.

"Ahmm, 5: 30??" 

"Kitams, di pa sumisikat ang araw ok kaya kung ako sayo matulog ka na lang ulit sige bye"

"Pero baka maleyt ta--" di na natapos ni Khray ang sasabihin niya dahil binabaan na siya ng telepono ni Jules..

"Aishh, si Jules talaga."

dahil mahaba pa ang oras nanuod muna si Khray ..

after 3 hours and 15 minutes dumating na rin sila..

time check 9:15 am

"oh Khray inagahan na namin ah. Bat ba masyado ka nagmamadali? eh malapit lang yung Mall dito sa inyo 15 mins. lang ang byahe.." -Jules

"Malamang dahil kay Sien." walang prenong sabi ni Miguel

"Hindi ah, ang panget lang kasing tingnan na pinaghihintay natin ang babae." -Khray

"oo nga naman! Kaya halika na.." pagtatanggol ni Dave kay Khray

"Suss, isa ka pa Dave eh, ikaw din nagmamadali kasi ayaw mo paghintayin yung gf mo." Daniel

"Oh Baka mag away pa kayo niyan magkapatid." Pag aawat ni Jomari.

"Di naman , nakakaasar lang kasi nasa gitna ako ng aking magandang panaginip ng bigla akong gisingin nitong si Dave, ni hindi pa nga sumisikat yung araw eh."- Daniel

"Haha, ganyan din si Khray kanina sakin. Maiintindihan ko pa si dave kasi gf niya yun at inlove siya. Eh si Khray wala naman siyang gf." -Jules

"Malamang inlove yan..Ano dude inlove ka ba?" tanong ni Miguel

"OO nga Khray, ngayon ka lang nagkaroon ng ganyang kilos over a girl at kay Sien pa lang." Daniel

"Sabihin mo , may gusto ka ba kay Sien? Kasi nung una ganyan din ang kilos ko kay Tia eh."- Dave

"Alam niyo kung ano- ano ang iniisip niy0. Teka asan ba si Gerald ng makaalis na tayo?"- Khray

"Nandoon sa taas, obvious naman kapag nasa kwarto tayo ni Khray dun agad yan sa may 2nd floor nagbabasa ng libro. Sandali lang tatawagin ko." -Jomari

"Hindi . sige ako na lang."-Khray

Agad na din umakyat si khray sa taas upang tawagin si Gerald. Pero laking gulat niya ng pag akyat niya nasa harapan na niya ang binata.

"Oh, Ger nakakagulat ka naman. Halika na baba na tayo naghihintay na sila." pababa na sana si Khray ng hagdan ng pigilan siya ni Gerald.

"Sandali Khray! Sabihin mo nga yung totoo, may gusto ka ba kay Sien?" seryosong tanong ni Gerald

"Pati ba naman ikaw sinasakyan ang trip nila? Halika na nga baka mahuli pa tayo sa oras ng usapan."

"Khray, oo o hindi lang naman ang sagot eh. Bkit mo iniiba yung usapan?"

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon