chapter 1- history..

171 7 7
                                    

ahhmm.. hi sa lahat 1st time ko pong gagawa ng story sa wattpad kaya sana i-support niyo po ako..

=======================××××===================

Chapter 1

"sa wakas highschool na tayo, natapos na din ang isang level ng journey natin.."- Sweet

"oo nga eh, di talaga ako makapaniwala na sa isang napakagandang school tayo makakapasok Sweet.." -Sien

Sweet's POV

hi! ^_^ ako nga pala si Sweet Keico Mangaring, isang certified animeholic.. Mayaman ang pamilya namin pero hindi ito alam ng bestfriend ko.. Alam ko hindi ako dapat naglilihim sa kanya pero everytime na sasabihin ko na ,lagi namang may eeksena hanggang sa umabot kami ng highschool..di rin naman siya nagtanong kaya di ko na din nasabi..

Nandito kami ngayon sa Delphinium Larkspur Academy kung saan kami mag aaral sa loob ng 4 na taon..

Pero bago yun ipapakilala ko muna ang bestfriend kong si Sefryna Sienel Necesario [pronounced as SEF-RI-NA SHENEL] isang babaeng hindi pa nahahanap ang role niya sa buhay at masyadong dependent sakin.. halos magkapatid na kami kung magturingan..

"Sien halika na ,tingnan na natin yung section natin.." sabi ko sa kanya masyado kasi namangha sa bago naming school, pero di ko naman siya masisisi kasi laki siya sa hirap kaya bihira lang siya makakita ng ganitong view..

"Sweet!! Panu yan di tayo magkaklase " hay.. sabi na nga ba ,masyado talaga siya dependent sakin..

"Ano ka ba ok lang yan.. katulad lang yan nung elementary tayo magkaiba ng section.." paliwanag ko sa kanya mukha kasing malungkot na naman siya..

"Sabagay tama ka.. matalino ka kasi kaya nasa mataas kang section.. samantalang ako section 5"

"ha? Hindi ah.. pangalawa nga lang eh.. tsaka mataas ka din naman ah.. Parehas nga lang tayo ng rank .. MODERATE SECTION KA DIN OH.." sabi ko habang nakaturo sa bulletin board..

"paano nangyari yun eh nakalagay dito section 1.. tapos pangalawa lang?"

"hindi mo binasa yung student handbook noh? Kaya pangalawa lang kasi nahahati ang section natin by ranking .. RANK SPEED- ito yung pinakamataas na section sa lahat .. top 20 lang na student ang nakakapasok dito ..kumbaga ito yung star section.. RANK MODERATE- dito nabibilang ang mga student na nasa section 1-10 tapos RANK SLOW- section 11-25 ang nandito.. hayy.. kahit kelan talaga.."

"Ahhh.. ganun pala yun pero di ko pa rin gets may pa speed,moderate at slow rank pa sila.. siguro ganito talaga pag private noh? Nakakapanibago talaga.."

"Wag ka mag alala Sien ,sure ako na magkakaron ka rin ng bagong friends.."

"Sana nga .. sige kita na lang tayong mamayang uwian.."

============××××===========

a/n

pasensya na kung ganito lang nagawa ko sana nagustuhan niyo..

Vote po if like niyo...^_^

~Serenitychrone

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon