Chapter 20-Hidden Feelings start to show..

68 2 1
                                    

Chapter 20

Nakalipas na ang dalawang linggo at sa dalawang linggo na iyon ito ang mga nangyari:

*sinabi ng friendship kay Tia ang nalaman nila about dun sa special feelings ni Khray kay Sien, pero di nila sinabi iyon kay Sien kahit pa may 'no more secret sa bestfriend rule' sila. Dahil si Khray naman daw ang may secret kaya dapat siya daw ang magsabi kay Sien.

*Nagiging close na ang friendship at emperor

*napansin ni Sien na hindi na nagpaparamdam si Khray sa kanila.

"Guys, pansin niyo ba na hindi na nagpaparamdam si Khray satin?" - Sien

"UYYYY!! Namimiss niya si Khray" panunukso na sabi ni Sweet habang sinusundot si Sien sa tagiliran..

"May ibig sabihin yan.." isa pang kantsaw ni Ariel

"Aminin mo may feelings ka na kay Khray noh? Ayyieehh.." - Vera

"Kayo talaga .. Ano naman gimik niyo ah, masama ba magtanong?" - Sien

"First of all di naman masama magtanong. Second, di mo pa nasasagot yung tanong namin.. Do you have feelings for Khray?" - Ara

"Wala naman, as friend lang talaga turing ko kay Khray. Tsaka i made up my mind na isa lang yung crush ko noh.." - Sien

"At si Gino Cain Alcantara yun diba?"- Hale

"Yes!! Correct ka dyan Hale.. Tsaka bakit ba kayo ganyan? Porket tapos na kayong magkacrush kay Khray kelangan ako naman ipagpilitan niyong magkaroon din ng crush sa kanya?"- Sien

"Hindi naman sa ganoon Sien. Pero naisip lang namin paano kung biglang naisip ni Khray na manligaw sayo?" - Tia

"Napakaimposible naman nun noh.. Sa dami ng magaganda dito sa campus ako pa ang magugustuhan niya ?" -Sien

"Kung sa bagay.. Pero di ba sabi ni Khray kilala natin yung nagugustuhan niya, Baka ikaw na yun?" Vera

"Kilala lang natin pero di naman agad masasabi na ako yun.. kaya imposible.." - Sien

"Pero wala naman sinabi na maliban sayo kaya may chance na ikaw yun.." - pagpupumilit ni Ariel

"Sabihin na nating tama ka, kahit pa noh ayoko mag assume . Siguro ang pagtutuunan ko muna ng pansin eh yung project ko.." - Sien

"What project? wla naman ako natatandaan na may pinagawa sa ating project.." - Ara

"Ah wala talaga.. Project namin kasi sa club yun.. Sumali kasi ako sa SOCIAL DEPARTMENT CLUB at kung bakit ako bigla sumali? President kasi dun si Gino at may project kaming gagawin para sa valentines day.. Medyo busy ako kasi bukod sa program kami din mag iisip para sa activities na gagawin.. Kaya wag sana kayong magtatampo guys ah, wag kayo mag-alala babawi ako sa inyo pagkatapos ng Valentines Day.. OO nga pala may meeting pala kami ngayon.. See you guys around na lang ah.."  sabi ni Sien sabay nagmamadaling umalis..

Pagkaalis ni Sien agad na nag usap usap ang Friendships..

"Sandali lang Friendships tama ba itong ginagawa natin? " nag aalinlangang sabi ni Hale

"Parang tama nga si Sien na pinagpipilitan natin siya kay Khray.." sang ayon ni Ariel

"Ang mas inaalala ko si Khray.. Tama naman si Sien eh, di na nagpaparamdam satin si Khray." - Sweet

"Oo nga eh, naisip ko tuloy, di kaya wala na siya feelings kay Sien tapos eto tayo pinipilit si Sien na magkagusto sa kanya.." - Vera

" How about we ask Khray nalang.. Para di tayo gumagawa ng kanya kanyang conclusion.."- Ara

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon