chapter 4
Sien's POV
yesss.. uwian na..
"Sien uwi na kami ah .." sabi ni Hale, kasabay na din niya umalis si Ara dahil parehas naman daw sila ng village..
"Kami din una na kami, daan pa kasi kami ng mall ni Ariel.." sabi naman ni Vera.. tama nga sabi ni Sweet kahit parati nalang silang nag aaway at nagbabarahan.. magkasundo pa din sila pagdating sa ibang bagay..
"Ako din una na ako.. pinapasundo na kasi ako ni mommy eh.." sabi ni Sweet habang pasakay ng kotse.. wait lang .. Kotse?? Kelan pa sila nagkaroon nun??
"Sandali Sweet???" sigaw ko.. buti di nya pa nasasara yung pinto..
"Bakit??"
"Ke-kelan k-ka pa nagka-karon n-ng ko-kotse??" grabe , tumataya kaya sila sa lotto at nanalo kaya biglaan ang pagyaman??
"Ako ?? magkakaron ng kotse?? siguro after 3 years pa.. eto namang sundo ko kay mommy toh.. kita mong may driver diba? Tsaka mo sabihin na sakin kapag ako na ang nagdadrive.."
"edi ibig sabihin rich ka din?? bat ngayon ko lang nalaman? akala ko ba magbestfriend tayo? Bakit di mo sinabi sakin? Hindi ba scholar ka kaya ka napasok dito? Tsaka......hmmpphhmff" di ko na natapos sasabihin ko kasi tinakpan na ni Sweet ng Kamay niya..
"hep hep.. pwede mamaya na lang ang tanong..?? Promise sasagutin ko yan lahat.. naghihintay na kasi si mommy eh.. babye.." sabi niya sabay sara ng pinto at umalis..
ako naman eto nakatulala.. maraming tanong sa isipan..
"Sweetcorn!!!" tawag niya sakin..
oo nga pala di ko pa napakikilala ang babaeng mahal ko.. si Janella Marie Julio.. Sa totoo nga niyan kahit kelan di ko toh naging close, pero ng dahil sa bestfriend kong si Randolph Allan Ballada naging close kami bakit?? Ganito kasi yun, si Allan ay may gusto kay Janella kaso di naman siya napapansin.. kaya humingi siya ng tulong sakin.. Parang naging bridge nga ko sa ligawan nila eh.. pero di ko inaasahan na magugustuhan ko din si Janella, nung una crush lang naman pero habang tumatagal at nakikilala ko siya nainlove na ako sa kanya.. kaya kahit bestfriend ko si Allan nagtapat ako sa kanya.. tapos nag ok lang siya.. pero nung kay Allan na.. umayaw sya.. kaya ayun nagtransfer sa ibang school dala ata ng pagiging broken hearted.. ang drama nga eh.. pero sure ako magiging maayos din ang lahat..
Nagtataka ba kayo sa kwento ko kasi parehas kaming girl.?. oo ako yung tomboy saming dalawa.. hahaha.. kakaiba ba??
"Sweetcorn ikaw pala..musta ang 2nd year??"
"Ahmm ok naman.. bakit nga pala nandito ka pa??" sabi ni Janella
" Ahh.. paalis na rin ako, buti nga sakto ka.. may itatanong kasi ako eh.."
"ahh.. anu yun?"
"kilala mo ba si... sino nga pala yun...??? ahhmm.. ahh si Khray??" curious talaga ako eh.. sabi kasi nila, limitado lang hindi nakakakilala dun..
"si Khray?? Si Khray Xenon Tolentino ba?? Oo naman siya pa.. kilala lahat yun noh.. pati narin yung iba pang emperor.." grabe ako nga lang hindi nakakakilala sa kanya..
"ahh.. kala ko hindi eh"
"suusss.. ako pa hindi makakakilala eh hearthrob yun eh.. pati nga mga tagalabas gusto din siya at kilala ako pa kayang nasa loob?? sa totoo nga niyan crush ko din siya.. pero parang inlove na ata eh.. hehe" wait lang parang nabingi ako dun ah.. inlove??
"Sandali inlove?? kay Khray?? Diba girlfriend kita? Bakit may nagugustuhan kang iba??" grabe parang huminto yung mundo ko sa narinig ko..
"ha?? Diba girlfriend.. you mean bestfriend kaya sabi ko ok lang.."
"Pero akala ko tayo talaga.. bat parang di tayo nagkakaintindihan dito.." parang di ako makahinga sa mga nalalaman ko.. nararamdaman kong parang umiinit yung mata ko..
"wait lang Sien.. tomboy ka?? Im sorry Sien if i misunderstood and for hurting you like this.. di ko kasi alam.. yung gestures mo kasi parang babaeng babae ka naman.." sabi niya habang pinipilit hawakan ang kamay ko pero paulit ulit ko iyong tinatanggal..
"ok lang tanggap ko naman.. ako din may kasalanan kasi di ko napaliwanag.. pero please wag muna tayong mag usap at hanggat maaari ayaw muna kitang makita" sabi ko sabay walk out.. di ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis na ako agad baka kasi lalo lang kong masaktan..
BINABASA MO ANG
Hidden Hearts
Teen FictionNaranasan niyu na bang mainlove??? Eh ang masaktan ng dahil sa love??? Lahat ng Ito ay may dahilan upang maituro tayo sa tamang landas para sa ating soulmate or Truelove.. Kaya just be patient and wait for the right person at the right time.. Becaus...