Yanna

82 7 1
                                    

"Ano tol? Nag-away na naman kayo? Hahaha! Palagi nalang!"

"Oo tol. Ewan ko nga e, wala daw kasi akong time para sa kanya. Eh takte! kahit nga sobrang busy ako sa basketball at naghahabol sa academic, naghahanap parin ako ng time para lang makasama kami!"

"Tsk. Mga babae talaga! Buti nalang single ako."

"Pfftt. Napaka torpe mo naman kasi tol."

"HAHAHAHAHAHA!"

Ano ba yan umagang-umaga ang iingay!

Bumangon ako at naghilamos, nag tooth brush tsaka lumabas sa kwarto para sitahin si kuya at ang mga barkada niya.
Nasa may sala sila kaya agad naman silang lumingon sa akin.

"Umagang-umaga Kuya, ang iingay niyo na! Badtrip inaantok pa ako."

"Anong umaga ka diyan sis? Are you dreaming? Alas dose na kaya. Pfftt."

Tumingin agad ako sa wall clock at... Alright 12:05 pm na nga pala talaga. Buti nalang sabado ngayon.

"HAHAHAHAHA!" tawa nilang lima

Kaasar talaga itong mga 'to. Kung bakit ba kasi sila nandito.

"Anong tinatawanan niyo?" tanong ko sa kanila kahit alam ko namang ako yun.

"Ahh e... wala. Yung wall clock kasi nakakatawa hahahaha!" - Kuya

"Yung vase kasi! Hahaha! - Aldrei at Xandrei

"Putek! yung mukha kasi ni Grae! Hahaha nakakatawa!" -Raven

"Ano Raven?! Ha ha ha yung ano kasi yanna yung tiles haha!" - Grae

Iba't ibang rason. Wow.

"Lokohin niyo lelang niyo mga ulul!" sigaw ko sa kanila.

Well, I'm Irish Yanna Joy Garcia but, Yanna lang ang tawag nila sa akin, ang haba daw kasi masyado ng name ko haha. Marami ang nagsasabing boyish ako. Oo, pero sa pananamit lang. Pusong babae parin ako noh! Hahaha. 16 years old na ako. Then yung kuya ko, si Michael Kevin. 18 years old na siya. Kapag magkasama kami, aakalain mong magkambal kami hehe. Mas maputi lang siya ng konti -______-

Tumalikod na ako sa kanila para pumunta sa kusina.
Pero bago pa man ako makaalis ay narinig ko ang sinabi ni Raven.

"Whoa! Ang cool! Ibang klase talaga yang kapatid mo tol! Boyish pero maganda."

Tsk.

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon