"mahal mo na?"

1 0 0
                                    

Monday na monday walang teacher. First period pa naman at ang sabi may quiz kami ngayon kaya todo review naman ako nung sabado't linggo.

"Lando, samahan mo na kasi ako sa canteen."

Kanina ko pa pinipilit si Lance na pumunta sa canteen pero nakapikit siya at nakasandal ang ulo niya sa likod ng upuan.

"Inaantok nga ako. Ikaw nalang." sabi niya. Ayaw niya talaga ha.

Nung Friday hindi niya ako tinantanan hangga't hindi ko kinukwento yung tungkol sa amin ni Raven tapos ngayon kayang-kaya niya na akong tanggihan kasi sinabi ko na sa kanya lahat.

Pagkalabas ko ay saktong lumabas din si Lester sa room nila na katabi lang ng room namin.

"Oh. Wala kayong teacher?" tanong niya habang tinitignan ang loob ng classroom.

"Wala e. Kayo?" tanong ko naman kahit naririnig kong nagdidiscuss ang teacher nila.

Para lang mapahaba ang usapan namin. Hehe.

"Magprapractice kami para bukas." sabay turo niya kina Gab, Justin, at Gio na kabanda niya.

"Ahh." ngumiti ako sa kanila "Pupunta pa ako sa canteen. Sige guys. Bye." sabi ko at tumalikod na.

"Mga dude, punta lang din ako sa canteen may bibilhin ako." narinig kong sabi ni Lester

"Good luck dude!"

"Lul!"

"Yanna! Wait!" Huminto ako at nilingon siya.

"Sabay na tayo. May bibilhin din ako."

"Okay."

Ilang minutong katahimikan bago siya nagsalita.

"Kamusta kayo ni Raven?"

Napahinto ako sa paglalakad. Ano ba ang dapat kong isagot? Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Buti na lang at nakayuko siya.

"Okay lang naman kami. Haha. Matatag pa din? Haha. Kayo ni Zharaine? Uyyy! Magkwento ka naman!"

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para tanungin siya kahit kabadong kabado ako.

"Wala akong dapat ikwento kasi walang kami." seryosong tanong niya.

"Walang kayo o wala PANG kayo? Hahaha. Huwag ka ngang torpe diyan baka maunahan ka pa." sabi ko sa nang-aasar na tono.

"Walang kami. Oo nga e, ang torpe ko. Naunahan tuloy."

Hindi ko narinig yung huling sinabi niya dahil humina ang boses niya. Ang narinig ko lang ay yung 'walang kami'.

Pumasok kami sa canteen. Bumili ako ng dalawang chuckie at dalawang sandwich para sa aming dalawa ni Lance. Kahit di niya ako sinamahan, best friend ko parin yun noh.

Nilingon ko si Lester. "Anong bibilhin mo?" tanong ko

"Wala dito e." sabi niya

"Tara sa Canteen 2 at Canteen 3" sabi ko

"Huwag na baka ma-late ka pa sa nextclass mo. Tara."

Okay lang. Gusto pa kitang makasama. Gusto kong sabihin pero syempre hindi pwede.

Tumango ako at sabay kaming naglakad. Nung nakarating kami sa tapat ng music room ay huminto kami.

"Yanna?"

Tinignan ko siya. "Hmm?"

"Manood ka bukas ha?"

"Syempre naman!"

Tumawa siya. "Sige. Ingat ka." kumaway siya kaya kinawayan ko din siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakangiti akong napatingin sa gym. Medyo malayo pero kitang kita ko sila kuya na sobrang focus sa paglalaro. Lumipat ang tingin ko sa lalaking nakatayo at diretsong nakatingin sa direksyon ko. Naka kunot ang kanyang noo pagkatapos ay umirap sakin. WTF Raven?! Nakita niya kaya na magkasama kami ni Lester?

E ano naman ngayon? Diba nga nagpapanggap lang kami. Bakit siya magagalit?

Pagpasok ko sa classroom ay umupo agad ako sa upuan ko at kinalabit si Lance na tulog na ata.

"Andyan na si Ma'am!" sigaw ko. Agad naman siyang umayos sa pagkakaupo. Pfft.

Tinawanan ko siya at tinignan niya ako ng masama.

"Para sayo." sabi ko sabay bigay ng chuckie at sandwich. Agad niya itong kinuha. Patay gutom.

"Nagkasabay kami ni Lester papuntang canteen at pagkabalik." kwento ko sa kanya.

"Paano?"

"Pagkalabas ko ng classroom kanina ay saktong palabas din siya with his band mates tapos 'yun may bibilhin din daw siya sa canteen kaya nagkasabay kami."

"Yun lang naman pala. Tsk. Kilig ka na?!"

"Kilig na kilig! Kaso nakita kami ni Raven."

"What?!" sigaw niya

"Yup. Parang galit nga siya e."

"Fuck. Lagot ako shit."

Nagtaka ako sa biglaang pagmumura ni Lance. Nagmumura pala siya? Lol.

"Bakit ka naman malalagot sa kanya?" tanong ko

"Kasi nga bilin niya, bantayan daw kita kapag wala siya. Lagot daw ako sa kanya kapag makita ka niyang may kasamang ibang lalaki lalo na kapag si Lester."

"What?!" this time, ako naman yung napasigaw.

"Damn. Ginawa pa akong bodyguard. Bakit ako malalagot? Lalaban ako." sabi niya sabay kumindat sakin.

"Subukan mo at ako ang gugulpi sayo ngayon na."

Tumawa siya.

"Ayaw mo na labanan ko siya? Bakit? Concern ka? Mahal mo na ba?"

The hell? Mahal agad?

Babatukan ko na sana siya ngunit ito'y naudlot sapagkat biglang dumating ang aming guro sa Filipino. Sayang.

Pero bakit nga ba bigla akong nagreact nung sinabi niyang lalaban siya kay Raven? Dahil ayaw kong masaktan si Raven? Kapag maglalaban sila, paniguradong si Lance ang kawawa. Mas matangkad at mas malaki ang katawan ni Raven kaysa kay Lance. Bakit ako nag-aalala? Atsaka siguro biro lang 'yon ni Lando. Pfft.

Pinilig ko ang ulo ko. Ano ba 'tong naiisip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon