information

19 2 0
                                    


Kevin's POV

"Lapitan mo na siya at kausapin Xandrei. Kailangan nating makaalap ng impormasyon."

"Langya tol! Inuutusan mo na ako ngayon? Gusto mo na bang mapatalsik?!"

"Alam ko namang mahal na mahal mo ako kaya di mo yun magagawa."

"Pfft."

"Mga bakla ba kayo? Kausapin niyo lang naman siya. Bakit ba parang takot na takot kayo?"

"Edi ikaw na unang lumapit tol."

"Tsk. Sige na nga. Pasalamat kayo gwapo ako."

Pagkatapos ng practice, nadaanan namin itong music room at eksaktong meron si Zharaine sa loob. Umalis naman agad si Raven. Siyempre kaming apat, susulitin na namin ang pagkakataong ito. Kailangan na naming malaman ang lahat para sa kaibigan namin.

"Yo Zharaine!" panimula ni Aldrei

"Oh. Hello guys!"

Wth?! Bakit ang sigla ng ngiti niya? Parang wala manlang sa kanya na kaharap niya ang mga kaibigan ng ex-boyfriend niya ah!

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hehe wala lang."

Nagkatinginan kaming apat. Wala ng gustong magsalita.

"Zharaine, bakit mo naman ginawa yun kay Raven?"

Napaka direct to the point talaga nitong si Grae. Lol.

"Yung ano?"

"Yung ano? Haha. Nakalimutan mo na ba? Kahapon lang yun diba? Pagkatapos mong hiwalayan ang kaibigan namin ng walang dahilan? Este, meron pala di nga lang sapat. Zharaine bakit? Kahit napaka korni, isip-bata, loko loko niya, alam mo namang mahal na mahal ka nun diba? Di mo ba yun nararamdaman?"

"Oo alam ko. Nararamdaman ko yun!"

Hindi niya na napigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Raine, why are you crying?!"

Lahat kami ay napalingon sa lalakeng tumatakbo papunta sa direksiyon namin.

Niyakap niya si Zharaine at pinunasan ang luha nito.

Tumingin siya samin.

"What happened guys?!" tanong niya

Di ako makapag salita or di kami makapag salita rather.

"Wala. Haha lika na."

Hinila siya ni Zharaine palabas.

Tumingin ako sa tatlong kasama ko. Nakatingin rin sila sa akin. Pakshet. Alam kong pare-pareho lang ang nasa isip namin sa mga oras na 'to.

Paano namin sasabihin ang nakalap naming impormasyon sa kapatid ko?

Bakit magkasama sila? Anong meron sa kay Zharaine Reyes at Lester Fuentes?

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon