project

23 2 0
                                    

"Asan yung iba?" tanong ko kay Lester pagkadating namin sa music room

"Nasa canteen pa ata."

"Nasa canteen din naman ako kanina bakit ako lang tinawag mo?"

I'm very sure. Gusto niya akong masolo.

"Mag-iingay lang sila kapag lahat sila tinawag ko kaya ikaw nalang. Magpaplano tayo."

Hays. Akala ko pa naman.

"Anong plano naman 'yan?"

"Kasi... naisip ko, masyado tayong madami para tumugtog. Paano kaya kung hatiin nalang natin ang grupo?"

"Wait ha. What do you mean?"

"By Justin Bieber?"

"Joke ba yan?"

"Pfft. Hahaha. So yun nga, hatiin natin ang group ng dalawa. Apat na members ang isang group and ang isa ay tatlong members lang."

"Ah. Gets! Tama! Bright idea!" sabi ko sabay suntok sa ere.

"Huli na ba kami sa balita?"

Napatingin kami sa pintuan. Bakit ang bilis naman nilang dumating? Kainis.

"Napaka tsismoso mo talaga Kharl!" suway ni Kristine

"Nandito lang kayo, ang ingay na."

"Ahy sorry naman Lester ah? Kayo lang ba ang magka grupo dalawa? Aalis na ba kami?"

"Drama ng buhay mo tol."

"Tama na yan guys. Mag-umpisa na tayo."

Salamat naman at medyo matino itong si Joshua.

"Before we start guys, may gusto lang akong sabihin." sabi ni Lester

Umupo naman silang lahat at handang makinig.

"Kasi naisip namin ni Yanna, masyadong madami ang pito para tumugtog. Ngayon, hahatiin nalang natin ang grupo sa dalawa which is ang isang group 3 members and yung isa ay 4. Okay lang ba?"

Siya lang kaya ang nag-isip nun! Pati pa ako dinamay. Pero its okay kasi lahat naman sila nag-agree.

"So paano natin gagawin ang groupings?"

"Lahat naman talented. May magandang boses at halos lahat ng instruments kayang tugtugin. Kaya di tayo mahihirapan."

"Sus. Hahahahaha!"

"Kharl, Kristine, at Bea. Kayo ang magkakagroup. Okay ba? Wag kayong mag-alala kasi iisang group lang din naman tayong lahat at parepareho ng grade." ani Lester

"Okay lang." sabi ni Kristine

"Basta kasama mo ako?" tanong ni Kharl

"Asa"

"Eto naman! Joke ko lang e."

"Kristine ikaw ang vocalist, Ako ang guitarist at ikaw Kharl ang drummer." sabi ni Bea

"Okay!"

"Kristel, Yanna at Joshua tayo ang magkakagroup." sabi ni Lester

"Lester at Yanna kayo ang kakanta, Ako ang guitarist at Joshua ikaw drummer." sabi ni Kristel

Gusto ko ang mag drum pero mas gusto ko siya maka duet.

"Okay!"

"So lets start?"

"Wait! Dito na ba tayo sa music room magpeperform? Diba vivideohan?" tanong ni Kristel

"Oo nga no? Dapat maganda ang background at dapat naka uniform pa tayo kaya mag-ayos na tayo girls!" sabi naman ni Bea

Could It Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon